Makulimlim na kalangitan ang bumungad kay Alisha nang siya'y makababa sa sinasakyang bus. Alas singko pa lamang ngunit madilim na ang kapaligiran.
"Mukhang uulan ngayong araw, buti na lang may dala akong payong." aniya sa sarili at nagsimula nang maglakad papunta sa isang grocery store para bumili ng makakain sa kaniyang kapatid.
Dali-dali siyang pumasok at hinanap ang paboritong pagkain ng kapatid. 2 pack ng jammin at isang garapong stick-o ang kaniyang binili dahil ito ang mga paborito ng kaniyang kapatid at saka nya binayaran sa cashier.
"83 pesos po lahat ma'am" ani ng kahera.
"Eto miss oh."sabi ni Alisha sabay abot ng 100 pesos niyang pera.
Pagkakuha ng kaniyang pinamili, dali-daling lunabas si Alisha sa grocery store. Napansin niyang tila umaambon na, kaya napagdesisyonan niyang ilabas ang kaniyang payong.
Nagsimula siyang maglakad dahil malapit na rin naman ang kanilang bahay, di alintana ang malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa kaniyang balat.
Ilang minuto pa ay napansin ni Alisha na may sumusunod sa kaniya. Dali-dali siyang naglakad sapagkat walang mga tao sa kaniyang paligid. Takot at kaba ang namamayani sa kaniyang dibdib. Tila binuhusan sya ng malamig na tubig nang maramdaman niyang may nakahawak sa kaniyang kaliwang kamay.
Dahan-dahan siyang lumingon para makita ang itsura nito.
"Miss, ito nga pala yung panyo mo. Nahulog mo kanina habang nagbabayad ka sa cashier. Don't worry, di naman ako masamang tao. Gusto ko lang ibalik to sayo kaya kita sinundan. Hehe sorry."
Tila nabunutan ng tinik sa puso si Alisha at agad niyang tinanggap ang nahulog niyang panyo.
" okay thanks for this. I have to go." aniya at naglakad na nang matulin.
" Hiro. Ako nga pala si Hiro." sigaw ng estranghero.
" Next time kung magpapasalamat ka nalang, yung galing naman sa puso Miss." dagdag pa nito.
"Ewan ko sayo! Alam mo bang muntik na akong atakihin sa puso dahil sa pagsunod-sunod mo!" sigaw rin ni Alisha saka tumakbo papalayo sa lalaking estranghero.
Tinignan niya ang kaniyang panyo na inibalik ng lalaki. Ngunit laking gulat niya ng magkulay dugo ang puting panyo.
Kinusot niya ang kaniyang mata at wala na ang mga pulang marka sa kaniyang puting panyo.
"Alisha, umaandar na naman ba ang kashungahan mo? Hayy nako. Namamalik-mata lang siguro ako." ani nya sa kaniyang sarili at namalayang nakarating na pala siya sa kanilang bahay. Agad niyang binuksan ang gate at dali-daling pumasok.~
"HINDI KA NAMAMALIK-MATA. TOTOO IYONG NAKITA MO. HUMANDA KA AT GANYAN ANG MANGYAYARI SA BUHAY MO." ani ng isang taong nakahoodie habang tinitignan si Alisha na papasok ng kanilang bahay.
BINABASA MO ANG
Unveil
Bí ẩn / Giật gânHindi lingid sa kaalaman ni Alisha na ang lalaking kanyang minamahal, ang magdadala sa kanya sa bingit ng kamatayan. Ang lalaking pinapangarap niyang makasama habambuhay ay isang impostor na nagtatago sa likod ng maskara.