[Addison's POV]
Napairap ulit ako ng palihim at maya maya ay napansin kong dinuraan pa niya si Carl na kanina pa nananahimik. Hindi ko nalang din pinansin yun at tumalikod na ako para umalis na. Ayokong makapatay ng tao dito.
"Hey, tatalikuran mo nalang ba talaga ako? Hindi mo ba lilinisin tong kalat na ginawa mo?"
Sigaw niya kaya napahinto ako. Napairap ako saka ko ulit siya hinarap kahit na labag yun sa loob ko. Wala ba talaga siyang balak na tigilan ako? Bakit ba halos araw araw nalang niyang ginugulo ang buhay ko?
"Hindi ko kalat yan."
Tipid na sagot ko pero nginisihan lang niya ako. Maya maya ay bigla nalang siyang napapikit at napakagat sa labi niya kaya nagtaka ako. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya pero hindi ko nalang rin siya pinakealamanan.
"God, I really love annoying you. It makes me hard."
What the fu——
Agad ko siyang nilapitan at uumbungan ko na sana siya ng suntok pero hinawakan niya ang kamao ko para pigilan ako. Bakit niya ako binabastos ha?! Papatayin ko talaga siya kahit na marami pang taong nakatingin! Matagal na akong nagtitimpi!
"Stop it. Wag kang magpanggap na galit ka sa akin. Alam ko namang gusto mo akong nakikitang ganito."
Sabi pa niya habang hawak hawak parin ang nag aapoy na mga kamao ko. Wala na akong magagawa kaya sinipa ko na ang tuhod at hita niya. Natumba siya dahil sa ginawa ko at napanganga naman ang mga tao sa paligid.
Akala ko ay titigilan niya ako dahil sa ginawa ko pero napangisi lang siya ulit habang nakatingin sa akin. Napatingin siya sa pantalon niya kaya agad kong iniwas ang paningin ko sa kanya. Bastos na lalakeng to!
"You really like this view, huh?"
Hindi ko parin siya tinitingnan at nabaling ko ang tingin ko kay Carl na umiiling iling sa akin na para bang sinasabihan niya akong tumigil na sa gulong ginagawa ko.
Tumayo na si Jace mula sa kinauupuan niya at dahan dahan niya akong nilapitan kaya agad ko siyang tinulak palayo. Wag niya akong lalapit lapitan kung ayaw niyang mapatay ko siya ngayon mismo!
"Stay away from me! Pervert!"
Sigaw ko at hindi ko sinasadyang maalis ang buhok na nakatabon sa mukha ko. Nagulat ako dahil sa nagawa ko at agad akong nagtabon ng buhok at hoodie sa mukha para hindi niya ito makita.
"Wait, you're familiar."
Pagtatakang sabi ni Jace habang nakatitig sa akin. Agad ko ulit siyang nilayuan at tatakbo na sana ako palayo pero hinawakan niya ang braso ko para hindi ako makaalis.
"Show your face! Wag mo yang itago!"
Sigaw niya habang pinipilit na alisin ang hoodie na nakatabon sa mukha niya. Agad ko siyang pinigilan na gawin yun at itinulak ko ulit siya palayo mula sa akin saka ko hinila si Carl na nasa likod niya.
Nagtago si Carl sa likod ko habang nanginginig at halatang takot na takot kaya napairap ako. Mas lalake pa siguro ako kaysa sa lalakeng to. Nasangkot ako sa gulo dahil sa kanya! Bwiset!
"Anyways, I'm don't give a damn about your face. Wala akong pake kung anong klaseng mukha ba ang meron ka. All I know is that.... I like you."
Nakangisi pang sabi ni Jace pero hindi ko nalang ulit siya pinansin. Napatingin ako sa mga schoolmates namin na nasa paligid mg cafeteria na nagbubulungan na at napairap ako.
"So paano? Aalis muna ako. I think I need to use the bathroom. See you again next time, Addison."
Pagpapaalam niya at kinindatan pa niya ako kaya napairap na naman ako. That damn jerk! Kapag makikita ko siya mamaya sa sugalan namin papatayin ko talaga siya!
____________________________
BINABASA MO ANG
THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)
RomansaLOVE+WAR SERIES #6 Addison Sapphire Guevarra is the campus' mysterious student. Jace Ralph Javier is the campus' troublemaker that can harm or hurt any person anywhere and anytime if he wanted. At first, they thought that they are against each other...