Kent Lao Point of View
Gusto ata ni Torralba na daanin sa dahas ang laban. Pinigilan lang ako nila Aljon at Kim at talagang masasapak ko na to. Tarages ang yabang ee. Bestfriend lang naman pala ni Sophie tapos ganun pa makaasta. Para namang pagaari nya. Nakakainis.
"Sige. Para patunayan ko sayo na hindi ko basta basta isusuko si Sophie" sabi nya at pumayag sya sa kasunduan namin. Basketball kami one on one. Kung sino manalo sa kanya mapupunta si Sophie.
Sa totoo lang sisiw lang para sakin yun. Hindi naman sa pagyayabang eh alam ko naman na mas magaleng ako kesa kay Torralba kaya alam ko na ako ang mananalo. Pero sabi nga nila. Silence is lethal. Baka mamaya may tinatago palang galeng to kaya hindi ko dapat i underestimate. Isa sa mga bagay na tinuro samin ni coach.
Kinabukasan yung naging pustahan namin ni Torralba. Medyo kinakabahan ako ng konti kasi kapag nga natalo ko alam ko ng wala na kong karapatang magpapansin kay Sophie dahil paniguradong babakuran na ko ni Torralba.
Naglaro kami sa isang court na medyo tago at ilan ilan lang ang tao. Kaming tatlo lang nila Aljon at Kim ang kasama ko. Si Ferrer kasi ewan ko kung san nagsususuot. Alam naman nya na kailangan ko ng resbak ee. Joke lang. Si Torralba lang magisa at nakasuot sya ng La Salle jersey nya.
"Kapag nanalo ko tigilan mo na ang pagaligid kay Sophie dahil sinisugurado ko sayo na hindi mo sya maagaw sakin" sabi ni Torralba bago magsimula ang game.
"Heaven will see" sagot ko at nagstretch stretch na kami at nag warmup.
Si Kim ang nag toss ng bola at si Aljon ang nagsilbing taga score. Si Kevin dapat ang referee kung sakali kaso hindi naman na kailangan yun. Ang unang maka 3 points ang syang mananalo. Eto na nagsimula na yung pustahan.
Naging maganda yung offense ko saka defense ko kay Torralba. Kulang sa footwork sa totoo lang. Ako ang unang naka one point pero nakabawe naman sya. Aba may ibubuga din pala ang kuya nyo.
Parehas na kaming nakaka 2 points. Kinakabahan na ko pero sya prenteng prente lang. Halata na kalmado lang at focus sa paglalaro. Mas ginalingan nya pa ang depensa dahil nasakin ang bola at isang shoot ko lang ay wala na sa kanya si Sophie. Nung nakahanap ako ng magandang tyempo. Mashoshoot ko na yung bola kaso nagulat kaming lahat ng may nag shoot din ng bola na sapat para hindi ko yun ma shoot. Badtrip taena.
"Paps!?" gulat na tanong ni Kim
"Mga Gage kayo. Ano sa tingin nyo ginagawa nyo aa?" tanong ni Kevin
"Panira ka naman ee!" naasar na sabi ko na muntik ko ng ikapagwala at susugudin ko na si Kevin
"Ikaw. Saka Ikaw" sabi nya at turo samin ni Torralba. "Tengene ano sa tingin nyo ginagawa nyo aa? Pinagpupustahan nyo si Sophie? Mga gage ba kayo? Ano akala nyo kay Sophie aa? Trophy lang?" seryosong sabi nya
"Mga lalaki ba talaga kayo? Putya para kayong mga bata. Pinagpupustahan nyo ang isang babae. Paano kung nalaman ni Sophie to? Hindi nyo ba naisip na masasaktan sya dahil sa ginagawa nyo?" pangangaral nya samin.
"Hindi ako nanguna" pangangatwiran ni Torralba. Nagmamalinis pa sya amfuta
"Kahit na. Kung may sentido komon ka dapat mo bang ipangpustahan ang bestfriend mo?" mabigat na tanong ni Kevin
"Saka ikaw paps. Magiisip isip ka nga. Kaayos nyo lang ni Sophie. Gusto mo ba talagang iniiwasan ka nya? Isipin mo mararamdaman nya kapag nalaman nya na ipinangpupusta mo sya. Taena hindi ganyan yung Kent na kilala ko" sabi ni Kevin.
Tama sya. Mali yung ginawa ko na isali sa pustahan namin ni Joshua si Sophie.
"Boys?" out of nowhere nagulat kami nung narinig namin ang boses ni Sophie.
BINABASA MO ANG
Living With the Four Tigers [UST Growling Tigers Fanfiction]
RomanceWhats the feeling if youre living in a dormitory with Kim Kaizen Lo, Kent Lao, Aljon Mariano and Kevin Ferrer as your boardmates?