Chapter 5

6 1 0
                                    

"Napaka-arte ng lalaking yon, panay sya 'aray ko natapakan mo ako, umayos ka, ayusin mo galaw mo'... bwiset nakakairita na, nakakakababa ng pagkatao."

"HAHAHA, ghorl natatawa ako sa facial expression mo, kahit nagagalit ka muka padin ikaw inlove sa kinukwento mo, crush mo?"
"Manahimik ka Chimsey" sabay simangot ko.
"Oy pikon" tawa pa ng tawa ang bruha.

You received a message

Unknown number:
Practice bukas. 7AM sharp. Hintayin kita sa tapat ng 7/11.

Ako:
Hu u? Makautos ka ah!

Unknown number:
Si Luke Harvey to.

Dahil sa kahihiyan di ko na nagawa pang magreply. Pero awit na buhay to, bukas nalang ang pahinga na araw ng linggo, P.E padin. Sarap maging kamote.

It's already 6AM pero andito parin ako sa harap ng kabinet kinakausap ang sarili kung anong dapat kong isuot. Eto pwede na siguro to. I just wore a simple pants and a white off shoulder pair with my white sketchers. Dahil sa tagal ko sa pamimili ng damit ay inabot nako ng 7AM, I'm dead, ireready ko na ang tenga ko baka umuusok na ang ilong nun kakaintay sa 7/11, sasakay pa kase ako ng trycicle so bka 7:15 pa ako makarating.
Pagkababa ko palang ng trycicle kitang-kita kona ang nakasimangot niyang muka, patay!galit na nga.

"I'm sorry Luke, things just happened, 15 minutes lang naman akong late"
"Antagal mo, late na tayo sa simbahan, tutugtog pa naman ako"
"Anong simbahan? Sabi mo magpapractice tayo ng sayaw sa P.E" nambibigla to, kung date to manay nagsabi sya agad, papayag nemen eke, sabi ng malandi ko isip.
"Yes, supposed to be practice natin to, nagpaalam nako kay Pastor pero things happened, nagkasakit lead guitarist namin, kailangan ako nila doon, pagkatapos ng simba tutuloy na tayo"
"Pero nakakahiya, okay ba yung suot ko?"
"Walang nakakahiya sa diyos, kahit anong suot mo tanggap ka niya" seryoso nyang sabi.
Pagdating namin sa church nila ay agad akong binati ng mga tao sa harap ng gate.Tila welcome na welcome ako. Bawat nakasalubong ko nginingitian ako.
"Harvey pakilala mo naman samin ang kasama mo" sabi ng isang babae na tila nasa 40 years old na.
"Sis Carmen, si Mae po kaklase ko"
"Hello Mae, welcome!" sabay aya nya samin papasok.

Maganda ang loob ng simbahan nila. Kumpleto rin ang instrument sa kanilang mini stage. Pagkapasok palang namin ay agad na pumunta si Luke doon na mini stage na tila may mga nagdadasal ilang mga tao. Bago sya umalis ay ibinilin nya ako sa isang babaeng tila ka age din namin. Elie ang pangalan niya. Maya-maya lang din ang nag-umpisa na ang tugtugan. Nang umpisa ay tila mapapasayaw ka sa mga kantang kinakanta ng music team after 15 minutes unti-unting nagshift ang music sa mabagal. Pansin ko rin na tinataas ng mga tao ang kanilang mga kamay, may mga umiiyak pa.
Pinagmasdan ko si Luke, kalmado siyang tumutugtog habang nakapikit at tila nagdarasal. He seems at peace.

"Ayos ka lang ba?"
"Ayos lang" sabi ko ng may ngiti sa labi. Seems that ang araw na ito ay nakatadhana talaga, sapol na sapol ako sa mensahe na sinasabi ng Pastor nila ngayon. Matapos ang simba ay tila gumaan ang pakiramdam ko, feeling ko kahit paano ay naliwanagan ako sa buhay. Bago kami umalis ay tinawag kami ng Pastor nila.

"Luke siya na ba?" nakangiting sabi ni Pastor, at tanging ngiti lang din ang iginanti ni Luke.
"Iha pwede ba kitang ipagdasal?"
"O-opo, sige po Pastor"
Pastor prayed for me. Tila matagal nya na akong kilala dahil saktong-sakto ang mga panalangin nya para sa akin. Mas nabuhayan ako ng loob.

"Sige na po Pastor, una na po kami" pagpapaalam ni Luke.

"Sige na Harvey, ipagdasal mo lagi" pahabol niyang sabi.

JUST CHOOSE ME THIS TIMEWhere stories live. Discover now