"Hira, bukas na 'yong alis natin, ah? Susunduin ka namin ni Ivor ng mga alas kwatro ng umaga. Don't be late and don't overslept!" si Kiara na tunog nagbabanta.
Ngumuso ako habang nag-aayos ng gamit dito sa locker. Hindi ko alam kung akala lang ba ni Kiara na bingi ako o sadyang pinapaulit ulit niyang sabihin as if na makakalimutan ko! She told me about this a lot of times already! Noong isang araw, kahapon, at ngayon! Parang miski sa panaginip, maririnig ko na 'yang paalala niya!
"Kiara, sirang plaka ka ba? Ilang beses mo nang sinabi 'yan at ilang beses na ring akong tumango at um-oo! Para na rin akong sirang plaka kakasagot sa tanong mo!" irap ko.
She laughed and made a face. Sabay naming sinara 'yong locker at medyo nahirapan ako dahil maraming iuuwing gamit. Why? It's vacation, baby!
Yup! We passed our third year! Isang taon na lang at gagraduate na kami! Parang ang bilis ng panahon bigla ngayong huling araw na ng klase, pero sobrang bagal kapag midterm at finals week! But nonetheless, we fucking survived the semester!
"Pinapaalala ko lang kasi bukas na 'yon! Baka kapag sinundo ka namin ni Ivor, humihilik ka pa sa kwarto mo!" aniya.
"I don't snore and I'm never late!" giit ko.
"I know! I just really wanna remind you. Naeexcite na ako!" pumapalakpak pa siya, halatang excited nga.
Well, I'm kinda excited, too. Time to unwind 'yon at kasi...
"Kiara..." tawag ko, ngumunguso kasi nahihiyang sabihin ang ipapaalam ko.
She arched her brow, as if asking me. I pouted more and decided to tell it. Sometimes, she's more like an older sister to me.
"May isasama kasi ako..." umpisa ko.
"Sino? Si Tita? Ayos lang! Kasama rin naman natin siya last year. Cool kaya kasama ni Tita, nanlilibre pa!" halakhak niya.
Pabiro ko siyang hinampas. Gagang 'to, gusto pa ng libre! But it's true. Mama went with us last year. Nakasanayan na kasi naming magtravel after ending a school year. We've been doing this since first year and my mother decided to come with us last year. Doon niya nga nakilala si Tito Dan, 'yong ex niyang manloloko at walang kwenta.
"Hindi si Mama. Busy sa clinic 'yon," ani ko.
"Eh, sino? Papa mo? Mga kapatid mo?"
"Hindi rin. Hindi sasama mga 'yon sa ganito."
"Ah, so manghuhula ako rito? Sige," aniya, sarkastiko. "Baka mga kasambahay niyo? Driver? Multo sa bahay niyo?"
Umiling ako, natatawa. "Hindi rin. Galingan mo naman!"
"Ang gagang 'to, ipapahula nga talaga sa 'kin?!"
"Sabi mo huhulaan mo, eh! Oh, e 'di hulaan mo! Walang pumipigil sa'yo!" halakhak ko.
She rolled her eyes at me. "Sabihin mo na! Sino ba kasi 'yan?"
I sighed heavily and pouted again. Pustahan kapag 'to sinabi ko, mawiwindang 'tong bestfriend ko.
"Sa letrang Z..." pabitin kong sabi.
Inirapan niya ako. "Zathrian! Sure na," kibit balikat niya.
Ay, hindi nawindang?! Akala ko magugulat siya, eh! Ilang taon na akong hindi nagsasama sa ganito namin. Huli noong kami pa ni Kyler.
"You're not shocked?" I asked. Parang ako pa ang nabigla kasi hindi siya nagulat!
"Why would I be? Lagi mo namang kasama 'yan. Label where?" she laughed teasingly.
"Whatever, Kiara! Talk to my hands," irap ko.
And guess what? She fucking held my hand and talked to it! Bakit ba ako nagbestfriend ng baliw?!
BINABASA MO ANG
Bottoms Up, Forget Tonight (Revelry Series #2)
RomansaCahira Balviera refused to let the wounds of her past extinguish the flame of hope in her heart. Even after everything, she knew that love still existed. And on that fateful night at the revelry, as she was about to bottoms up her drink and forget a...