Nandito palang ako sa kotse ngunit dama ko na ang tensiyon sa labas.
Nang pumasok na ang kotse na kung saan ay lulan ako halos nanlaki ang mata ko sa mala-palasyong bahay ng mga Condrado.
Lahat nakadamit ng disente, mapabata , binata, dalaga at matanda.Ngayon lang ako nakakita ng ganitong ganap sa tanang buhay ko.
Isa sa pinakamayaman, impluwensiyado, respedong pamilya ang mga Condrado.
Kagabi bago ang araw na ito ay kinausap ako ni kath sa mangyayari ngayong araw na ito ,kung naalala ko engagement party ng isa sa mga pinsan ni Sky.Madami namang pinsan si Sky, pero ang sigurado ako ay lahat ng Condrado mapababae o lalaki lahat magagandang lahi.
Maliban kay jasper.
Swerte pala talaga si Kath sa asawa niyang si Sky.
Mawawala ba r'yan ang napakaganda at napakatalinong si Kassy?
Halos hakot lahat ni Kassy ang katangian ng papa niya.Huminto ang kotse sa dambulahang gate, may pa Red Carpet siyempre na nagpadagdag ng pagiging elegante ng lugar pretihisyoso ng lugar.
*******************************************************************
JASPER POV.
"Hoy! Grabe hindi ako makapaniwalang dadalo ka sa ganito, baka sa susunod engagement party mo na ang dadalohan ko" biro ng tito ko sabay tapik pa sa balikat ko.
Sa dami ng tito ko hindi ko na kilala ang iba kaya pasimple nalang ako ngumiti na kunwari kilala.
Lumaki ako sa state kasama ang mom ko pero kalaunan namatay rin siya dahil sa sakit. Doon na ako nagkamuwang at lumaki, doon rin ako nag aaral.
Mas gusto ko ang klase ng akademiko roon kaysa rito, sisiw masyado ang akademiko sa bansang ito.Nakikipagbiruan sa akin ang mga matatanda sa pamilya, first time ko ring dumalo sa ganitong okasyon kaya halos nasa sa akin ang atensiyon ng lahat.
Halos karamihan sa mga pinsang nakilala ko rito pulos lalaki at iilan lang ang babae, para isa itong literal na pamilyang kapatiran.
"Aba! Ito na ba iyong anak ni manuel?"ani ng matandang sabay turo pa sa akin, ugod -ugod pa itong lumapit at inihayag ang kamay.
"Hijo, sa dami ng pamilya natin hindi mo na siguro ako naalala, ako ang lolo samuel mo, naalala ko pa noong araw na dumalaw kami ng lola mo sa states para sa mama mo ang liit liit mo pa noon" anito na mabagal at hapo kung mag salita.
Matipid akong ngumiti at napawi rin agad dahil sa nakita ng dalawang mata ko.
"Lolo samuel!" Nabaling ang atensiyon namin kina sky na bagong dating.
"Aba! Buti at nakarating kayo.. teka lamang sino ba iyang kasama mong dilag? Kapatid mo ba iyan hija?" hagak ang tinig na tanong ng matanda na ang tinutukoy ay walang iba kundi ang asungot ni si Lia.
Napatungga ako sa wine na hawak ko ngunit hindi inaalis ang matalas na tingin sa babaing kinaiinisan ko.
"Siya po si Lia, siya yung katulong namin sa pag aalaga sa apo niyo—hindi ho maid kasi parte na siya ng pamilya" nakangiting wika ni kath sabay hila palapit sa kunwari pang nahihiya na si lia.
"Napakabait talaga nitong asawa mo hijo" papuri ng matanda kay sky.
"—napakagandang dilag naman pala nitong bago niyong kapamilya, naku kung nagkataon kung makabalik lamang ako sa aking kabataan siguradong liligawan ko ang magandang dilag na ito" biro ng matanda
Nagtawanan silang lahat.
Pffft maganda? Saan banda diyan? Naglagay lang siya ng kolorito sa matapang niyang mukha para itago ang pagiging amasona niya."Tumigil kana nga diyan Samuel, kulubot kana't lahat may gana kapang harutin ang magandang dilag na iyan. " saway ng asawa niya at patuloy pa rin sila sa biruan.
BINABASA MO ANG
Mr. Sadist
RomanceJasper Condrado would do anything just to seek revenge on his cousin in the name of his twin, so he entered his cousin's family and there he met Lia Diaz. At first, he thought Lia Diaz wouldn't be a headache for him, but she endured various hardship...