QUALIFICATIONS

19 8 11
                                    

"Aray naman!" sigaw ni Aling Amy.

"Oh my Ganda! 'di ko sinasadya Aling Amy..."

Hinihimas himas ni Aling Amy ang ibabang parte ng kilay niya, may kaunting dugo rin ang lumalabas dito. Halatang mahapdi ito.

"Pano na ako magugustuhan ni my love so sweet Garry nito! BAKLA KA!" hiyaw ni Aling Amy.

"Pabili nga..."

Biglang tumayo si Aling Amy sa kinauupuan niya dahil nakita lang naman niya ang iniibig nito, si Garry. Apatnapu't isang edad na biyudo.

"Garry, ano yon?" Padalagang sabi ni Aling Amy.

Kinikilig namang minamasdan ni JM ang dalawa.

"Isang suka nga, magluluto ako ng adobo... parang gumaganda ka Amy ah." pabirong sabi ni Garry.

Bigla namang namula ang pisngi nito, ramdam ng JM sa kilig sa pagitan ng dalawa.

"ahhhh... si JM, inayusan kasi ako... suka? o toyo?" Nalilitong tanong ni Aling Amy.

"Suka daw... inuuna pa kasi ang harot..." Pamimikon na sabi ni JM.

Binigay ni Aling Amy ang suka kay Garry at ito'y umalis na. Bigla namang bumagsak sa sahig si Amy, kinikilig ito at hindi mapigilan ang tuwa. "NAPAKAGANDA KO RAW!"

"Nagandahan siya sa sugat mo sa ilalaim ng kilay." Biro ni JM.

"Aling Amy..."

"Ano? Magkano?" Alam ni Aling Amy na uutang na naman si JM at dahil nagandahan si Garry sakanya, syempre pauutangin na naman niya ito.

"Maghahanap kasi ako ng trabaho, baka pautangin mo naman ako kahit magkano lang..." hirit nito.

"Ano ka ba, kabayong 'to... heto limang daan, maghanap ka ng trabaho mo saka mo na ako bayaran kapag nagsweldo ka na."

Bigkang niyakap ni JM si Amy sa sobrang saya nito. Hindi mo maipipinta ang saya sa mata at mukha ni JM. Dali dali naman itong umuwi sakanila at naligo. masaya rin niya na ibinalita sa ama, pagkatapos maligo at mabilis na nagbihis at nagtungo kina Chad.

"Bakla, seryoso na ba 'yan?" Nagtatakang tanong nito sa kaibigan. "Ang huling trabaho mo kasi ay natanggal ka dahil pinag me make up mo mga empleyado at kinebs mo ang worka mo."

"Bakla, alam mo naman si papsie, kaylangan mapatingin sa hospital kaya seseryosohin ko na ang worka ko kung sakali."

"TUMPAK! Alam mo, 'yan palang ang mga sinabi mong nagustuhan ko sa twenty years nating magkaibigan... and good luck, sana makahanap agad ng trabaho."

Habang naglalakad ang dalawa ay may nakita silang flyer na naghahanap ng mga make up artist. BIGLANG NAGTINGINAN ANG DALAWA.

"is this a sign? IS THIS A SIGN!" Nanlaki ang mga mata ni JM sa nakita.

"Last time, natalo ka sa Make Up competition dahil hindi ka raw magaling and now, gusto mong mag apply sa as a make up artist?"

"Try lang ng try vaklang toooo!"

"wala namang mawawala kung hindi ko susubukan right? and kung hindi makuha, then baka apply nalang ako sa Jollyboy." Dagdag pa nito.

Hindi rin malayo ang nilakad ay narating nila ang maliit na opisina, umupo sila at hinintay ang isang babaeng kumuha ng papel. Ibinigay nito sa dalawa ang papel na kaylangan nilang i-fill up.

"Miss tapos na." Tugon ni Chad.

Mabilis na natapos ng dalawa sa pag fill up sa papel. "Hintayin niyo nalang po tawagin ang name niyo."

JM AND BENNY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon