Kabanata 2

84 16 60
                                    

ELYZIUM | LUNCH

Pumarada si Devon sa loob ng VIP Parking sa likod ng Elyzium. Sabay kaming bumaba ng sasakyan at inakbayan niya ako. Naglakad kami papunta sa may back door kung saan nakabantay ang dalawang top-tier bouncers ni Avi. Kahit sa umaga may bantay dito dahil katapat lang nila ang parking at maraming kabataan ang minsan dumadayo dito para tumambay at mag-selfie kasama ng mga magagarang sasakyan na naka-park.

Binati namin sina Biel at Pen, na matagal nang empleyado ni Avi dito sa club. Pinapasok nila kami. 

May maikling hallway papunta sa main floor. Nang marating namin ang Rave Center—dancefloor sa ibang salita—namataan ko kaagad si Via na mag-isang nakaupo sa lounge seats sa baba. Alas siete ng gabi pa nagbubukas officially ang club ni Avi, maliban sa mga trabahador ng Elyzium, kami lang ang narito.

Tinawag ko si Via at kumaway. Napalingon siya sa'min at biglang tumayo.

"Val!" hiyaw niya sabay takbo papunta sa'kin.

Mahigpit namin niyakap ang isa't-isa at nag beso. Hinalikan niya ako sa noo at ngumiti. "Ikaw talaga! Palagi kang pa-mysterious! Sana manlang sinabihan mo'ko na ngayon ka uuwi!" hinampas niya ako ng marahan sa balikat.

Hindi ko talaga sinabi sa'yo kasi gusto kitang i-surprise. SURPRISE!

Napansin ni Via si Devon sa tabi ko, "Magkasama kayo umuwi?" tanong niya. Nginitian ni Devon si Via at nagbatian sila at nagbeso.

"Nice to see you again, Vee," bati ni Dev nang naka-ngiti.

Nilimas ng mata ko ang paligid, "Nasaan si Avi?" tanong ko.

Tumuro si Via sa kabilang hallway, "Nasa harap, sa café, kanina pa tayo hinihintay, lika na," aya niya at agad humawak sa'kin.

"Una na 'ko," hayag ni Devon, tinuro niya 'yung double doors sa likod ng bar patungo sa café. Nauna siyang maglakad habang kasunod naman kami ni Via.

Magka-yakap ang braso namin ni Via habang naglalakad, "Sinundo ako ni Kit kanina sa airport," bulong ko at napa-singhal si Via. "Dapat si Kuya Art, kaso busy eh."

Naptaas ang kilay ni Via, "Eh bakit si Dev 'yung kasama mo ngayon?" suspenseful niyang tanong.

Umirap ako, "Alam mo naman nangyayari kapag nagkakasama kaming dalawa ni Kit di'ba?"

"So warla na naman kayo?"

"Siya naman kasi 'yung pasimuno eh," ungot ko.

"So bakit nga si Dev ang kasama mo at hindi si Kit ngayon? Ano'ng nangyari?" malumanay niyang tanong.

Binuksan ni Devon ang pintuan at pumasok kami sa isang tahimik na hallway. Diresto lang at may pintuan pa patungo sa isa pang corridor..

"As if naman na isasama ko yun dito no," komento ko. "Tsaka kanina kasi, naabutan kami ni Dev na nagtatalo sa highway, tapos, ayun, pina-una ko na si Kit na umalis at sabi ko sasabay na'ko kay Dev papunta dito," paliwanag ko.

Bigla naman bumwelta ng tawa si Via, "Oh my gosh. Sa highway pa talaga kayo nag warring?"

Binuksan ni Dev ang huling pintuan at lumabas kami sa isang makitid na corridor. Mahabang lakarin 'to papunta sa isa pang pintuan—malapit na talaga— kung saan ang labas non ay sa isang staff room na naka-kabit sa likod ng café.

"Mas okay na 'yon, kaysa naman sa buong biyahe mag sasagutan kami, naririndi na'ko sa ingay ng lahat, lalo na sa ingay niya," naglabas ako ng malalim na buntong-hininga.

"Hmm. Alam mo, food is the solution. Kakain tayo ng marami and then we'll sleep it over," aya ni Via.

Napa-ngiti ako sa alok niya. Tagal na rin nung huli kami makapag-relax at sleepover. Hindi kasi siya makabisita last year at yung taon bago 'yon kaya much needed talaga. 

Hate You, But I Love You (Filipino) (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon