Prologue: Saan Ba Nagsimula Ang Lahat?

18 2 0
                                    

(3 years prior to the actual story)

U-ugh... Kung bakit pa kasi ang aga-aga ng pasukan ng school eh!

Ako nga pala si Justine, 13 years old, at isang scholar sa isang malaking private school sa Manila. Naalala ko pa noong nakapasa ako dito! Tuwang tuwa yung mga kaibigan ko. Kasi dito din sila nag-aaral. Kung sa bagay, unang private school ko 'to, kaya di ko sasayangin ung pagkakataon na yun.

Ang dami ko na palang sinasabi... Pagkabihis ko, agad akong kumuha ng isang tinapay dun sa lamesa namin tsaka nagcommute papunta dun sa may sakayan ng jeep papunta ng school. Ako lang yata sumasakay dito pag pasukan eh. Puro naka-kotse, nak nang.

Nagbigay ako ng buntong-hininga sa hangin at pumara saglit upang bumaba, tapos kaunting lakad lang at nakita ko na ang gate ng eskwelahan ko. Well, pangalawang beses ko na iyon nakita pero hindi pa rin yun namamali sa pag-amaze sakin.

Nung pagpasok ko, maraming tao ang sumalubong sakin, naglalakad, naghahabol ng requirements, at tsaka gumagawa ng kaibigan. Hindi ko na iyon pinansin at tumakbo kung saan nakalagay ang mga papel na naglalaman ng mga pangalan at section ng mga mag-aaral.

Yun ay kung hindi ka nakabangga ng babae sa daan.

Natamaan ko siya at kami ay natumba sa sahig, wala akong panahon na ibabaw siya para hindi siya tumama sa semento kaya lang walang oras. Isang letra ang pumasok sa utak ko ng makita ko siya...

M-maganda... Sa gulat ko sa sarili ko ay napasigaw ako, nahiya tuloy ako kasi hindi ako ung babae eh!

"A-ah, ok ka lang, Miss...?" Nautal pa! Letse Sabi ko sa kanya noong inabot ko ang kamay ko para itayo siya.

"Yes." Ang mahinhing sagot nya noong hinawakan nya ang kamay ko, agad niyang pinagpag ang palda nya at umalis at sinabi nya:

"Thanks, See you. Oh, and, my name is Kyla." At ako ay tumayo ng parang tanga sa gitna ng school grounds na nakatingin sa kamay kong hinawakan ng sino mang anghel na yun. Fudge! Tinamaan ako!

Balik sa storya natin… pagkatapos nun, kinuha ko ung room number at section ko. Lahat ng antok ko ay nawala pero ang kaba ay hindi. Magugustuhan kaya nila ako? Paano kung pagtawanan ako? OP ba ako? Yan ang tanong ko sa sarili ko ng maabot ko na ang silid ng aking section.

Class 1-A. Puno ng mayayamang estudyante.

Hay... Better go inside and get this over with.

Itinaas ko ang aking kamao upang kumatok…

"Come in." at binuksan ko nga ang pinto. Tiningan ko ang loob at di ko inaasahan na makita ko ung babaeng nabangga ko kanina... Di ko nga pala nabigay pangalan ko.

Mukhang gulat din siya. HOLY SAUSAGES!

 Totoo kaya yung love at first sight?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon