July 23, 2014

18 4 0
                                    

Dear Diary,

Late na akong nakauwi dito sa bahay. Buti nalang wala sina Mommy at Daddy. Kundi, patay-patay talaga ako.

Birthday kasi ng classmate ko ngayon, kaya nanlibre siya sa Vikings sa SM malapit sa school. Tapos nagka-ayaan pang mag-shopping. Tatanggi pa kaya ako dun?

Syempre habang nagsho-shopping kami, ka-text ko si Janssen. Kung sinu-sino na nga yung nabubunggo ko kasi hindi maalis yung paningin ko sa cellphone ko.

Eto pa nga yung isa sa hinding-hindi ko makakalimutang sinabi niya sakin. Naka screen capture pa yan sa cellphone ko

Janssen: Alam mo, may kamukha kang artista.
Me: Weh? Sino?
Janssen: Yung future wife ko. Si Aaliyah Crisostomo.

Feeling ko, hindi ako makakatulog nito sa sobrang kilig. Yiee!

Na-curious tuloy yung mga kasama ko kanina sa SM. Hindi ko kasi namamalayan, napapangiti na pala ako sa sobrang kilig ko. Tapos namumula pa pala ako.

Kasi naman dearest diary, nakaka inlove kasi siya eh. Hindi tuloy ako makatulog. Feeling ko, may kumikiliti parin sa utak ko sa sobrang kilig eh.

Ano bang gagawin ko? Pinapakilig parin talaga ako ni Janssen eh.

Aaliyah

Never said YES to Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon