Ikadalawampu't siyam na Yugto: Help

42 2 0
                                    

Paul's POV
        "May namantay na ba dahil sa pagmamarijuana?" tanong ni Johann sa akin. "Wala pa akong nababalitaan pero mukhang magkakaroon na." sagot ko. Nandito kami sa sala ng condo ni Sam. Sina Nicco at Jet na ang nagbuhat kay Sam papunta sa kuwarto niya. He needs help. Mukhang wala naman siyang pakikinggan sa amin eh. "He will never listen to us. Mukhang may death wish na siya. Itulak na natin para mawalan na tayo ng problema." naiinis na sinabi ni Jet. Binatukan tuloy siya ni Nicco. Napailing na lang ako. Kahit na ba ako ang pinakamatalino sa grupo parang wala na akong maisip na paraan para matanggal sa ganitong sitwasyon si Sam.  Alangan namang sabihin ko na magkakabrain abnormality siya, mag-uundergo siya ng depression and anxiety, tapos pwede pa siyang mabaog at kung ano-ano pa. Ilang minuto kaming tahimik s apag-iisip. Hanggang sa nagsalita si Seth.

 "Si Celest." sabi ni Seth habang nakasandal sa pader at nakapamulsa.

"Oh anong meron kay Celest?" tanong ko.

"Maybe she can help and put sense into Sam's head." sagot niya.

"Paano makakatulong si Celest eh panigurado si Celest nga ang dahilan kung bakit siya nagkakanganyan eh." hirit ni Johann... Aishhh! Sumabat pa... Di nga nag-iisip itong si Johann.

Tinignan namin ng masama si Johann. "Hindi ka nag-iisip." sabay-sabay naming sinabi sa kanya. Slow talaga.

        "If she is the reason then maigi na ngang magkausap sila. Baka maliwanagan si Sam. Lalo namang nabaon sa pagjujuts at sa pag-inom si Sam noong nalaman niya na may iba ng pumoporma kay Celest eh." sabi ni Seth. "Wag mong sabihing nagseselos si Sam?" tanong ni Johann. Tinignan ulit namin siya ng masama. Sigurado bang lider namin siya? Hindi na umimik ulit si Johann. Itinaas na niya ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko.

        Napagkasunduan namin na si Seth na kakausap kay Celest. Sa ganitong paraan na lang namin matutulungan ang kaibigan.

Seth's POV

        Nasa labas ako ng bahay ni Celest. Wala pa raw ito. Lumabas daw kasama si Brent. Tsk! Mukhang huli na kami para pag-ayusin ang dalawa. Ang totoo niyan kaya ko ito gagawin para mabigyan ulit sila ng pagkakataon pangalawang rason lang ang paggagamot kay Sam kasi alam ko naman sa oras na bumalik si Celest sa buhay niya alam kong pipilitin niyang gumaling. Pinapapasok nila ako pero I decided to stay outside.

        After 1 hour, dumating din. Pinagbuksan siya ng pinto ni Brent ay siya namang paglabas ko sa kotse ko. Agad namang napatingin sa akin si Celest pagbaba niya ng kotse. Nakita kong nagpaalam na siya kay Brent at pinapaalis na ito. Pagkaalis na pagkaalis ni Brent naglapit kaming dalawa.

        "Celest, I will be direct to the point .Alam kong wala akong karapatng humingi ng tulong sa iyo nor humingi ng kahit anong pabor pero ito na lang naiisip kong paraan para tulungan si Sam. He needs you." sabi ko.

"He needs me? Sigurado ka ba? Seth, pagod na pagod na akong makipaglaro sa kanya. Maghanap na kayo ng bagong flavor niya. Tigilan na niya ako, please." sabi ni Celest.

"Sa tingin mo gusto pa kitang iinvolve sa kanya? Celest sa iyo lang siya makikinig. Ilang araw na siyang di pumapasok at nagpapakalango na lang sa alak at weed. Please Celest help him move on just like you've moved on."

"Siya kailangan mag-move on bakit may naramdaman ba siya para sa akin. Normal lang naman sa kanya yan diba?"

"Iba ito please sumama ka sa akin para makita mo ang sinasabi ko." Sabay kong inilahad ang aking kamay.

        Matagal-tagal din bago humawak sa aking kamay si Celest. Binuksan ko ang pinto sa front seat. Habang papunta kami sa condo ni Sam hindi siya umiimik. Nakatanaw lang siya sa bintana hindi ko mabasa kung anong ekspresyon ang mayroon siya.

        ...Makikita ko si Sam. Handa na ba akong makita siya? Huli ko siyang nakita noong nagpunta sila sa SC office. Ang totoo hindi ko alam kung gusto ko pa siyang makita pero may bahagi sa puso ko na ibig siyang makita. May bahagi sa aking puso na gusto kong tanungin kung kahit minsan may naging totoo ba sa naging relasyon namin. I want to know if that there is one thing that was true between us kasi umaasa akong sa loob na maikling panahon naging totoong masaya ako, kami.

        Di ko na namalayan na nasa tapat na kami ng unit niya. Pinagbuksan kami ni Paul ng pinto. Nagkasundo silang umalis muna, magkakape lang daw sila sa baba. Pumunta ako sa kuwarto niya at sinilip siya. Nangingilid na ang luha sa aking mata at akin itong pinigilan. I saw him lying down and staring blankly. He really needs help.

        Dahan-dahan akong lumapit at inayos ang mga boteng nagkalat sa lapag. Pagkatapos tumabi ako sa kanya at hinawakan ko ang kanyang mukha. Tinignan niya ako. "What are you doing here? What do you need?" tanong niya.

"I want to help you. Please let me help you."

"I don't need your help or anybody's help." masungit niyang sabi at itinanggal niya ang kamay ko.

        "Oo nga eh. Halatang ayaw mong magpatulong kung mga kaibigan mo nga pinagtatabuyan mo ako pa kaya? Sino nga ba ako? Isa lang sa mga naging laruan mo. Pero Sam kahit papaano may napagsamahan tayo. Ayoko sa lahat ng nakakakita ng mga malalapit sa akin na nasisira ang buhay. You have a wonderful future ahead of you. Tagapamana ng largest cargo shipping business. Don't waste it away." sermon ko.

        "Bakit? Bakit? Di ko alam eh. Basta gusto kitang tulungan. Wala ng ibang rason." sabi ko habang tinutulungan niyang tumayo si Sam. Inalalayan niyang makahiga ito ng maayos sa kama. Pareho na lang kaming di umiimik. Kinuhanan ko siya ng tubig at pilit kong pinaubos sa kanya ang isang litro. Ang pagkakaalam ko ay dapat magdetox ang tulad niyang dope and drunk. Hindi naman na siya nagreklamo sa pinagawa ko sa kanya hanggang sa niyakap niya ako.

"Sam? Ayos ka lang ba?" gulat kong tanong.

"I'm so sorry, Celest. Pa-patawarin mo ako."

Vote and comment please....

The Perfect Girl for the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon