Ang storya ko (storya ni Clyde) [one shot story]

183 1 1
                                    

Si Clyde Milton ay nag iisang anak ni Amether Milton, namatay ang ama nya nung 7 taon palang sya.

napaka masayahin nyang tao, pala kaibigan, at matulungin

pero nagbago ang lahat ng magkaroon sya ng sakit..

Pulmonary tuberculosis (TB)

nagsimulang lumala ang sakit nya nung 18 sya. Ilang beses na syang sinugod sa ospital dahil dun, hanggang sa hindi na nila kinaya pa ang iba't ibang therapy kaya mas pinili nya na sa bahay nalang manitili imbis na ospital

sa umpisa palang alam na ni Clyde na hindi na sya gagaling. kaya di na sya umasa pa. hinihintay nya nalang matapos ang lahat

lagi nalang syang nasa loob ng kwarto nya at nagkukulong. natatakot kasi sya na baka may mahawa sa sakit nya

wala syang laging kasama kundi ang kanyang mama

simula nung magkasakit sya nawala na lahat ng mga kaibigan nya. nagsimula narin syang layuan ng mga tao

tuwing makikita sya ng mama nya na hirap na hirap dahil sa sakit nya lagi nalang syang umiiyak sakanya. lagi parin syang pinipilit ng mama nya na magpagamot pero gaya ng dati tumanggi parin sya

di gaya ng iba, naniniwala parin sya sa panginoon kahit puro kamalasan na ang nangyayari sa buhay nila. una ang papa nya ngayon naman sya

inisip nya nalang na may magandang plano ang dyos para sakanila

kinaumagahan ng mapansin nyang umalis ang mama nya ng bahay, naisipan nyang lumabas

nagsuot lang sya ng bonet, jacket at mask. naglakad lakad lang sya ng mapadpad sya sa isang tindahan ng cd

tumingin tingin sya sa mga naka display sa labas ng tindahan ng may makita sya sa loob

isang napaka gandang babae na halos kasing edae nya lang. nakaagaw ng pansin nya ang napakasayang ngiti nito habang nakikipag usap sa ilang mga costumer

maputi sya, mahaba at kulay brown ang buhok

pakiramdam nya nakakita sya ng isang angel. alam nya sa sarili nya na na-love at first sight sya

nagkusa ang kanyang mga paa upang pumasok sa loob ng tindahan. halo halo ang emosyong nararamdaman nya habang papalapit ng papalapit ng papalapit dun sa babae

hindi nya namalayan na sobrang lapit na nila sa isa't isa

nakatingin lang sya ng magsalita ito "what can I do for you sir?" at binigyan sya ng pagkatamis tamis na ngiti

parang musika sakanya ang boses ng babae na hanggang ngayon ay naririnig parin nya. gustuhin man nyang magsalita ngunit di maaari

nagpalinga linga sya sa paligid at ng may makita syang CD kinuha nya ito at ibinagay sa babae

"sir gusto nyo po bang ibalot ko?" tumango lang sya at umalis na ang babae para ibalot ang binili nyang CD

masaya syang umuwi sa kanila. sinalubong sya ng kanyang ina na alalang alala. ikinuwento nya rito ang lahat pati na ang pagtingin nya dun sa babae

"bakit hindi mo sya yayaing lumabas?" nagiwas tingin lang sya. dahil bukod sa nahihiya sya ay hindi maaari, dahil sa sakit nya. ayaw nyang malaman ng babae ang tungkol dito.

"hihintayin mo nalang bang masayang ang lahat?" hinawakan nya ang kamay ng anak nya "anak, wag mong parusahan ng lubos ang sarili mo.. hayaan mo namang maging masaya ang sarili mo"

pumasok na sya sa kwarto nya at humiga sa kama. iniisip parin nya lahat ng sinabi ng mama nya

tama siguro si mama, kailangan ko na syang yayain lumabas bago pa mahuli ang lahat.. bago pa ko mawala

bumangon sya at tinignan lang ang CD na binili nya kanina dun sa babae. inilagay nya lang ito sa cabinet nya ng di binubuksan at nagsimula ng matulog

ilang araw rin syang nagpabalik balik sa tindahan kung san nya nakita ang babae. lagi syang bumibili ng CD para lang makita nya to. lagi nya lang din itinatago lahat ng CD sa cabinet nya ng di na binubuksan. at kagaya ng dati di parin nya nagawang ayain ang babae para lumabas.

kapag nakikita na nya ito, nawawala lahat ng lakas ng loob na meron sya. natatakot syang baka tanggihan sya nito

dahil sa takot syang makausap ito ng harapan naisipan nalang nyang ibigay ang telephone number nya na nakasulat sa isang papel

kinabukasan, kinailangan na syang isugod sa ospital dahil sa nahihirapan na syang huminga

kitang kita ng kanyang ina lahat ng paghihirap nya. ibang iba na ang itsura nya kumpara nung wala pa syang sakit

siguro kung hindi nagkaganito ang anak ko, napakaayos ng buhay nya ngayon.. maraming kaibigan at palaging nakangiti.. dyos ko.. kayo na po sana ang bahala sa anak ko..

KKRRRIIIIIINNGG

"hello? sino to?"

"ako po si Janine"

"anong maitutulong ko sayo iha?"

"dyan po ba nakatira si Clyde Milton?"

"...."

"uhm.. hello? nadyan pa po ba kayo?"

"hindi mo pa ba alam?.. wala na sya.. m-mag iisang buwan na" nagsimula na syang umiyak

"p-po?"

"p-patay na si Clyde"

*toot toot

binabaan nya ko? sya siguro yun. yung babaeng tinutukoy sakin ni Clyde. sa isip nya at napangiti habang pinupunasan ang kanyang luha

isang araw naisipan nyang pumunta sa kwarto ng anak nya upang malinis ito. habang nagpupunas sya napansin nya ang isang cabinet sa may sulok ng kwarto

ng buksan nya ito nakita nya ang napakaraming patong patong na CD. mukang di pa nabubuksan

umupo sya sa kama at nagsimulang buksan ang isa.

Ng alisin nya ito sa pagkakabalot may biglang nalaglag na isang papel

'hi! alam mo cute ka, gusto mo bang lumabas kasama ako? - loved Janine'

nagulat sya sa nabasa nya. binuksan pa nya ang isa pang CD at may nakita ulit syang isang papel at kagaya rin nung una ang nakasulat

binuksan nya lahat ng CD at lahat ng yon may papel na iisa lang ang nakasulat

'hi! alam mo cute ka, gusto mo bang lumabas kasama ako? - loved Janine'

*~*~*~*~*~*~

tnx for reading! ^____^

vote and be fan

read nyo din po to http://www.wattpad.com/story/3659522-i-love-you-grandma-3

short story lang po yan kaya sana mabasa nyo..

tnx po ulit 

🎉 Tapos mo nang basahin ang Ang storya ko (storya ni Clyde) [one shot story] 🎉
Ang storya ko (storya ni Clyde) [one shot story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon