The Night

9 1 0
                                    

March 1, 2014

Birthday ni Keith ngayon. At syempre, kumpleto ang gang. They will get wasted this night.

Kilalang pamilya ang kinabibilangan ni Keith. Pero dahil sya ang black sheep ng pamilya, walang pakialam sa kanya ang mva magulang nya. Puro material na bagay lang ang binibigay sa kanya. Kahit siguro di na sya umuwi sa kanila ay balewala sa magulang nya.

At ngayong gabi, maglalasing sila na animo ay wala ng bukas.

Kasakukuyan silang nasa "Vertigo" isang high class bar. Nasa may VIP section sila na exclusive lang sa gang. May mga babae din silang kasama na mga private dancers ng bar.

Malalim na ang gabi at lasing na silang lahat.

"Tol, dun nalang tayo sa pad mo magstay" sabi ni Blue.

"Oo nga tol, di ako makakauwi ng ganto samin" pasunod naman ni John.

"Sige mga tol. Mag part 2 tayo dun sa pad. May mga supply pa tayo dun ng alak at pulutan" sabi ni Keith.

Mag aalas dos na ng madaling araw ng lumabas sila ng bar. Nasa isang sasakyan na lang sila dahil galing sila sa laban bago sila nag celebrate ng birthday ni Keith.

Nagkakantahan ang magbabarkada sa loob ng sasakyan. At dahil madaling araw. Mabilis ang pagpapatakbo ni Keith sa sasakyan.

Dahil sa tama ng alak, di na napansin ng barkada na may isang ten wheeler truck na rumaragasa papunta sa way nila. Mukhang nawalan ito ng preno.

Napamura na lang si Keith ng mapansin nya ito at sinubukan nyang iiwas ito ngunit huli na ang lahat.

---SCREECH---

Tumama ang truck sa gilid na parte ng kotse. Naipit ang binti ni Keith gawa ng pinsalang naidulot ng aksidente. Nakuha nya pang tingnan ang kalunos lunos na itsura ng mga kaibigan bago ito mawalan ng malay.


That's it for now. :)

Vote comment and share :)

The Lone GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon