Chapter V- At the Funeral

779 14 5
                                    

Chapter V- At the Funeral

“AAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”

Walang tigil sa pagtakbo si Kevin ngunit tila walang katapusan ang kagubatang kanyang tinatahak.

Tumitingin siya kung minsan sa kanyang likuran at nakikita niya ang mga taong gubat na gustong humuli sa kanya na humahabol sa kanya. Hindi sila normal na tao, kakaiba ang hulma ng kanilang mga mukha at may may matatalas silang mga ngipin na nagngingitngit at nagugutom.

Didilim ang paligid…

At sa pagpapatuloy ni Kevin sa pagtakbo ay makakarating siya sa mismong kuta ng ng mga taong gubat.

Nakapalibot ang mga kahoy na may nakatusok na ulo ng tao.

At sa gitna at may tumpok ng kalansay at buto ng tao.

Nagsasayahan ang marami pang taong gubat habang pinagpipyestahan kainin ang lamang-loob ng isang tao sa harapan nila. Sariwang-sariwa pa ang bawat kinakain nila.

Nasusuka si Kevin sa nakita niya. Tumago siya sa isa sa mga puno sa lugar na yun. Takot na takot sa maaaring mangyari sa kanya.

Isa sa mga taong gubat ang nakakita sa kanya.

Sumigaw ito at tinuro ang kinalalagyan ni Kevin.

Mabilis namang umakyat si Kevin sa puno ngunit huli na ang lahat.

Hinila ng mga pangit at nakakatakot na mga taong gubat ang paa ni Kevin at pinasayad siya sa lupa.

Dinala si Kevin sa kanilang mesa at pinahiga siya sa tabi ng kanina’y kinakain na tao.

Amoy na amoy ni Kevin ang langsa at baho.

Nakita niya ang katawan nito na wala nang laman, at ang ibang lamang-loob ay nagkalat sa paligid niya.

Magkahalong pandidiri at kaba ang nararamdaman ni Kevin. Mangiyak-ngiyak siya sa takot. Pilit niyang kumawala ngunit tinali ng parehong bagin ang kamay niya at paa.

Nagsimula nang pag-ikutan si Kevin ng mga panget na mukha na takam na takam na kainin siya.

Ang iba ay dinidilapan ang kanyang paa, ang iba ay sinisipsip ang kanyang mga daliri.

Takot na takot si Kevin. Umiiyak na siya. Nagmamakaawa.

Nakita niya ang pag-angat ng isang itak mula sa isa sa mga taong gubat.

Tinapat ito sa kanyang leeg.

“Wag! Maawa ka! WAAAAGGGGG!!!!!!!!!”

Mabilis itong pinababa hanggang sa magising si Kevin mula sa panaginip na yun. Bumangon siya sa kama, pawis na pawis at hinihinggal, at mabilis na kinapa ang kanyang leeg.

Isa na namang panaginip.

----------

Lumabas si Claire ng kanilang bahay, nakasuot siya ng itim na damit at itim na palda. Pupunta siya ngayon sa libing ng kanyang kaibigan na si Jeanne.

Tatlong araw narin ang nakakalipas nang masagasaan ng rumaragasang trak si Jeanne. Bumabagabag sa kalooban ni Claire ang klase ng pagkamatay ng kaibigan. Tila may kakaiba dito, lalo na ang hindi maipaliwanag na dahilan kung bakit nagsisisigaw na lang bigla si Jeanne sa loob ng party at ang pagpapasagasa niya sa gitna ng kalye, hindi ganung tao si Jeanne. Alam yun ni Claire.

Nilakad ni Claire ang daan mula sa kanilang bahay papuntang sementeryo. Ninais niya itong gawin upang makapag-isip siya at makalanghap ng sariwang hangin.

Napadaan siya sa isang simbahan kung saan may nakita siyang isang matandang babae, lulumpo-lumpo ang matanda at nakatungkod lang ng kahoy.

Nakakaawa ang matanda dahil kinukutya siya ng mga batang nakapaligid sa kanya.

Three Steps To HELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon