Chapter 17

50.1K 4K 2.5K
                                    

Chapter 17: Painting

Astralla

A human was caught sneaking around.

The first thing I thought was my daughter. Knowing how easily her curiosity gets triggered, I immediately deployed guards to block the way out of her room. The last thing I want is for my daughter to get involved in this.

Hinigpitan ko ang kapit ng jacket sa katawan ko. Narito ako sa labas ng bulwagan, hinihintay kung ano ang magiging hatol sa lalaking nahuli. Dalawang bagay lang naman 'yon.

I drew a deep breath. As much as I want to share my opinion about this matter, ayokong pangunahan ang desisyon nila. Lalo na si Pinunong Bermudo. This is his clan after all. Alam niya kung ano ang mas makakabuti sa kanila.

Tumayo ako para kumuha ng maiinom. Malalim na ang gabi kaya karamihan sa mga tagapagsilbi ay nagpapahinga na. Mag-isa akong kumuha ng alak sa madilim na tambakan nito.

While pouring cabernet wine on my glass, my mind wandered somewhere. That night... when I saw a silhouette of someone wearing a cloak. Who was that?

One of The Cloaks? I shook my head.

Hindi dahil nakasuot ito ng balabal ay isa siya sa mga 'yon. Kung gano'n ay sino 'yon? Bakit siya nagtatago sa dilim? Bakit pakiramdam ko ay nakasunod siya sa akin?

Dala ang baso ng alak ay bumalik ako sa labas ng bulwagan. Sakto namang katatapos lang ng pagtitipon. Lumabas na roon ang iba't ibang pinuno hanggang sa matanaw ko si Abel.

I approached him. Bahagya pa siyang nasindak sa biglaan kong pagsulpot.

"Ano ang hatol?" tanong ko.

Hinila muna niya ako sa tabi bago sumagot.

"I don't know yet. Pinagpaliban ni Papa ang hatol," hindi rin siguradong sagot nito. "Mukhang kailangan munang malaman kung hanggang saan na nalalaman ng bata."

"Bata?" tanong ko.

Abel nodded. "He's a kid."

Humigpit ang pagkakahawak ko sa baso ng alak. Suminghap ako ng hangin bago tumango. Whether he is a kid or not, he is still a human— a human who was caught hovering around. He must know something.

We are bound by rules. In rules... no one is exempted.

I took a sip of my wine. That's when I noticed my hand was shaking.

"You still have a soft spot for humans," Abel said.

I looked away. After all... I don't like this.

Sino ba ang batang 'yon at bakit siya napadpad sa lugar na ito? Sobrang layo nitong Esparago Clan. Nakatayo ang pangkat na ito sa pusod ng gubat kaya nakapagtatakang naligaw lang siya rito.

"Take a rest, Astra," Abel uttered.

I nodded. "S-siguro nga..."

"May I?" tukoy niya sa hawak kong alak na 'di ko pa ubos.

I rolled my eyes as I gave him my wine.

Diretso niya 'yong nilagok. Mukha rin itong kabado gaya ko. He's a father after all. Just like Tegan, that boy must have a father waiting somewhere also.

"W-what are you going to do?" I asked.

"Hindi ako ang magpapasya—"

"The leader is your father," may diin kong sambit.

Kung kanina ay kalmado pa ako sa usapin na ito, ngayon ay hindi ko na maitago ang nararamdaman ko. Fine. Rules are rules. But I still want that kid to survive. Malabo man pero... umaasa ako.

Freed SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon