CHAPTER 34: PAG-ATAKE

34 4 0
                                    

Pagpasok nila Reysha at Rochel, agad silang umupo sa mga upuan upang pakinggan ang naisip na plano ni Tyler.

Tyler: "OK! So gaya ng sinabi ko kanina sa lahat ng mga natitirang mga Hunters na naiwan dito, ang plano natin ay susurpresahin natin ang mga kalaban. Ang mangyayari, habang abalang nakikipag-laban ang mga Barbarong naunang sumugod sa building ng mga kalaban, ang iba sa inyo ay susugod sa kabilang likod ng building upang abalahin din ang mga iba pang bantay."

Hunter 1: "Sinasabi mo ba na ang grupo namin ang susugod sa likod ng building nila upang maging pangalawang diversion sa pag-atake nyo sa loob."

Tyler: "Ganun na nga po yun, Sir. Habang nagkakagulo sila o kayo sa labas, papasok kami sa loob gamit ang Teleportation Spell ng isa sa estudyante ng soon to be magiging asawa k-!!!"

Biglang binato ni Marika ka si Tyler ng isang maliit na karton ng bala sa mukha nito. Napangiwe na lang ang karamihan ng makita nila ito.

Marika: "Tyler!! Kung magpapaliwanag ka ng plano, wag mo namang dalhin sa ibang usapan ang sinasabi mo!!"

Tyler: "Oo na. Sige na. Uhh....saan na ba tayo?

Lyrica: "Mr. Tyler, yung plano nyo po na sumugod sa loob ng building."

Tyler: "Ah! Oo. Buti pina-alala mo Lyrica. Gaya ng sinabi ko, magteteleport kami sa loob ng building tsaka magtatanim ako ng bomba mula sa loob at hahanapin ang taong may taglay ng kapangyarihan ng Minokawa upang iligtas ito. Kapag nailigtas na namin yung taong iyon, magteteleport kami ulit palabas. Pero, may posibilidad na nagbabantay din ang isa sa mga Buwisit na Mangkukulam kaya ang Plan B natin, lahat ng mga nasa labas, I-clear nyo ang dadaanan namin at yung iba ihahanda ang get-away vehicle sa pagtakas. Tsaka ko pasasabugin yung building gamit ang remote ng mga bomba."

Albert: (May posibilidad na may nagbabantay na Mangkukulam? Sinasabi ba nya na mapapalaban sila Lyrica, kaya ba sya gumawa ng Plan B?)

Reysha: "Lyrica."

Lyrica: "B-Bakit Reysha?"

Reysha: "Ihanda mo ang sarili mo. Dahil sakaling may masalubong tayong Mangkukulam sa loob ng building, mapapalaban tayo."

Napansin ni Lyrica sa mga mata ni Reysha na handa na itong lumaban at gawin ang lahat upang iligtas si Jett. Kaya naisip na rin ni Lyrica na gamitin ang lahat ng mga natutunan niyang mga mahika at lakasan ang kanyang loob sakaling may makaharap silang Mangkukulam sa loob ng building.

Archie: "Miss Marika, mukhang seryoso po ang mga mukha nila Lyrica at Reysha. Anu po sa tingin nyo ang iniisip nila?"

Marika: "Sa nakikita ko, handa na silang lumaban sakaling magkagipitan sa mga plano ni Tyler. Kaya naman, maghahanap na rin ako ng magagamit na sandata dito pagkatapos ng pagpapliwanag ni Tyler sa mga kasamahan nya."

Rochel: "Teka?! Miss Marika, sinasabi nyo po bang sasama rin po kayo sa plano ni Mister Tyler?!"

Marika: "Oo. At hinihiling ko sayo na manatili ka na lang dito sa Mansyon."

Rochel: "Ayoko ko po, Miss Marika!!! Kung sasama po kayo, sasama din ako!!"

Marika: "Rochel!! Hindi ito tulad sa nangyari sa Paradisio!! At resposibilidad kita dito sa Selma kaya pakiusap ko sayo magpa-iwan ka na dito!!"

Rochel: "Pero, Miss Marika!!"

Archie: "Miss Marika, ako na pong bahala kay Rochel. Sasama na lang po kami sa mga maghahanda ng get-away vehicle."

Rochel: "A-Anu?! Archie, hindi ka sasama sa kanila?!!"

Archie: "Mas makakasagabal lang tayo sa kanila kung sasama pa tayo. Una, may powers si Lyrica at Reysha. Si Mr. Tyler naman magaling lumaban at magaling bumack-up naman si Miss Marika sa kanya. Kaya magpaiwan na lang tayo nila Insan sa Get-away vehicle."

Marika: "Tama si Archie, Rochel. Kaya wag kayong mag-alala sa amin dahil babalik din kami."

Sandaling tumahimik si Rochel at pinag-isipan ang mga sinabi nila Marika at Archie. Kaya nagdesisyon na rin syang pumayag na magpaiwan at maghintay na lang sa Get-away vehicle.

Rochel: "Sige po, Miss Marika. Basta ipangako nyo po na babalik kayong lahat."

Marika: "Oo. Babalik kami ng ligtas. Kasama si Jett. Kaya wag kang mag-alala sa amin."

Tyler: "So, nalinawan na ba ang lahat sa plano?! Kung ganun, ihanda nyo na lahat ng mga gamit na kakailanganin nyo at aalis na tayo!!"

Matapos ipinaliwanag ni Tyler ang kanyang plano, agad kumuha ng mga sandata ang mga Hunters na kasama nila sa loob ng Meeting room, kumuha naman sila Tyler at Marika ng mga baril at bala sa storage room. Hindi naman namalayan nung dalawa na kumuha pala si Albert ng isang maliit na palakol at ibinulsa ito.

Nang handa na ang lahat, agad sumakay sa kanilang mga sasakyan ang mga Hunters at pumunta sila sa lokasyon ng building. Pagdating nila, nakiusap si Tyler sa isang kasama nya na sundan sya sa lumang building kung saan sya nagmatyag.

Muli na namang nagpark ng sasakyan si Tyler sa lumang building at hinihintay nyang umatake ang mga ibang Hunters sa likod ng building ng mga kalaban. Sa harap naman, gamit ang binoculars, nakita naman nyang abala na sa pagsugod ang mga nauna nilang mga kasamahan na Hunters at mukhang nahihirapan ang mga nasa harap na pumasok sa loob ng building.

Hanggang sa sumugod na ang mga Hunters na nakapwesto sa likod ng building kung saan nabaling naman ang atensyon ng mga bantay sa likod na parte ng building. Umalingaw-ngaw ang putok ng mga baril sa likod ng building at ito na rin ang hudyat na magteteleport na ang grupo ni Tyler sa loob.

Tyler: "Guys!! Eto na ang hudyat!! Lyrica i-teleport mo kami 75° East mula sa kinalalagyan ng taong may Minokawa!!"

Marika: "Ha?!! Bakit 75° East mula sa lokasyon ng kanilang bihag?!!!"

Tyler: "Dahil sigurado ako na lahat ng bantay ay naghihintay sa lokasyon na iyon!!! Maa-ambush tayo kapag direkta tayong nag-teleport sa lokasyon na iyon!! Kaya kailangan nating magteleport sa lugar na hindi nila inaasahan!!"

Reysha: "Pagdating natin sa lokasyon na sinabi nyo, anu pong susunod na gagawin natin?!!"

Tyler: "Maghahati tayo ng grupo. Kayo ni Lyrica ang maghahanap kay Jett. Kami naman ni Marika ang magtatanim ng mga C4 sa buong building! At wag kayong magpigil na gamitin ang mga powers nyo!! Ibuhos nyo lahat kung may kalaban!!"

Reysha: "OK!! Yan po ang gusto kong marinig!!"

Tyler: "Lyrica!! Gawin mo na!! Teleport, 75° East mula sa lokasyon ng taong may Minokawa!!"

Lyrica: "OK!!"

Rochel: "Guys!! Mag-iingat kayo!!"

Ginamit na ni Lyrica ang kanyang Teleportation spell at nawala sila sa harap nila Archie at Rochel.

Rochel: "Sa ngayun, ang magagawa na lang natin ay ang ipagdasal natin na sana makabalik sila ng ligtas."

Archie: "Rochel, OK lang sila. Kung sinabi nilang babalik sila, siguradong babalik sila ng ligtas. Di ba Insan?"

Tumingin si Archie sa tabi nya kung saan akala nya katabi nya si Albert. Nang mapansin nyang nawawala ito sa paligid.

Archie: "Insan?! Rochel! Nakita mo ba si Insan?!!"

Rochel: "Archie, may papel sa paanan mo. Mukhang may nakasulat."

Pinulot at binasa ni Archie ang papel na nasa paanan nya at nakita nya ang mga salitang: "Pasensya na Insan. Hindi ko pwedeng pabayaan si Lyrica."

Archie: "W-Wag mong sabihin na sumama sya kila Mr. Tyler kanina?!! Pero paano?"

Rochel: "Hindi ko alam. Pero kung anu man ang ginawa nya para makasama sa kanila, mukhang alam nya kung panu sumama sa Teleportation spell ni Lyrica ng hindi napapansin."

Archie: "Hay.....kung ganun, ang magagawa na lang natin ay ipagdasal sila sa loob ng kotse kasama ang driver."

Rochel: "Mabuti pa nga."

Dahil sa wala namang magagawa sila Archie at Rochel upang makatulong sa pagliligtas kay Jett. Minabuti na lang nilang bumalik sa kotse ng kasamahan ni Tyler na maghintay sa pagbalik ng mga kasamahan nila at umaasa silang makakabalik ang mga ito ng ligtas kasama si Jett.

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon