Ang pagpapakita

255 6 1
                                    

=====****====

Isa si Kuya Roberto sa matagal na naming Driver. Mabait sya at maunawain. Pero maitim. HAHA XD loko loko rin sya kaya magaan ang loob namin sa kanya. Hindi lang Drivet ang trabaho nya. Isa sya sa kasamahan ng Mama ko sa Canteen namin sa Isang Terminal. Dalawa na ang aming Canteen kaya mas Hassle ang pagdadrive nya dahil kapag minsan naubusan ng kanin sa isang canteen, kukuha sya sa kabilang canteen. At malaki rin ang tiwala namin sa kanya. Sya rin minsan ang namamalengke kapag maraming ginagawa ang Mama ko. Wala kang maririnig na reklamo mula sa kanya.

Malapit na ang pasko at Biyernes pa nun at nagpapaalam siya kung pwede syang umuwi sa Maynila. Dun kasi sya nakatira.

"Ate, pwede po bang magpasko ako sa Maynila?"

Wala naman kasing pamilya si Kuya Roberto. At wala ding mga anak. Kaya solo nya ang sahod nya.

"Osige. Okay lang. Balik ka dito ng Lunes ha? Dibale at magsasara na tayo sa Canteen. Pagkatapos nun pwede ka nang umalis. Bigay ko nalang bonus mo pagbalik mo para siguradong babalik at walang aabsent. HAHA" -sabi naman ni Mama.

Sarado kami kasi kapag ganitong Holidays.

"Sige ate. Salamat."

Nang matapos ng makapagsara sa Canteen. Umuwi na sa Maynila si Kuya Roberto.

Tanghali ng Lunes. Nanunuod ako ng TV. Maya maya. Biglang dumaan si Kuya Roberto sa Harap ko. Hindi ko lang sya pinansin. Nakarating na pala sya? Alam na kaya ni Mama?

Maya maya. Tumawag si Mama.

"Mily maligo kana at may pupuntahan tayo. Daanan ka namin dyan."

"Opo sige Ma. Ayy pala Ma. Dumating na pala si Kuya Roberto ah?"

"Ha? Hindi naman sya nagtext sakin. Kanina lang nasa Cubao palang sya. Ngayon nandyan na? Sige kausapin ko, malapit na rin kami dyan."

"Sige Ma."

Pagdating nila Mama, tinawagan nya agad si Kuya Roberto. Sumagot naman agad ito.

"Roberto, Asan kana?"

"Andito pa ako sa Daan ate. Bakit?"

O_______O HHHAAANNNUUDDAAAWW ?!
Eh sino yung.....

"Sige na ROBERTO." -sabay baba nya ng phone.

"EH SINO YUNG NAKITA KO KANINA?"
-hindi na ako nakapagpigil pa.

"Sinong nakita mo? Anong suot nya ah?"
-sabi ni Mama

"Nakasumbrero syang puti, Nakablack na T-shirt, Nakapantalon at naka tsinelas."

-------/://::----

Makalipas ang isang Oras. Nandito na si Kuya Roberto. At........

YUNG DAMIT NA DINESCRIBE KO KANINA YUN DIN ANG SUOT NYA.
Pagtingin ko kay Mama. Parang nakatulala din sya. Hindi siguro sya makapaniwala.

>>>>>>>>>>>>>>>><<<<<<<<<<<<<<<

DUPPLEGANGER ang tawag sa mga nilalang na nanggagaya ng mukha. Ang sabi ng iba, kapag nakita mo daw ang duppleganger ng kakilala mo, wag mo itong tatawagin o kakausapin. Dahil maaaring mamatay sila. Ang pangontra daw dito ay Agad mong sabihin sa kanila na nakita mo ang duppleganger nila. Doon mapuputol ang Malas.

BUTI NALANG HINDI KO KINAUSAP YUNG DUPPLEGANGER NI KUYA ROBERTO!

A/N: Ang storya pong ito ay TOTOO. Opo totoo po ito. Iniba ko lang yung pangalan nung Driver namin.

Driver's Duppleganger (horror one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon