CHAPTER 19

97 8 0
                                    

"Talaga bang isa kang pari!?"

Naka ngising sabi ng dalagitang aswang.

di makapaniwala sa kanyang nakita sa mag damag na pagsunod sa dalawang dating magkasintahan.

"Oo iha isa akong pari"

Pilit niyang pinipigilan ang pag nginig ng kanya kamay

"Pari ako ng Simbahan ng San Agustin."

Naging normal ang tuno ng boses ni John di dapat siya magpapakita ng takot.

Ngunit dapat siya magconcentrate sa kanyang sasabihin

bale wala kung isesekreto na niya ito dahil hinala ni Father John alam na ito ng dalagita.

"Pagkaka alam ko di pwede mag karoon ng kabiyak o kahit kasintahan ang isang pari".

Sa nasaksihan kasweetan ng dalawa ay ang nagbigay kay Esperanza nang duda.

kung totoo bang pari si John o meron itong ibang pakay sa probinsya ng San Allegre.

Kutob ng dalagita na meron itong ibang dahilan kaya nagpunta itong bagong mukha sa San Allegre.

"Di ko kasintahan si E ...."

Napatigil si John sa sasabihin.

Ayaw niyang banggitin kahit pangalan lang ng babaeng pinaka importante sa kanyang buhay sa kanila lang ay babaeng may kakaibang mata.

Ayaw ni Father John na madamay si Erika sa kanyang totoong pakay.

"Erika"

sabay banggit ng dalagita.

Nakaramdam ng galit at pag alala si John nung sinabi ng dalagitang aswang ang pangalan ni Erika.

"O bat ka napatigil"

Wika ng kaharap ni Father John habang meron kinuha sa kanyang bulsa.

Pinakita ng babae kay Father John ang isang wallet.

Biglang hinagis ito sa direksyon ng pari.

Nasalo naman ni John ang wallet at nang inusisa ito ay nakita niya ang isang I.D ni Erika.

Ang babaeng ito ang dumukot sa wallet ni Erika nung nasa pila sila sa counter ng pamilihan ng damit noon andoon sila sa bayan.

"Walang nawalang pera diyan, completo lahat!"

wari'y sinabi ni Esperanza na hindi siya masamang tao.

Nilagay ni Father John ang pitaka sa kanyang bulsa at

"Bat mo kami sinundan? napaka bata mo ba at delikado sa edad mo na gawin iyon"

Sinabi ni father John iyon kahit alam niya kayang patayin ng dalagita ang limang lalaki ng sabay sabay ngunit wala na siyang maisip na sabihin at dapat ipakita niya na hindi siya natatakot dito.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan.

Biglang napansin ni John ang pag galaw ng bibig ng dalagita.

"AHAHAHAHA"

di mapigilan ni Esperanza na tumawa sa sinabi ni Father John.

Si John naman ay walang reaction at inaabangan lang ang galaw ng kaharap.

Ang Lihim Ng Baryo San Allegre (ON-GOING Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon