CHAPTER 15

1 1 0
                                    


BIBIANNA POV

andito kami ngayon sa cafeteria sa hinaba-haba ng nilakad ko kanina andito lang pala at alam naman pala ni Clarissa pinagod pa ko at ang sabi ni Clarissa na hindi daw natapos kasi masyadong madami kaya meron pa bukas na laban at hindi ko man lang alam kung anong klaseng laban kanina.

"Clarissa may pera ba tayo pambili ng pagkain?" Takang tanong ko sa kanya.

"Hindi kaba nakikinig nung unang pasok natin dito sinabi na nung babaeng naghatid satin sa dorm na kapag nakapasok kana sa paaralang ito Libre ang lahat" mahabang sabi nya Kaya napatango na lang ako.

"Hay nako palaging lutang kasi eh ano bang nasa isip mo?" Sabi nya ulet pero diko na lang pinansin.

Andito kami ngayon namimili ng pagkain ang pinili ko na lang ay sandwich at water pagkatapos ay naghanap na kami ng mauupuan.

Nauna saken si Clarissa kasi hindi pa nabibigay ang order ko at nung mag lalakad na sana ako ay may bigla akong nabangga at ang order ko at natapon sa kanya at ang order naman nya ay natapon saken.

'Shiit' nasabi ko na lang kasi naman sa damit ko pa tapos spaghetti pa yun nakakainis naman oh!.

Napayuko na lang ako at nag sorry yung lagi kong sinasabi kapag may nabangga ako na kahit na sino.

"Are you blind? O sinadya mo akong tapunan?" Inis na sabi nya Kaya napatingin ako sa kanya.

Tskk ang arte naman netong babaeng toh!. Nasabi ko sa isip ko habang nakatingin sa kanya.

"S-sorry M-miss H-hindi K-ko S-sinasadya" utal-utal kunyareng sabi ko sabay hindi ipinahalatang napapoker face.

Bakit ngayong araw pa ako nag ka malas-malas bwisit naman!!.

"Hindi mo ba ako kilala hah ako lang naman ang pinaka malakas dito! Kung ayaw mong mapatalsin dito umayos ka at wag tatanga-tanga girls hawakan yan tuturuan ko lang ng leksyon!" Sabi nya habang kanina ay inis na inis ang mukha nya ngayon naman parang baliw na pangiti-ngiti.

Mahigpit akong hinawakan ng mga babaeng kasama nya ata toh eh kaya nag pupumiglas ako kunyare, ano kayang gagawin neto? Unang pasok may ganto na agad ang malas ko talaga ngayon.

Napatingin ako sa kanya kung anong gagawin nya saken pero lumanding ang mata ko sa gilid nya at saktong nakita ko yung lalaki kanina na nakangiti ang mukha nya saken at mukhang ipinapahiwatig nya saken na mahina ako sa ngiti nya Kaya napa poker face ako.

Tskk ako mahina? Well may kapangyarihan ako yun nga lang hindi ko alam kung paano haysss.

Nagulat ako nung may malamig na nag mumula Sa ulo ko kaya napatingin ako sa harap.

Binuhusan lang naman ako ng malamig na tubig nung babaeng nakabangga ko pero hindi naman big deal saken yun, napa poker face lang ako sa kanya.

Nag tawanan naman yung mga nakakita especially yung lalaking nambubwisit saken kanina, ang lakas pa ng tawa.

'Tskk immature' nasabi ko na lang sa isip ko at napangiti ng wala sa oras.

Nahalata naman yun nung babae kaya mas lalo syang nainis nung nakita nya akong nakangiti kaya kunyare natatakot ako sa kanya.

Siguro kung nasa isa akong television at umaakting, ako na siguro ang pinaka magaling hahahah

Nabalik ako sa realidad ng bigla nya akong tinapunan ng isa pang pagkain kaya napatingin ako sa kanya at pinag masdan ang ginagawa nya.

Nagsi tawanan nanaman ang iba at syempre lamang yung sa lalaking yun kaya napatingin ako sa kanya na sa akin nakatingin kaya napangisi ako ng mahina na nagpatigil sa kakatawa nya.

'Anong akala nya mapapahiya ako duhh kalalaking tao kung umasta mukhang BAKLA!! Hahaha'

Lumapit saken yung babae at binulungan ako

"Tandaan mo ang mukha ko dahil sa ginawa mo hindi lang yan ang kaya ko kay kung ako sayo umalis ka na lang sa school na toh! Hindi ka na babagay dito! HAHAHA!" Sabi nya sabay lakad na kasama nung mga babaeng humawak saken at ako naman na tinitingnan lang silang umalis.

"HAHAHA" narinig ko sa bandang gilid ko kaya napatingin ako.

Nakita ko yung lalaking tawa ng tawa kanina pa at tumayo at nilampasan ako.

Bwisit na lalaking 'tohh sana madapa kaa!' Inis na sabi ko sa isip ko habang titig na titig sa likod nya mayamaya nakita ko syang natalisod kaya napatalikod ako at napatawa ng mahina.

'Hahaha buti nga sayo!' Sabi ko sa isip ko at nag lakad na sa pwesto namin kanina na parang walang umaway saken kanina.

"Anong mukha yan?" Biglang Sabi ni Clarissa

Hindi ko na lang pinansin at inalala yung nakita ko hahaha plakda sya ehh

Hindi ko napansin na kinuhaan pala ako ni Clarissa kaya nagpasalamat na ako at kumain para makapag Palit na ako ng damit sa dorm kinuwento na sakin ni Clarissa na wala na daw klase kasi ngayon pa lang daw ang unang pasok.

Kakatapos ko lang magbihis at diretso higa sa kama at nakaidlip.

Thanks to read ng story😍

the goddesses of EmeteriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon