Chapter 6
NZ Lieu
•••••••••••••••••••••••••••••
Nakapasok na ako sa sa gate ng Allegany University nang harangin ako ng tatlong babae. Isang matangkad na morena, ang isa may slender body na maputi habang ang nasa gitna naman kaharap ko ay may hour glass body shaped na parang modelo sa ganda. Blonde din ang buhok nito at may cute na maliit pero matangos na ilong.
"Hey! You curly hair!" sabi nong matangkad na morena.
"Bakit anong kailangan nyo sakin?" sabi ko habang nagpapalipat-lipat sa kanilang tatlo ang tingin ko. Hawak ko sa kanang kamay ang canvas na ipininta ko kahapon. Habang sa kaliwang balikat ko naman ang shoulder bag ko.
Biglang hinablot nong isang maputi yong bag ko.
"Hoy ano ba!" sigaw ko sabay agaw sa bag ko. Pero huli na dahil natapon na nya lahat ng laman sa bag ko.
Tumawa silang tatlo.
"Ayan ang napapala mo. Better to back off girl, stop flirting with Nexus Zone!" mataray na sabi noong nasa gitna. Sayang maganda pa naman sya pero ang pangit ng ugali.
"I am not flirting with them!" mariin kong sabi habang pinupulot ang mga gamit ko na nagkalat sa lupa.
Humalakhak pa sya. "Youre not flirting with them? Nagpapatawa ka ba? Nakikipagtawanan ka pa sa kanila. Mag iingat ka nalang girl, ayusin mo yung ginagawa mo kung ayaw mong maging miserable yung buhay mo dito sa Allegany! Mas mabuting lumayo-layo ka sa kanila!" at nagtaas pa sya ng kilay.
"Anong magagawa mo kung ayaw ko?" pagtataray ko rin. Sa wakas ay nailagay ko na lahat ng gamit ko sa bag ko.
Ayoko sa ganitong tao. Maganda nga pero mayabang at warfreak. Porket mayaman sila ay magsisigaan na sila? At tsaka sino naman sa Nexus Zone ang gusto nito? Si Travis kaya? Parang hindi naman. Si Jarred? Hindi pwede kasi sinabi nya na hindi nananakit ang mga fans nya. Si Flint? Hindi rin siguro dahil hindi dapat ako ang sinugod nito. Heppp. Teka, baka naman si David? Pero hindi naman ako pinansin nun nung magkita kami sa cafeteria ng LA department.
"Aba! Sasagot ka pa huh!" aniya.
At kinuha nong matangkad ang canvas sa kamay ko.
No way! Project ko un at dugo't pawis ko ang ginamit ko dyn!
Humalakhak ulit ung blonde girl. "So what now Miss curly?" humalukipkip na sya ngayon habang tinitignan ang canvas ko na hawak ng kaibigan nya.
"Ibalik nyo yan! Project ko yan!" sabi ko at inabot-abot ang canvas sa babaeng matangkad. Pero pinagtatawanan lang nila ako.
Dumami na ang tao na pumapasok sa university pero parang wala lang sa kanila na may gantong eksena. Parang normal lang at nagdadaan lang sila nang hindi kami tinitignan.
"What if I dont like?" tanong nya uli.
"Sisirain ko yang magandang mukha mo kapag hindi nyo binigay yan!" pagbabanta ko.
Sandaling natigilan ang kaharap ko at tumaas ulit ang kilay. "Palaban, Trixx alam mo na gagawin mo dyn." utos nya dun sa matangkad.
"Sure ka dito girl?" tanong nong maputi.
"Hinahamon ako nitong kulot na to eh! Bakit takot kaba Lauryn?" tumaas ulit ang kilay nya sa kaibigan.
"Baka kasi tayo pag-initan nila David!" sabi nong isa.
So kay David pala tong lecheng babaeng to. At balak pa atang sirain ang project ko.
"Wala kong pakialam basta hinamon nya ko! Did you not hear it? Sisirain nya raw ang mukha ko?" humalakhak pa sya.
"Go Trixx! Sirain mo yan" utos nya ulit sa kasama.
"Wag! Wag nyong sirain yan!" sigaw ko.
Pero huli na ang lahat. Ang abstract painting ko ang nasira na at unti-unting nagkalat. Napaupo ako sa lupa. Nagsimula nang mangilid ang luha ko. Last submission nito ngayon. At hindi ko alam kung pano pa ako gagawa ng ganun sa konting oras na natitira.
"Reinee!" sigaw ng pamilyar na boses. Tinakpan ko ang mukha kong lumalandas na ang mga luha.
"What did you do?" galit na boses ng lalaki.
"I-I only protect myself." nauutal na sabi ng babaeng tinawag nyang Reinee.
"Protect yourself from what huh-" sandaling natigilan ang lalaki. "Ma-Marionne? Is that you?" aniya.
Unti-unti kong tinanggal ang mga kamay ko sa mukha ko. Pinipigilan ko ang pag hikbi ko.
Nagulat ako nang makita ko na si David iyon. Nanlaki rin ang mga mata nya.
"Oh my God! Reinee, for God's sake!" aniya kay Reinee at dinaluhan ako sa pagkakaupo sa lupa.
"I just protect myself D-David. She said she's going to destroy my face" sabi ni Reinee pero wala na sa mukha nya ang yabang na kanina'y namumutawi sa kanya.
Naitayo na ako ni David sa pagkakaupo. Lumuluha pa rin ako. "And you believe kaya nya yong gawin hah? Ano bang ginawa nya sayo? And be sure that your reason would be enough to destroy that canvas!" galit na sigaw ni David at pinagpupulot ang gula-gulanit kong canvas.
"S-sorry David." nakayuko na si Reinee.
"Hindi ka pa rin nagbabago..... Halika na nga Marionne." at inalalayan nya ko sa paglalakad.
Marami nang nakatingin samin ngayon. Siguro ay dahil andito na ang isang member ng Nexus Zone.
Narinig ko nalang ang mga mura ni Reinee nang makalayo na kami ni David.
Nawala na ang mga luha ko nang pumasok kami ni David sa isang pinto mula sa Liberal Arts Department. Bumungad sakin ang malawak na parang park-look-alike. Seriously? May ganto dito sa Allegany? May mga halaman at bulaklak din na napapalibutan ng Bermuda grass. Meron din maliit na artificial falls. Hindi ko mapigilang mamangha. Isang school tapos meron nito??
Pinaupo nya ako sa isa sa limang upuan roon na nakaset na table at chairs sa gitna ng mga halaman. Siguro ay dito ang tambayan ng Nexus Zone? Sila ang may-ari nitong school kaya no doubt sila rin ang nagpatayo nito.
"Wait me here okay??" aniya nang makaupo ako.
"Sa-san ka pupunta?" tanong ko.
"Aayusin ko lang to" sabay turo nya sa canvas ko.
"H-hindi na maaayos yan" pumangalumbaba ako sa lamesa. Totoo yon, hindi na kayang ayusin yun o remedyuhan. Dahil gula-gulanit na talaga. Naiiyak nanaman ako.
"Maaayos to. Tsaka wag ka nang umiyak" hinagis nya sakin ang puting panyo. "Magpunas ka ng luha. Hindi bagay sayo" aniya at nagmartsa papunta sa pinto.
Napanganga ako sa inasta ni David. May kung anung hayup ang nagwawala sa sikmura ko.
Bago sya lumabas ay tumawag pa sya ng lalaking nakauniforme ng pangwaiter at bumulong dito bago tuluyang lumabas. Hah? Waiter? Seryoso?
Nagulat nalang ako ng magserve ng pagkaen sa harap ko yung kausap kanina ni David. Astig!
Ang bait nya pala. I think I wanna know him more. I want to know his attitudes, likes and all information about him. Hey! What is this I am thinking? You starting to act like a pro.
No Marionne..... You can't like him........ You have Kevin, right?
BINABASA MO ANG
Perfectly In Love (NZ1 -Completed)
General FictionI will wait for the right time until I can say that I'm perfectly inlove. ❤