Omoooo! I can explain! Sorry sa late kong update, wala po kasi kaming matinong internet connection hanggang ngayon eh. Tapos na-format pa yung tab ko so nawala yung update ko dapat :3 importante po 'tong chapter na 'to kahit maikli lang siya. Read between the lines :)
~*~
Mikay's POV
"Uhhh" mahinang ungol ko habang unti-unti kong binubuksan yung mata ko. Teka nasan ba ko?
"Mikay?" Lumingon ako at nakita ko si ate Gaby na palapit sa akin.
"Are you okay? Sabi ni Lee sa akin bigla ka na lang daw nahimatay kanina?" Nahimatay? Bakit ano bang nangyari?
>> FLASHBACK
"Andyan na sila! Magsitayo kayo!
.
.
.
.
Andyan na ang mga Dela Rosa!"
Nanlaki yung mata ko at nahulog ko pa yung tinidor ko. Kaya pala, kaya ayaw nilang sabihin sakin kung bakit abalang magpa-ganda yung mga babae tsaka andaming naga-abang sa gate. Sila Gino pala, ang mga Dela Rosa pala.
"Shit, c'mon we gotta go" sabi ni Lee at hinila ako paalis dun pero nag-matigas ako. T*ngina, pagod na pagod na kong magtago
"Ayaw ko" pasimpleng sabi ko, nakita kong nagulat sila sa sinabi ko.
"Mika! Tara na!" Pilit akong hinihila ni Lee paalis dun at hindi ko alam kung paanong hindi ako nagpapatangay sa kanya. Basta ang alam ko, gusto kong makita si Gino. Ayoko ng magtago. Pagod na ko, nakakasawa na.
"Ayoko sabi eh!" Sigaw ko at marahas na tinanggal yung kamay niya sa braso ko, nagulat ako ng mapansin kong parang biglang lumindol, nagkaron ng crack yung mga pader at lupa tapos nabasag yung mga salamin, anong nangyari? Ako ba may gawa nito?
"We gotta get out of here!" Sabi ni Lee habang hawak yung kamay niya, teka. Nasaktan ko siya? How?
Gusto ko pa sanang sabihin sa kanilang ayaw ko pero nanlalabo na yung paningin ko, ano bang nangyayari?
Pero bago ako mawalan ng malay, may narinig ako.
.
.
.
.
.
"Mikay?" Alam kong bulong lang yun pero sigurado akong si Gino yung narinig ko, nandito na si Gino..
>>END OF FLASHBACK
Crack sa mga pader at lupa? Basag na salamin? Pagkabali ng kamay ni Lee? Ako ba may gawa nun? P-pero pano?!
"Ate, pumunta ba dito yung mga Dela Rosa?" Tanong ko. Nandito ba siya? Nandito ba yung buhay ko?
"Oo. Bakit?" napangiti ako bigla, feeling after how many months na nag-stay ako dito sa mundo nila, ngayon lang ako ulit ngumiti ng ganito ka-lapad at ka-genuine. Para kong biglang nabuhay. NANDITO SIYA! MAKIKITA KO NA SIYAAA!
"Nandito pa ba sila ngayon?" Tanong ko, kita kong naguguluhan pa rin siya hanggang ngayon pero tumango naman siya sa tanong ko. Agad-agad akong napabangon. Gino! Hintayin mo koooo!
"Sige ate, punta lang ako dun ah?" Sabi ko at mabilisang pumunta sa tapat ng pintuan, palabas na sana ko ng bumukas na yung pinto
"At saan ka sa tingin mo pupunta?" Nawala bigla yung ngiti ko, nandito si Lee kasama si Desiree na nakatingin lang sa akin, si Rya na naka-smirk at si Grey walang kaemo-emosyon. D-don't tell me hahadlangan nila ko? Kaylangan ko ng makita si Gino!
"Lee. Kayla--" nagulat ako ng hawakan niya ko bigla, and swear I saw the tattooed crosses in her hand move then suddenly I felt a jolt of pain. Witchcraft!
"No Mika, ihahatid ka na namin sa bahay niyo, look oh. Namumutla ka" sabi ni Rya, what happened to her? Akala ko pa naman mabait siya..
"HINDI! K-kaylangan kong pumunta du-- ahhhh!" Nanghina ako bigla matapos kong makaramdam ng sobrang sakit habang hawak niya pa rin yung kamay ko. Pero hindi, s-si Gino. Kaylangan kong makita si Gino.
"Mika. Tara umuwi na tayo" sabi ni ate Gab at akmang lalapit sa akin pero nakita kong parang may harang sa pagitan naming dalawa. Nahihilo na naman ako, ano bang nangyayari sa amin?
"Desiree, take care of that girl" sabi ni Lee, linapitan naman ni Desiree si ate Gaby at may inihip na kung ano man and in just a snap, naging bluish yung kulay ni ate at nawalan siya ng malay. Shit. Anong ginawa nila sa ate ko?!
"ATE GABY!" nanginginig na ko, di ko alam kung anong nangyayari sa akin, basta biglang nawala yung pagka-hilo ko at naging pula yung paningin ko.
Nakita ko ulit si ate Gaby na nakahandusay ngayon sa sahig at halos kulay asul na yung balat. Mas lalo akong nanginig. Galit ako. Galit na galit. Humarap ako kay Lee at nakita kong nanlalaki yung mata niya. Marahas kong hinila yung kamay ko mula sa kanya sabay tingin ng masama
"ANONG GINAWA MO SA ATE GABY KO?!" Sinugod ko siya at pinaghahampas, nararamdaman kong umiinit yung kamay ko at unti-unti biglang may lumiyab na apoy. Pero wala akong pake dyan, basta ang mahalaga mai-ganti ko si ate.
"MIKA! LUMAYO KA KAY LEE!" Naramdaman ko sila Grey, Rya at Desiree sa likod ko at pilit akong inaalis sa ibabaw ng hinayupak na 'to pero tinignan ko lang sila ng masama at hindi pinansin. Wala na yung apoy sa mukha ni Lee pero halatang na-abo yung isang parte ng mukha niya at halos nawawalan na siya ng malay. Hinarap ko naman yung tatlo sa likod ko
Unti-unti kong nilapitan si Desiree. Siya ang may gawa nun, siya ang may kasalanan ng nangyari kay ate.
"M-mika.." nanginginig siya sa takot pero wala akong pake, mabilisan akong lumapit sa kanya, hinawakan ko yung leeg niya habang tinutulak siya sa pader, pahigpit ng pahigpit yung sakal ko sa kanya ng biglang...
.
.
.
.
.
.
.
.
-
.
.
.
.
"LUNA!" Napatigil ako at lumingon sa lalaking hawak-hawak yung kamay ko na sumasakal kay Desiree. Sino siya, at sino si Luna? Bakit ba siya nakikialam?!
"Malala 'to. Kaylangan mong pa-hupain ang galit mo, mahal na prinsesa" katulad ng ginawa ni Desiree, hinipan niya din ang mukha ko at unti-unti akong nakaramdaman ng antok hanggang sa bumagsak na ako sa bisig ng isang taong hindi ko kilala
~*~
Chin's note:
OMEGHAAAAD! Minadali ko lang po ito xD pasensya na po. Hindi ko na siya na-proofread at na-ayos. Kulang kasi ako sa time eh. Sorry guys! Malapit naaaa
BINABASA MO ANG
Prophecy Blood and YOU?! (PBY) [BOOK 2 OF ISVK]
Teen FictionONGOING || I used to be a simple bubbly girl with big dreams.. But when I met you ㅡ when I started to love you and live with you, EVERYTHING CHANGED. The PROPHECY changed me into something new.. My BLOOD hinders us from being happy with...