Kabanata 22

5.8K 104 4
                                    

Kabanata 22

Doomed

 

“Are you sure you don’t want me to bring you there?” ngumiti ako kasi nangungulit nanaman si Xander.

“I am perfectly fine Xander. Kaya ko na ang sarili ko.”

“Pumunta pa ko dito.” Naka kunot niyang sinabi. I looked at him and laughed.

“Sino ba kasi may sabi?” inirapan niya ko. Ang girly naman nito.

“Hay nako, just focus on your company. I’m perfectly fine.” Sabi ko saka kinuha yung hand bag ko. Lumabas na ko ng kwarto ko. Sinundan niya naman ako.

“I have to go. Ikaw na bahala dito?” tanong ko. Nag kibit balikat siya.

“I’m gonna go too.” Tumango ako at lumabas ng unit ko.

Bumaba na kami sa elevator. Sinamahan niya kong mag abang ng taxi. Hangga’t maaari sana ay ayokong nagtataxi. Masyadong magastos kasi. Pero dahil sa walang jeep na nagbababa doon ay mapipilitan akong araw araw magtaxi. Ngayon ako itotour ni Vaughnn sa company. Medyo kabado ako kasi baka hindi ko makabisa yung places pero siguro naman kaya ko iyon. Wala pang binibigay kasing uniform kaya nagformal wear muna ako. Nakasuot ako ng ¾ sleeves na dress na color marron red, lace yung dress pero syempre sa loob may isa pang layer. Then nakabelt ako at pouch. I wore my closed heels.

Kakapasok lang namin sa airport pero malayo layo pa dahil marami pang daanan dito. Nung makarating na ko ay agad akong bumaba at nagbayad sa taxi driver. Pagbaba ko, dumiretso kaagad ako sa guard.

“I’m an intern.” Sabi ko para papasukin nila ako sa loob. Medyo strict pa naman dito. Of course, elites ang mga nasa loob neto. Mga bigating tao.

“Sorry pero walang mga intern dito. Ano bang pangalan mo?” huh? Wala?

“Michelle Cabalano po.” May kinuha silang list ng papel tapos parang may iniiscan sila. Tinignan nila ako tapos tumango.

“I.D. Ma’am.” Pinakita ko yung I.D. ko sa university.

“Sige po pasok na.” Pinapasok nila ako sa loob. Karamihan ay napansin kong tumitingin sakin pero hindi ko na lang pinansin. Dito ang working department tapos dun sa kabila ng building na ito sa kanan, yun ang hotel tapos sa kaliwa naman nito ay ang airport. Tulad ng sabi ni Vaughnn kahapon, dumiretso na lang ako dun sa office niya so that’s what I did.

“New?”

“I don’t know.”

“I saw her yesterday eh.”

“Really? Baka bago nga?”

“Why she looks so young?”

“Si Sir Vaughnn din naman ah?”

“Oo nga. Pati si Ma’am Natalie.”

I heard them talking habang naglalakad ako. I don’t want to be rude pero hindi ko alam kung ngingitian ko ba sila or dededmahin kaya mas minabuti ko na lang na kunwari akong nagtetext. Pag kakuha ko ng phone ko, saktong nakita kong may message.

Hey Marie, I’m gonna fetch you later aryt? No buts. What time out mo?

 

Natawa naman ako kay Xander. I smiled then replied.

I still don’t know Ysmael. Maybe around 3 or 4.

 

Nung makarating na ko sa tapat ng pinto ng CEO ay ibinaba at tinago ko na ang phone ko. I knocked first and entered. I saw Natalie na nakatingin sakin kaya binati ko siya.

I'm Dating The President's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon