Kabanata 5

12 0 0
                                    

LIA POV

Buong gabi akong nandito sa labas at umaasang magkaroon ng puso si Jasper ngunit hindi iyon ang inaasahan ko Nagising na ako sa katotohanan na wala na akong magagawa para baguhin ang isip niya.

"Lia?"

kahit na pagod na ang mga mata ay pilit ko pa ring inaninag kung sino ang nasa harapan ko.

"Ace?" Namumutla na ako at nanginginig ang labi. Halos gusto ko ng mahimatay sa harap niya ,ngunit kailangan kong manatiling nakaupo.

"Anong nangyari sayo? Bakit nandito ka sa labas?" Tanong niya.

Gusto kong sumagot ngunit nanatili akong tahimik na nakatitig sa kaniya.
"Halika"inakay niya ako papasok ng kotse at kinuha ang mga gamit ko.

Gusto kong magprotesta ngunit naubos na ang lakas ko.

Ang huling naaalala ko nalang ay nang ipasok niya ang mga gamit ko tapos, nawalan na ako ng malay.

*******************************************************************

JASPER POV.

Naalimpungatan ako sa ingay ng doorbell na nanggagaling sa labas ng bahay kaya kahit antok at napipikit pa ay pinilit kong tumayo para sumilip sa labas.

"Ahh-ang tagapagligtas ni lia." Naiiling kong usal.

Pagbukas ko ng gate ay pinasalubungan na ako ni Ace ng isang suntok sa labi dahilan para pumutok ang dulo ng labi ko.

"Anong ginagawa mo!?" Nanlilisik ang mga mata niya at kumong ang kamao.

Pinunasan ko ang dugo sa labi at tiningnan siya ng matalim.

"What are you talking about?"kunot noong tanong ko.

"Hinayaan mo siya rito sa labas ng gate habang ang sarap ng tulog mo-" kwenelyuhan niya ako at halos umuusok na yung ilong niya sa galit.

"-take your hands off me."mariin kong utos.

"Jasper, are you out of your mind?"tila habag ang tinig niya.

"I am not. Pero ikaw Oo, kung gusto mo siya wag kanang magreklamo, dalhin mo iyan paalis sa bahay na ito at pakasalan mo."malumanay kong wika.

Halata namang gusto niya ang asungot na yun.
Tsk.

Ano bang maganda sa lia na iyun? Makialam lang ang alam niyang gawin sa buhay. Pasalamat pa ako kasi wala na ang pakialamerang iyan dito , napapatagal lang ang pagbalik ko sa state dahil sa pakikialam niya.

Natahimik siya at tiningnan ako ng matalim.

"Ano bang problema mo?." Mabagsik niyang tanong.

"Ayaw ko siyang nakikita rito sa bahay na ito-"

"Edi ikaw ang umalis."singit niya.

Napamasahe ako ng sentido.
"Talaga? Pipiliin at kakampihan mo ang babaing iyan kaysa sa kadugo mo?"tanong ko.

"-tandaan mong isa kang Condrado, baka nakakalimutan ?" mariin kong wika.

"Kung ano man ang problema mo sa buhay , wag kanang mandamay ng iba." Tsk. Halatang concern ah.

Bahagya akong napangisi sa sinabi niya.

"Kung ayaw mong masira ang buhay niya, umalis kang tahimik dito at kunin mo siya total naman gusto mo siya." Napansin kong napakumong siya.

"I will. I won't let your finger lay on her. Mark that."mariin niyang sabi sabay duro sabay alis.

"Well. Break a leg."singhal ko.

Mr. SadistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon