GUHIT
-katha ni Casmultifan
“Sa bawat linya ng guhit ay maalala mo kaya ang mga alaala nating dalawa?”
AUTHOR’S NOTE:
Please do not plagiarize this story. I made this story whole heartedly. This is fanfiction of SB19 Justin De Dios. This is just an IMAGINATION. I hope you like it.
Unang baitang,
Unang araw ng pasukan. Lahat kami ay nagtatakbuhan at nag uunahan papuntang silid aralan. Dumating na ang aming guro kaya naman nagsiupo na kami sa mga upuan. Dumilim ang kalangitan, bumuhos ang napakalakas na ulan. Habang nakadungaw ako sa bintana umihip ang isang malamig na hangin. Isinidi ng aming guro ilaw. Habang nagsasalita ang aming guro, tinignan ko ang aking mga kamag-aral. Ang aking katabi ang gumuguhit sa kanyang papel. Pinagmasdan ko siya at agad akong napahanga sa kanyang talento. Napansin niya akong tumitingin sa kanyang ginagawa.
“Ang galling mo naman” puri ko sa kanya.
“Hindi naman, gusto mo turuan kita?” sabi niya at um-oo naman ako. Nilabas ko rin ang aking papel at lapis. Ginabayan niya ang kamay ko sa pagguhit.
“Oh diba? Sabi ko naman sayo madali lang yan” sabi niya.
“Salamat, Tabi ulit tayo bukas ha? Turuan mo ulit ako” sabi ko.
“Oo naman” sagot niya.
Natapos na ang aming klase, niligpit na naming ang aming gamit para umuwi.
“Ano palang pangalan mo?” tanong ko.
“Justin De Dios , ikaw?” sagot niya.
Napakalakas ng ulan. Halos diko marinig ang sinasabi niya. Kumulog ng malakas. Mas lalong lumakas ang buhos ng ulan. Sinundo na kami ng aming mga magulang. Diko manlang nasabi ang aking pangalan.
Diko lubos maisip, iyon pala ang aming huling pag-uusap.
Dahil nung mga sumunod na araw, nalaman ko na inilipat na siya ng paaralan. Ngunit mayroon parin akong balita tungkol sa kanya. Lagi pala siyang nanalo sa pagguhit, nang dahil doon sinubukan ko ring matutunan ang pagguhit baka sakaling makalaban ko siya at magkausap ulit kami. Ngunit ni minsan ay hindi ako makalahok sa mga paligsahan, hindi pa ako ganun kahusay sa pagguhit. Kaya gagalingan ko pa. Susubukan kong hasain ang aking talento sa pagguhit.
Nakagradweyt na ako ng elementarya. Nalaman ko na naghayskul kami sa parehas na paaralan. Napapaisip ako, baka sakaling makaklase ko siya at makausap ko siya. Ngunit sa ibang seksyon siya napunta. Napabilang siya sa unang seksyon. Matalino pala siya. Ginalingan ko sa pagguhit upang ako ang makilahok sa paligsahan.
Kung sakaling makalaban ko siya, maaalala niya kaya ako?
At sa pinaka unang pagkakataon ay nakilahok ako sa pagguhit. Kinakabahan ako. Nakalaban ko siya. Bawat pagguhit ay panay ang sulyap ko sa kanya. Napakagaling niya nga talagang gumuhit. Pagkatapos ng paligsahan ay inanunsyo na ang panalo. Talo ako sa unang pagkakataon. Bigla ako nanlumo. Hindi ako nanalo. Madaming bumati sa kanyang pagkapanalo, gusto ko din siyang batiin ngunit wala akong lakas ng loob.
Matapos non, wala na akong rason para makausap siya. Ni hindi nga ako makalapit sa kanya. Kaya nagsikap nalang ako at pinagbuti ko ang aking pag-aaral at pagtungtong ko ng Senior High School, kaklase ko na siya! Napabilang na ako sa unang seksyon.
Unang araw ulit ng pasukan ng makatabi ko siya. Babatiin ko na ba siya?
“May extra ballpen ka ba? Naiwan ko kasi sa bahay” aniya. Pinahiram ko sa kanya ang aking ballpen.
“Salamat” agad namang sabi nya na tila ba nahihiya.
“walang anuman” tipid kong sagot.
Natapos na ang klase at nagsiuwian na kami.
Nang sumunod na araw nakasabay ko na siya sa pagpasok sa paaralan at silid aralan. Binalik niya na ang aking ballpen.
“Salamat sa uulitin” sabi niya.
“Walang anuman” sagot ko naman.
“Nakita na kita dati, diba ikaw yung nakalaban ko sa pagguhit?” tanong niya.
Tumango nalang ako at nahihiya. Napansin niya kaya ang pagsulyap ko sa kanya? Naku! Nakakahiya! At patuloy kaming naglakad papuntang silid aralan. Umupo na kami sa aming upuan.
“Tabi ulit tayo” sabi niya.
Agad namula ang aking pisngi sa sinabi niya. Ngunit tahimik lang akong umupo sa tabi niya.
“Ano na ulit pangalan mo?” tanong niya.
“AKo si----”
Dumating na ang aming guro at tumayo kaming lahat upang bumati.
Simula noon ay nagging matalik kaming magkaibigan hanggang sa tumungtong kami ng kolehiyo. Parehas kami ng pinasukang paaralan. Dahil talentado siya, maraming humahang sa kanya lalo na ang mga kababaihan, isa ako sa mga tagahanga niya. Mas lalo siyang naging mahusay sa pagguhit. Mas lalo akong nanlumo sa aking kakayahan.
Pauwi na kami nang kami ay nag-usap.
“Bakit dika gumuguhit?” tanong niya.
“Hindi naman ako marunong, ikaw naman lagi ang nanalo, di bale taga suporta mo naman ako” sabi ko sa kanya.
“Ha? Ikaw hindi marunong? Hindi ba tinuruan na kita dati? Kaya mo yan, ikaw pa ba?” sabi niya.
“Salamat pero wag kang mag alala ayos lang naman ako, baka ibang talento ang nakalaan para sa akin, ayun ay kung meron nga” sagot ko.
Ginulo niya ang buhok ko.
“Hindi na ako guguhit” sabi nya.
“At bakit naman ha?” tanong ko.
“Yung rason kung bakit ako gumuguhit, sumusuko na sa pagguhit dahil ako ang nanalo, ikaw ang rason kung bakit ko ginagalingan baka sakaling mapansin at maalala mo ako” sabi niya sabay naglakad papalayo.
Umulan ng malakas. Hinabol siya.
“Anong sabi mo? Ako yung rason?” tanong ko.
“Ikaw ang rason kung bakit gusto kong Manalo sa bawat pagguhit ko ikaw ang nasa isip ko” sabi niya at naglakad na siya papalayo.
Simula noon ay hindi ko na siya Nakita. Lumipat na pala sila sa Maynila. Sana sinabi ko rin sa kanya.
AUTHOR’S NOTE:
Done! Thank you!

YOU ARE READING
Guhit
Fanfiction"Sa bawat linya ng guhit ay maalala mo kaya ang mga alaala nating dalawa?"