Prologue

12 6 0
                                    

Tahimik na pinagmamasdan ko ang mga taong naglalakad sa mall kung saan naroroon ako. Inangat ko ang librong dala ko at nagkunwaring nagbabasa habang hinihintay ang sasabihin ng COMMAND ko.

"Ang tagal. Ako ang mauunang mamatay kaysa sa kailangang iligtas." Reklamo ko sa taong naka-atas bilang Command ko.

"Pumunta ka malapit sa Timezone."

Agad kong nilagay sa bag ko ang librong hawak ko at saka tinungo ang Timezone. Mabuti na lang at suot ko ang sunglasses ko dahil kung hindi ay baka layuan na ako ng mga tao dahil tila ako baliw na pinagmamasdan sila isa't-isa. Well, it's a part of my job to memorize the faces of every person who passed by me. Mamaya iyon na pala ang suspect na hinahanap ko eh.

"Remind me to tell Clarkson na 'wag ako ang gawing Command mo."

"No choice ka, Maxon. Minsan mo lang maka-partner ang kagandahan ko."

I heard the sound of disgust from my earpiece. Umikot ang mata ko sa ginawa niya. Well, it's his loss dahil hindi niya makita ang beauty ko. Gandang ako lang ang nakakakita.

"He's wearing a denim jacket and a black cap. Nasa may basketball game siya banda."

Ako naman ang napangiwi sa pagkakataon na ito. Seriously? Gano'n ba talaga ang damitan kapag isa kang goon? Wala na bang iba? Malay mo gusto lang niya maging istetik.

Pustahan may tatoo pa siya.

"Let me guess. May tattoo siya sa bandang leeg?"

"Unfortunately, yes."

He emphasized the word "unfortunately". Maglalagay na naman kasi siya ng 20 pesos sa jar of correct guesses namin eh. Pambili ng pagkain din 'yon.

"Entering Timezone."

Tinungo ko ang basketball range at bingo! Halatang kahina-hinala siya base sa pustura at kilos niya.

"Target is moving." I said.

Hindi ko pinahalata sa boses ko na nataranta ako sa bigla niyang pagkilos. Dinig ko sa earpiece ko ang pagtipa ni Maxon sa kaniyang keyboard habang ako naman ay tahimik na sinundan siya.

"Target is leaving Timezone." untag kong muli.

Nang makaapak ito sa labas ng Timezone ay bigla itong humarurot ng takbo.

"Shit!" I cursed underneath my breath and chased the suspect.

"Go after him. Reed will follow you. Naisakay niya na sa sasakyan ang mga hostage."

"What? Reed?!" I exclaimed.

Hearing that name makes my blood boil to the highest temperature. Not that man.

"Hi." dinig kong bati nito sa earpiece ko.

I took advantage of my frustration to run even faster than I could. Adrenaline rush here we go!

------------------
WELCOME SA BOOK 1 NG DARK CLOUD AGENCY: AGENT GLOW!

NAWA'Y SUBAYBAYAN NIYO ITO GAYA NG PAGSUBAYBAY NIYO SA IBA KO PANG MGA KWENTO.

AYLABSYUALL!

P.S. Might change the title soon.

DCA SERIES#1: Agent GlowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon