Chapter 5
Parents
•••••••••••••••••••••••••••••
"How are you babe?" bungad sakin ni Kevin nang tumawag sya
sa kabilang linya. Himala at tumawag pa sya saakin.
Dalawang araw na mula nung tumawag ako sa kanya. Yun ung tawag na babae ang sumagot.
"I'm okay. Ikaw kelan ka uuwi?" tamad kong sabi.
Wala akong pasok ngayong araw. Kaya nakahiga lang ako rito sa kwarto ko at tinatamad bumangon.
"Malapit na babe. Siguro in a week makakauwi na ko." sabi naman nya.
May naririnig akong babae sa background nya. Tinatawag sya nun pero lumabas ata sya kasi hindi ko na masyado marinig yung tinig ng babae. Nagsimula nang kumunot ang noo ako.
"Sino kasama mo ngayon? Wala ka bang trabaho?" tanong ko.
"Meron babe. Nagaayos na ako. Day shift ako." sabi nya. "Si M-manang Telit ung kasama ko. Inihatid nya ung mga uniform ko galing laundry"
"Btw, sino pala yung sumagot sa cellphone mo nung tumawag ako last last day?" mariing sabi.
Matagal syang nakasagot. Narinig ko pa ang paglunok nya sa kabilang linya.
"Ah- ah. Y-yun ba? Wala un, si Mary lang yon. Kasama ko sa trabaho. Naiwan ko kasi tong phone sa kusina nung mag-cr ako" sabi nyang nauutal.
"Bakit ngayon ka lang tumawag? Its been two days mula nung tumawag ako" sabi ko in a low tune.
"Busy ako babe. Sorry. May mga special guest kasi kami this past two days kaya hindi na kita nakontak. Sorry babe"
Whatever! Special guest mong mukha mo. Pwede namang bago matulog di ba? Hindi naman siguro 24hours kayong may special guest? Badtrip!! Umiinit na ang ulo ko.
"Babe, wag ka nang ganyan" napansin nya sigurong hindi ako nagsalita. "Babe, please. Miss na miss na kita kaya wag ka nang ganyan oh." paglalambing nya na syang nakapagpangiti sakin kahit papano.
"Ikaw naman kasi eh! Umuwi kana!" mariin kong sabi pero pasweet na tono. Alam nya talaga kung pano ko papakalmahin. Kaya mahal ko sya eh.
"Oo babe. Uuwi nako, in a week. See you babe. I missyouu"
"I miss you too. Talked to you later babe, I had some errands. Babye ingat ka dyn." sabi ko lang.
"Okay babe. I love you" aniya.
"I love you too" sabi ko sabay patay ng phone ko at ngumiti.
God knows how much I love Kevin. Kaya kahit anung tampo ko ay nawawala agad yon pag nanlalambing na sya. Ganun ko sya kamahal, kahit anu ata kasalanan nya ay matatawad ko sya. Well except kung lulukuhin nya ko. Iyon ang hinding-hindi ko mapapalampas.
Bigla akong tumayo nang maalala kong may gagawin nga pala akong abstract painting para sa isang major subject namin. Kinuha ko mula sa maliit na study table ko ang mga gamit ko sa pagpipinta gaya ng oil paint, paint brush, turpentine, newspaper at blank canvas.
Nakashorts lang ako at gray fitted shirt. Nakaclamp ang buhok ko. Bumaba ako sa labas ng apartment. May konting space na pwede kong pwestuhan para makapagpinta.
Nakaupo na ako roon at nagsimula nang magpinta. Nagring ang phone ko at nakita kong si Mama iyon. Saglit kong binitawan ang paint brush at sinagot iyon.
"Hello Ma?" bungad ko. Narinig ko ang paghikbi ni Mama sa kabilang linya.
"Ma? Umiiyak ka? Why? What happened?" tanong ko. Napatayo ako sa upuan ko.
"Marionne, nakita ko sya kanina!" iyak ni mama. Hindi ko sya maintindihan. Anyare nanaman ba?
"Sino ma? Tell me." sabi ko sa nag aalalang tono.
"Sya yun! Hindi ako pwedeng magkamali!" ani mama at hindi pa rin matigil sa kakaiyak.
"Pakausap kay Maricon ma!" sabi ko. Matagal pang nag iiyak si mama pero maya-maya ay narinig ko na ang boses ng kapatid ko.
"Ate.." aniya.
"Ano nanamang nangyari kay Mama? Bakit nag iiiyak yan?" sabi ko
"Hindi ko alam ate. Umuwi nalang sya ditong ganyan" sabi ni Maricon.
"Hayy nako. Oh siya, bantayan mo lang si Mama hah. May pera pa naman ako rito, sabihin mo wag muna magpadala. Sabihin mo ibinili nya muna ng gamot, baka stress lang si Mama. Ikaw na bahala sa kanya Maricon" sabi ko lang at nagbalik nanaman ako sa upuan ko.
"Sige ate. Ingat ka dyn."
"Kayo rin" sagot ko at ibinaba na ang tawag.
Napabuntong hininga nalang ako. Ano nanaman kayang nangyari kay Mama? Nagiging paranoid nanaman sya. Mula nang mamatay si Papa ay madalas ng under stress si Mama. Konting kibot lang ay stress agad sya. Dala na siguro ng pangungulila kay Papa at pagod na rin sa trabaho kaya pinipilit namin syang intindihin ni Maricon. Ina pa rin namin sya at sya nalang ang natitira samin ng kapatid ko. Kaya mahal na mahal namin si mama.
Sana kasi ay hindi naaksidente si Papa, sana ngayon ay maayos kami. Hindi na sana kailangang magtrabaho pa ni Mama. Hindi na sana sya laging paranoid at stress. Sana ay masaya kami. Sana ay hindi ako malayo sa kanila ngayon. Sana. Sana.
Ang nasira naming ama ay isang magaling na graphic artist sa isang malaking companya sa Aurora. Kaya naman may pinagmanahan ako ng galing sa pagguhit at hilig sa arts.
Nasa kasagsagan sya noon ng pamumuri dahil sa mga drawing na nalilikha niya nang maaksidente sya. Nahagip sya ng van noong araw na napromote sya sa trabaho. Pauwi sya ng bahay at balak sanang ibalita samin ang promotion nya pero huli na pala.
Patay na ng makita namin si Papa.
BINABASA MO ANG
Perfectly In Love (NZ1 -Completed)
Ficción GeneralI will wait for the right time until I can say that I'm perfectly inlove. ❤