Alex pov"Anak! Gising ka na ba? Pwede ba tayo mag usap?" Saad ni mama sa labas ng kwarto ko habang kumakatok.
Naka upo ako sa kama ko at nag mumukmok ng ilang araw. Sirang sira na ako, ako ang pinag uusapan ng mga tao kahit na mga kapitbahay namin kaya ayoko lumabas dahil natatakot ako.
Napabuntong hininga ako at napailing
"Bakit ba nag karoon ako ng ganitong problema?! Ugh!"
"Anak sige na, anak mag usap naman tayo oh, nandito naman ako eh, di naman Kita huhusgahan makikinig ako. Labas ka na anak ilang araw ka na nag kukulong dyan sa kwarto mo." Malungkot na saad ni mama.
Tumayo ako at nag lakad papuntang pinto at binuksan ito, Kita ko si mama bakas sa mukha nya na pag- aalala.
"Mama..."
"Anak ano ba pinag gagawa mo sa buhay mo! Bat ka naman nag kakaganyan." Naiiyak na Saad ni mama at sabay hawak sa braso ko.
Ngumiti ako ng pilit.
"Ayos lang ako mama wag ka mag-aalala." Mahinahong Sabi ko. Bigla ako hinampas ni mama
"T*nga ka ba? Sino di mag aalala?! Nanay mo ako alex! Nag aalala ako dahil ilang araw ka na di lumalabas dyan sa kwarto mo at di ka kumakain! " Panenermon ni mama napakamot na lamang ako pero parang umiikot ang paningin ko.
Napahawak ako sa pader habang hawak ang ulo ko hanggang nakaluhod ako.
"Argh!" Daing ko.
"Anak ano mangyayari sayo?!" Rinig kong Saad ni mama at tuluyan akong bumagsak at nawalan ng malay.
***
Coesha pov
Habang nag lalakad ako palabas ng kumpanya ay di ko maiwasang marinig mga usap usap kay alex.
Palihim ako napangisi, bagay lang sakanya yun noh. Pero kailangan ko pa makuha ang loob nito, ilang araw na din S'ya di pumapasok sa trabaho at ilang araw na din S'ya pinag uusapan ng lahat.
Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa dalawang lalaki na kanina pinag uusapan si alex.
Kaya natahimik ang mga tao at ang mga mata Nila ay naka tuon saakin."Ayoko sa lahat na hanggang dito sa trabaho ay dinadala yang issue na yan, hindi ba't may mga trabaho kayo?!" Kunwari Galit ko at masama at pinalibot ko Ang tingin ko kaya napayuko sila.
"Opo."
"Ayun naman pala eh?! Edi mag sibalikan kayo at gusto ko kalimutan nyo yang issue na yan! Kung hindi ay tatanggalin ko kayo sa trabaho na iintindihan nyo ba?!"
"Opo ma'am." Sagot Nila at bumalik na sila sa kanilang trabaho. Napailing na lamang ako at lumabas na ng kumpanya at pupunta ako sa bahay ni alex.
***
Nasa tapat na ako ng bahay Nila alex, kaya bumaba na ako ng sasakyan. Napabuntong hininga ako at tumingin sa paligid, madaming taong nakatingin saakin at nag bubulungan.
"Hi! Diba ikaw si Coesha Dizon Morales? Yung sikat na model/Youtuber?" Nakangiting Saad ng lalaki ngumiti ako at tumango.
Napakamot ito sa ulo sumulyap sa bahay Nila alex
"Ako si Tonio pinsan ni alex, hmm Eh ano ginagawa mo dito?"
"Ahh kasi gusto ko lang kamustahin si alex, ilang araw na s'yang di pumapasok sa trabaho eh, I feel so sad sa nangyari." Saad ko kaya napa 'ahh..' Sya.
"Alex! Anak!" Rinig kong sigaw ng matandang babae sa loob ng bahay Nila alex kaya napakunot noo ako.
"Si tita yun ah? Pasok tayo baka ano nangyari." Saad ni tonio Kaya pumasok kami sa loob.
Rinig ko Ang iyak at sigaw na nanghihingi ng tulong ang nanay ni alex.
Si alex ay nakahiga sa sahig at walang malay, sobrang putla ng mukha nya. Lumapit ako Kay alex at si Tonio lumapit sa nanay ni alex.
Hinawakan ko sa leeg si alex at sobrang init nya. Napatingin ako Kay tita.
"Ano po ba nangyari bakit nahimatay si alex?" Saad ni tonio.
"Ewan bigla na lang S'ya nahimatay pag- kalabas nya. Ilang araw na din S'ya nag kukulong at di kumakain." Umiiyak na saad ng nanay ni alex.
Napailing na lamang ako at binuhat si alex, di naman S'ya ganun kabigat kaya nakaya ko ito buhatin.
"Tara na po kailangan na natin Sya isugod sa hospital."Saad ko kaya napatingin sila sa akin Kita ko nanlaki mata ang nanay ni alex pero di ko na lamang ito pinansin at lumabas na ako sa bahay Nila habang buhat si alex palabas. Madaming Tao nakaabang sa labas at nakikisilip.
"Pwede bang umalis kayo tsk." Cold kong sabi kaya tumabi sila sa daanan kaya nag lakad ako papuntang sasakyan at isinakay si alex at sinugod ko Sya papuntang hospital.
***
-Hospital-
Nasa loob kami ng room at nakahiga si alex.
Kanina ko pa hinihintay S'ya nagising at hinihintay din namin yung doctor kung ano sakit ni Alex.
Napatingin ako sa nanay ni alex a bigla nya ako tinawag.
"Iha? Diba ikaw si Coesha Dizon Morales?" Tanong nito, ngumiti ako at tumango"Ako po bakit nyo po na itanong?"
"Wala naman, nakakapag taka lang eh sa sobrang yaman mo ay di ko inaasahan na makikita Kita sa personal, dati kasi napapanood Kita sa yt at nakikita ko yung picture mo sa magazine." Saad nya. Ngumisi ako at yumuko napailing.
"Kakamustahin ko dapat po si alex pero di ko naman po inaasahan na ganito ang mangyayari." Saad ko. Tumango S'ya at Inayos nya Ang upo nya at hinihimas nya Ang kamay ni alex.
"Alam mo bang binabash ka ni alex?" Tanong ni tonio. Tumango ako
"Kung ganun bat nandito ka?"
"Wala lang, kinakamusta ko lng Yung favorite kong basher." Pabiro kong Saad kaya natawa sila.
"Grabe ang ganda mo talaga sa personal ano? " Namamangha Saad ni tita at ngumiti.
"Salamat po."
"Ang bait mo pala Coesha, kahit basher mo kinakamusta mo." Nakangiting Saad ni Tonio.
Ngumisi ako, di nyo pa ako kilala eh hindi nyo nga alam kung ano plano ko eh.
"Wala yun ano ka ba." Saad ko. Napatingin kami sa pinto dahil may kumatok at bumakas ito.
"Good afternoon Mrs Cortez." Bati ng doctor.
"Good afternoon din po doc." Bati ni nanay ni alex.
Nag usap sila ng doctor at ako naman nakatingin kay alex. Kaya nahimatay si alex dahil sa di kumain at laging puyat. .
Kita ko pag galaw ng daliri ni alex at unting unti nag mulatang mga mata.
"Alex?!"
"Anak! Buti gising ka na!" Nangiyak ngiyak na saad ni nanay ni alex at hinawakan nya yung kamay ni alex at hinalikan ito.
"Ma... Coesha? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong nito.
"Dinadalaw ka. Tsk, bat di ka man lang kumain? Ayan tuloy na himatay ka." Panenermon ko.
"Pake mo ba? Sino ka ba? Boss lang Naman Kita ah kaya pwede ka na umalis."
"Alex! Manahimik ka nga! Wala naman S'ya ginagawa masawa sayo!" Saad ni tita pero umirap lang si alex.
Napailing na lamang ako.
"Ma'am mauuna na po ako may kailangan pa po ako asikasuhin." Paalam ko.
"Ganun ba? O sige salamat sa tulong mo."
"Walang anuman po."
"Ingat ka Coesha." Saad ni tonio ngumiti ako. At sumulyap naman ako Kay alex pero sinamaan nya ako ng tingin pero nginisian ko S'ya at kinindatan ko ito kaya namula ito.
Hays...
***
A/n thanks for reading vote and comment
BINABASA MO ANG
My number 1 Basher
RomanceSa buhay natin Hindi talaga natin maasahan na may mangyayari di mapaniwala. Yung basher mo naging jowa mo na? Pero magiging masaya ba kung dadating Yung araw na kailangan mag hiwalay? Sa pag katao ni Alex ay Hindi nya pa lubusan kilala Ang sarili n...