Makalipas ang dalawang araw.
Dumating na ang oras na pinakahintay ng baguhang pari na si John.
Ito ang unang pagkakataon na magbibigay siya ng misa sa araw ng linggo.
Di na kailangan katokin ang kwarto at gisingin siya ni Aling Mercy dahil halos di nakatulog si Father John sa kakaisip sa araw na to.
Magdamag nakakulong lang ito sa kwarto nila at nag hahanda sa pag mimisa.
Nakatayo ito sa harap ng salamin at binabanggit ang nakahanda nang sasabihin.
Minabuti ito ni Father John para di siya ma blanko sa harap ng madaming tao.
Mapapansin mo din na memoryado na ni Father John ang hinandang Homily.
Halatang ginawa na niya ito bago pa lang siya pumuntang babalik sa San Allegre.
Nahalata ito ni Aling Mercy na nakasanayan na gisingin si Father John.
Ngunit laking gulat neto na mas nauna pa ito magising sa kanya at nahuli niyang nagkakape sa kusina kaninang umaga.
At ni Father Daniel na kabisado na ang pag uugali ni John dahil sa tagal nitong nasubaybayan noong kabataan niya.
6:30 na nang gabi at pagkatapos ng dinner ay siya itong hudyat na paghahanda sa misa na mag sisimula 7:45.
Nahalata ni Father Daniel na pagkabalisa si Father John sa hapag kainan at halos kalahati lang ang kinuhang ulam na kakainin.
Parang napilitan lang kumain si Father John.
Sapat sapat lang na di siya gutomin sa misa.
Minabuti ni Father Daniel na wag na lang kausapin ang bagitong pari at baka maka gulo pa ito sa kanya.
7:45 na ng gabi at oras na para sa misa.
Pumasok na si Father John sa loob ng simbahan at sinalubong ni Father Daniel at pinakilala ang dalawang batang sakristan na makakasama niya sa misa.
Naalala ni Father John noong nasa katayuan siya ng dalawang bata.
Parang kelan lang ay siya ang humahalili kay Father Daniel at ngayon naman ay siya na ang pari magbibigay ng salita ng diyos.
Umupo na si Father John sa harap ng Altar sa ilalim ng malaking krus.
Di mapigilan na hinimas niya ang upuan.
" . . . . Totoo na ba ito".
Di makapaniwala si John na ganap na siyang isang pari.
Natupad niya ang pangarap ng kanyang tatay na nangarap din maging pari ngunit nakilala niya ang kanyang ina at di maiwasan umibig dito.
Pag harap niya sa mga upuan sa simbahan ay tsaka naman papasok ang pamilya ni Erika.
Kasama niya ang kanyang Nanay Amelia at Tatay Roger.
Umupo siya sa pangalawang hilera.
Sa mismong gitna parte ng simbahan.
Maya maya naman ay si Rogelio naman ay pumasok sa simbahan kasama ang kanyang asawa na si Tina.
Umupo ang mag asawa sa bandang ibabang hilera ng mga upuan sa bandang kanan.
Di na nagulat si Father John sa pwesto ni Rogelio.
Talaga laging umuupo ang kaibigang pulis sa pinakamalayong parte at madalas pa nga ay lagi lang ito sa labas ng simbahan
Nagpapasalamat na din si Father John dahil alam nito kung hindi lang dahil siya ang magbibigay ng misa ay wala rito ang kaibigan.
BINABASA MO ANG
Ang Lihim Ng Baryo San Allegre (ON-GOING Season 2)
HorreurBumalik sa baryo San Allegre si Father John upang maglingkod bilang pangunahin pari. Kasama nito ay ang bitbit niyang masamang karanasan sa misteryong lugar. Hindi lang pagbibigay ng misa sa simbahan ang pakay ni Father John. kasama na din dito an...