Naglalakad ako sa hall way ng school papunta sa locker room isasama ang bestfriend kong si Beatriz Samson. Nang makarating na kami sa locker room may na pulot na papel si Beatriz.
" Bessy sino naman kayang nagkakalat dito ? Diba bawal magtapon ng basura. " sabi ni beatriz
" Bessy alam mo naman mga tao ngayon pasaway !! Ikaw na lang magtapon nyan sa basurahan. Mamaya tayo pa mapagbintangan na nagkakalat ehh. " sabi ko
" Wait lang, tingnan ko muna kung anong nakasulat dito sa scratch paper na toh. " sabi nya habang binubuksan yung papel. talaga tong babae na toh napakapakialamera kahit kailan ! Sinimulan nya na itong basahin sa harap ko .
Dear K.B
Hi, Hello :>
Pano ko ba uumpisahan to ?
Naniniwala ka ba sa Love at first sight, second sight, third sight ??
Simula nung una kitang makita na inlove na ako sayo at sa tuwing makikita kita lalo akong
naiinlove sayo. Oh baka sabihin mo na binobola kita ah. Pero promise totoo na inlove talaga
ako sayo. Alam mo ba na lagi kitang iniintay na dumaan sa hall way masaya na ako
na masilayan ang yung mukha. Pagnakikita kita nakukumpleto na ang araw ko ..
K.B
" Bessy sayo yata toh ehh ? " sabi ni Beatriz
" Anong sakin eh di naman ako nagsusulat ng ganyan! " sabi ko habang kinukuha yung mga libro sa locker ko. talaga tong babaeng toh makapanghinala wagas wala nga akong maala na nagsulat ako kanina eh =____=
" hayysss napaka slow mo naman naturingan ka pang matalino !! Ang ibig kong sabihin eh para sayo ata iyong sulat este love letter na toh." sabi nya at inilahad sa pagmumukha ko ung sulat.
" Huh ?? Para sakin ?? Pano mo naman nasabi eh wala namang nakalagay na pangalan ko dyan ! " sabi ko na takang-taka.
" Wala nga pero may initial mo bessy K.b it means Kirsten Berg look here oh ! " sabi nya habang tinuturo ung K.B na nakasulat sa papel.
" Bakit ako lang ba may initial na K.B ? Pwede namang kay Kervin Berry yan." sabi ko
" Osege kung para kay Kervin tong love letter ibigsabihin ikaw yung nagsulat ganun bessy ? K.B din kasi yung name nung nagsulat ehh. " pang-aasar nya ;)
" Anong pinagsasabi mo ?? Ako magsusulat para kay Kervin ?? Hello asa much ka naman ! tsaka di ko yan handwritting noh ! " naaasar kong sabi.
" Bakit bessy hindi ba pwede ? diba may lihim kang pagtingin kay Kervin ? " pang aasar nya pa sabay tusok sa tagiliran ko ..
" Bessy wag ka ngang maingay dyan mamaya may makarinig sayo di naman totoo " sabi ko sabay takip sa madaldal nyang bunganga. alam nya namang wala akong gusto sa nakakainis na Kervin na yun ! mapilit talaga tong babae na toh >.<
"Pero bessy malay mo sayo toh , at galing yan kay papa Kervin kayo lang naman ang may initial na K,B dito ehh " sabi nya
" imposible yun bessy ang isang Kervin Berry na heart-throb magsusulat ng love letter ? " sabi ko. haha parang di naman ata yun marunong magsulat ng love letter eh xD
" Bakit bessy ang isang maganda at matalinong girlalu na tulad mo ay bagay sa gwapong tulad nya ! " nakangiti nyang sabi :))
"Haysss ! Alam mo namang i hate that guy !! sagad to the bones .. "
