Part 17

434 21 2
                                    


◉◉◉

Lucinda's P.O.V

I don't want any sex demons be involved to humans again kaya ko nagawa ang kaisa-isahang rule na iyon. Kasi ayokong maranasan nila ang nangyari sa akin noon. I just want to protect them also as their rank one.

At everytime na may nalalaman akong incubus o succubus na lumalabag sa patakaran kong iyon, pinaparusahan ko and worse, pinapatay ko ang mga host nila, whether if it's a man or a woman. I don't care. As long as I can get rid of them.

Humans can be deceitful when it comes on loving someone.

Someone who is very different to them.

Sa una, akala mo mga anghel, kaya hindi mo mapipigilan ang sarili mong mahulog sa kanila, pero kapag nalaman mo ang tunay nilang anyo, mas demonyo pa siya sa inaakala mo.

Maraming taon na ang lumipas ngunit parang hindi pa rin nabubura sa alaala ko ang mga pangyayaring yun. Pero pakiramdam ko ay mas lalo ko lang naalala kapag nakikita kong buhay pa ang anak nila ng babaeng yun na sana ay ako ang magsisilang ..

.. na sa akin mismo manggagaling.

"Achilleus Dierdre Jennsen," banggit ko sa pangalan niya at sa isang iglap, biglang bumalik ang mga kaganapang iyon sa akin labing-tatlong taon na ang nakakaraan. Nung panahong hindi pa ako ang rank one sa lahat ng mga sex demons.

*FLASHBACK*

"Uhm .. excuse me, miss? Pwedeng magtanong?" napalingon ako sa lalaking lumapit sa akin. Kasalukuyan akong nakasandal sa may pader ng isang gusali na nagbebenta ng mga alahas at hinihintay si Inferco. He is busy chasing a woman somewhere at sinabi kong hihintayin ko na lang siya sa mismong spot na 'to.

Paminsan-minsan ay nagbabago kami ng anyo - lalo na kung may mga kailangan kaming gawin rito sa lugar kung saan nagpupunta talaga ang mga tao. Anyo ng tao na nawala lamang ang mga pakpak, sungay at buntot namin kaya hindi na rin kami naiiba sa mga tao kung nakikita nila kami.

We're already living like humans kapag may mga kailangan kaming gawin rito. Hindi lang naman kasi kami aatake na lang bigla, we need to look for our host from time to time bago kami gagawa ng hakbang para umatake. It takes two to three days ang pagmaman man namin bago ang gabing nailaan kaya minsan nasa iba't ibang lugar kami na napapadpad dipende kung saan nagpupupunta ang mga host namin. Minsan, kailangan naming makipaglapit bago aatake.

"Can you hear me?" napatanga akong nabalik sa kasalukuyan nang marinig ko ang pagpitik ng daliri niya sa harapan ko.

"Uhh, yeah, ako bang kinakausap mo?" tanong ko sa kaniya na itinuro pa ang sarili ko saka napalingon sa paligid ko. Ako lang naman ang tao rito sa kinatatayuan namin maliban sa mga nagdaraang sasakyan at mga tao rito sa may sidewalk.

"Yes. Can I ask you something?"

"Sure."

"Thanks," sabi niya na napangiti sa akin at ikinatigil ko naman yun. How can he smile on just a little kind of favor? Hindi ko pa nga nasasagot ang tanong niya. "Uhh, may hinahanap kasi akong building, bago lang kasi ako rito at napadayo, pwede mo ba akong samahan?"

"Hmm?" biglang tanong ko.

Magpapasama? Sa akin?

"Uhh .. s-saan ba?" Hindi ko rin alam kung anong biglang pumasok sa isip ko at pumayag na lang bigla.

Saglit lang naman siguro ~ sa isip isip ko.

"Wala ka bang pupuntahan o kung may gagawin ka pa, baka maabala kita."

"No. You don't have to worry about me. I'm willing to help."

"Salamat," sabi niya na naman na napangiti.

The Incubus' Heart - Short Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon