Chapter 4

299 14 0
                                    

Like in any other movie or circumstances, promises will always gets broken. Lahat ng mga pangako ay lagi na lang nauuwi sa sorry, minsan pa nga ay wala ng kapalit na sorry. It so rare this days to fulfill a promise no matter how big or deep it is.

Noong mga unang buwan matapos umalis ni Matyas ay madalas ang pag-uusap namin but as days went by ay unti-unti iyong dumalang hanggang sa tuluyan ng naputol ang kumunikasyon namin. Gustuhin ko mang magtanong ay hindi ko alam kung kanino dahil maging sina tita Melanie ay lumipat na ng tirahan at tanging care taker na lang ang nakatira sa bahay nila. I just focus my thoughts in a positive way that maybe he became so busy with his studies  and don't want any burden which is me. With the time differences, I know its really hard to keep in touch with him lalo na at pareho kaming nakafocus sa pag-aaral.

Kamusta na kaya siya ngayon? engineer na siguro siya. Baka  nga may girlfriend na yon doon eh.

I smiled sadly  with that thought. Years had already passed at sa wakas ay nakagraduate na din ako. I am now on my way on achieving my dreams  to be a fashion designer. Ilang taon din ang ginugol ko para lang matuto. There were times where I don't know what to do anymore at tanging pagtitig lang sa puting kisame ng kuwarto ang ginagawa ko. Madalas nga napapatanong ako sa sarili ko kung tama ba ang landas na tinatahak ko o kung pinipilit ko na lang ang isang bagay na hindi naman talaga para sa akin, but at the end of it I always find myself fighting for what I believe I am destined to be, and that is to be a known fashion dessigner. Hindi ko makakalimutan ang mga araw na gustong-gusto ko ng sumuko dahil yun din ang mga araw na nag-umpisa akong ipaglaban ang pangarap ko. Kung  susuko ako dahil lang sa panlalait ng teacher ko paano na lang kung nasa reyalidad na talaga ako? we can't always please everybody but we can make them realized our worth. Oo maaaring masaktan tayo sa pangmamaliit ng  iba at paghila sa atin pababa but we should prove them, no, prove to our own self na hindi lang iyon ang kaya natin at may igagaling pa tayo, na magtatagumpay tayo sa daan na tinatahak natin.  If no one trust you, you must  trust yourself because that's the greatest armour you could hold onto while taking your journey.

"Sigurado ka na ba dyan sa desisyon mo?" napabuntong-hininga ako at niyakap si mama.

"Ma, please, payagan mo na ako. I’m already 22 years old and I need to do this on my own. Ayokong maging successful dahil lang sa pamilya natin. I want to create my own victory. Kaya please, payagan niyo na po ako.” Pagmamakaawa niya sa ina. She’s already old enough to stand on her own yet they still treat her as a baby. Paano siya matututo kung bini-baby siya ng pamilya niya?

For the pass four years, things changes the way it used to be. Noong nagcollege si kuya ay madalang na lang siyang umuwi dito kaya kami ang nagpupunta doon sa bahay ni lolo. When I reached college, doon ko naramdaman ang kagustuhang kumawala. Ang patunayang kaya kong maging successful ng mag-isa. Maybe because that's what they did and somehow, it influences me.

“Bakit ba kayong mga kabataan ngayon ang hilig niyong bumukod agad? Si Matyas umalis din dati at doon nag-aral sa ibang bansa. Yong kuya mo nasa ibang bansa din. Tapos ikaw naman ngayon gusto mo na ding bumukod. Iiwan niyo na ako… Ganun na lang ba kadaling iwan ang nanay niyo para sa inyo.” Napabuntong-hininga siya at niyakap ang ina. I know she doesn’t want us to separate dahil kami-kami na lang ang magkasama. Kahit nga si kuya ayaw niyang payagan nong una but he fight for what he wants. Four years na din ng umalis ito at piniling itake over ang kumpanya ni lolo sa ibang bansa. I know maiintindihan din ako ni mama.

“I love you, ma. Hindi ko naman po kayo tatalikuran. I will still call you if I have a time. Hayaan niyo na ako, please.” She sighed then hugged me tight tila ayaw pa rin ako nitong pakawalan but she just sighed heavily feeling defeated on me.

“Okay, but please, call me everyday and tell me kung nasaan ka.”

“Ma, I will call you everyday, but please, huwag niyo na lang alamin kung nasaan ako. Gusto kung matuto sa sarili kong paraan, kung madapa man ako at masaktan, I will find my will to stand and fight again. Huwag kayong mag-alala. I can handle myself.. matapang kaya 'tong prinsesa mo..”  I smiled and wipe her tears. Ang iyakin talaga ng mama niya.

"Sige na nga. Kailan ka aalis?" mahinang tanong nito.

I smiled. "Bukas na ang flight ko 'ma."

Tomorrow has arrived at heto ako ngayon hila-hila ang maleta ko. Hindi ko na pinayagan pa si mama na ihatid ako dahil alam kong mag-iiyakan lang kami and that's the last thing I would do. Ayokong nakikita siyang umiiyak ng dahil sa akin. Alam kong nag-aalala pa rrin siya sa desisyong pinili ko but I know she will understand it eventually. Gustuhin ko mang manatili na lang dito sa Pilipinas but considering our industry here, walang mapupuntahan ang gaya kong nangangarap na makilala at maging tanyag sa  napili kong larangan. I am not belittling our country but that is the fact, kaya mas maraming kababayan natin ang pinipiling magtrabaho sa ibang bansa dahil bukod sa malaki ang kita ay mas malaki ang tyansa na makilala at maging successful unlike here, kung hindi ka pinanganak na mayaman ay dugo at pawis ang magiging puhunan mo para makaangat. Minsan nga ay kahit anong hirap at pagod ay wala pa ring napupuntahan ang pangarap ng iba.

Pagkapasok ko sa eroplano ay agad kong hinanap ang upuan ko at inilagay sa taas ang gamit ko. Buti na lang at sa tabi ng bintana ang puwesto ko because I really wanted to see the skies and clouds.

Ilang sandali pa ay unti-unti ng umaangat ang eroplano. I   sighed. Maybe I chose to leave this place now, but  I won't forget where I came. Babalik ako dito dala ang pangalan ng bansang ito  kadikit ang propesyong pinapangarap ko. Ipinapangako kung makikilala ako sa bansang pupuntahan ko at ipagmamalaki ako ng lahing kinagisnan ko.

"First time?" napalingon ako sa katabi ko ng magsalita ito.

I smile at her. She looks friendly though. "Yeah. How about you?"

"Not really. Just for some family gathering and they can't accept no for an answer so that is why I'm here bago pa ako ipakaladkad sa mga pinsan ko." natawa naman ako. He offered her hands. "I'm Lara by the way."

Tinanggap ko ang kamay niya. "I'm Serene. Nice meeting you."

Pagkababa namin ng eroplano ay nagpaalam na ito sa akin dahil nandyan na daw ang sundo niya. Samantalang ako ay pumara ng taxi para magpahatid sa condo na tutuluyan ko. Napalingon ako sa paligid habang umaandar ang taxi na sinasakyan ko. This place is so beautiful. Ang daming turista ang kumukuha ng litrato sa paligid lalo na sa Eiffel tower. Napangiti naman ako ng maispatan ko iyon, kung dati ay sa internet ko lang ito nakikita ngayon ay nasilayan ko na ito sa personal and that's truly an amazing view to see. Sana pala inaya ko dati sila mama na magtravel abroad hindi yong sa probinsya lang kami naglalagi.

"We're here senyora." napalingon ako kay manong at nakangiting inabot ang bayad bago tuluyang bumaba bitbit ang maleta ko at pumasok sa building.

Nagtungo ako sa front desk para kuhanin ang susi ng condo ni Lila. Yes, my best friend. Siya ang nagsabi sa akin na gamitin ko na lang daw itong condo niya dito sa Paris since hindi niya naman na ginagamit at binabalak na niyang ibenta, so I decided to agree at sabihing ako na ng bibili but hulugan ko muna dahil wala pa akong sapat na pera, agad naman siyang pumayag. Tanging siya lang ang nakakaalam kung nasaan ako at nangako naman itong di ipagsasabi sa mama ko o kahit kanino pa.

Pagpasok ko sa loob ay sobrang lawak niyon. Mayroong malawak na sala na may malaking TV tapos ang kusina ay napakaorganized tignan. Umakyat ako sa taas at binuksan ang tanging kuwarto na nandito dahil iisa lang ang kuwarto nito at ang katapat na pinto ay ang comfort room. Pagkatapos kong isaayos ang mga gamit ko ay bumaba na ako para makapamili ng groceries dahil wala pang kalaman-laman ang kusina, though kumpleto naman na ng mga gamit.

Ilang oras ang ginugol ko sa pamimili ng mga basic foods and condements na magagamit ko ng magpasya akong dumaan muna sa isang ice cream parlor at bumili. Nakangiti ako habang kinakain ang cookies and cream flavored ice cream na hawak ko. Bumili pa ako ng isang gallon para may makain ako sa bahay in case na nagcrave ako sa ice cream.

Pagkapasok ko sa building ay sobrang daming naghihintay sa may elevator kaya naman ay inilapag ko muna ang mga pinamili ko dahil mabigat din iyon. Naghintay ako ng ilang minuto bago tuluyang makasakay sa elevator at makababa sa floor ng condo ko. Akmang paliko na ako sa daan papasok ng room ko ng bigla na lamang may bumunggo sa akin kaya naman nahulog ang isang plastic bag na dala ko at gumulong ang ibang laman niyon.

"Sorry." rinig kong sabi ng kung sino mang nakabangga ko pero hindi ko iyon pinansin at naupo lang ako at unti-unting pinulot ang mga nahulog, kita ko rin ang mga kamay ng nakabunggo sa akin na tumutulong sa pamumulot. Nang mailagay lahat ay sabay kaming tumayo.

I smiled and tilted my head "Thank yo--" agad napalis ang ngiti ko at napalitan iyon ng panlalaki ng mata ng makilala ang taong nasa harap ko. How come na nandito siya?

"Matyas?"

"Serene..."

Childhood Series 1: Hate to Remember You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon