FIFTY-FOUR

1K 25 6
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

"Hindi ka ba sasabay sa akin ng lunch, Shee?" tanong ni Alice habang nagliligpit ng mga gamit niya.

Tinigil ko ang pagliligpit ng mga gamit ko para samaan siya ng tingin.

"How many times shall I tell you not to shorten my name?" asik ko sa kaniya.

"He he. Cute naman kasi. Oy, pero teka, hindi ka talaga sasabay sa akin?"

"Hindi nga. Pupuntahan ko pa si Dean. " Isinilid ko sa bag ko ang notebook saka ito 'sinara.

"Okay. Looks like kakain ako ng mag-isa. Sayang naman ang kimbap sa canteen kung ako lang ang kakain mag-isa, " buntong-hininga niya, nagpaparinig.

"School ko naman 'to. Tatawagan ko na lang ang head sa canteen para magpa-reserve ng dalawang roll ng kimbap tapos sa susunod na klase na lang ako kakain, " pagpaparinig ko rin sa kaniya.

"Tss. Palibhasa may-ari ng school," nakanguso na siya na ikinatawa ko.

"'Ge na. Una na ako sa 'yo." Isinukbit ko ang bag sa kaliwang balikat ko at naunang lumabas sa classroom.

Dumiritso ako sa admin building para puntahan ang office ni Dean.

Kumatok muna ako sa pinto nang makarating sa office niya bago ako pumasok. Naabotan kong hindi nag-iisa si Dean sa office niya. May kaharap siyang isang lalaki at nakatalikod ito sa akin.

Agad tumayo si Dean nang makita ako.

"Good afternoon, Dean," magalang kong bati.

"Good afternoon, Miss Montemayor. You're already here. Please sit down," nahihimigan ko sa boses niya ang paggalang niya sa akin, bilang may-ari ng paaralan.

Tumango ako. Uupo na sana ako sa couch dito sa office niya nang lumingon sa akin ang lalaking kausap ng Dean.

"Darwin?" Hindi na ako nagtaka nang makita siya rito sa office ng Dean since kahapon naman ay nagkita at nagka-usap kami tungkol sa pag-aapply niya rito.

"Oy, Sheena? Anong ginagawa mo rito?" nakangiti siyang tumayo at lumapit sa akin.

" Ah. May pag-uusapan lang kami ni Dean."

"Tungkol saan?"

"Important matters with regards to the institution, " simpling sagot ko.

"Miss Montemayor, magkakilala kayo ni Mr. Arnado?" sabat ni Dean.

Tinangoan ko si Dean. " Yes, Dean. Pinsan siya ng kaibigan ko."

"Oh? Kung gano'n ay kilala mo na siya, Miss Montemayor. He's applying for English Professor, I may need your opinion, " anang Dean.

"My opinion?" nagtataka kong tanong.

"Ayos pala ang school n'yo, Sheena. Kino-consider ang opinion ng estudyante kapag may mag-aapply ng teacher," ngising bulong pa ni Darwin.

Bahagya ko lang siyang tinawanan. Ngunit mukhang narinig siya ng Dean at agad siyang sinita.

"Mr. Arnado, mag-iingat ka sa pananalita mo sa kausap mo. Mag-aapply ka ng professor niyan?" sabi ni Dean, ang boses ay punong-puno ng awtoridad.

"Dean?" may patatakang nilingon ni Darwin ang Dean.

"Hindi mo ba kilala ang kausap mo? Mag-aapply ka ng trabaho sa paaralang ito but you didn't even bother to know the owner of the institution you are applying to?" Napakasarkastiko ng boses ni Dean.

" Po?" tanong ulit ni Darwin, no idea still.

"Ang kausap mo lang naman ay ang may-ari ng paaralang pinag-aapplyan mo."

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon