Chapter 33

3.6K 76 0
                                    

Charlene's PoV

"I'm sorry for lying babygirl!"

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Gusto ko siyang sampalin pero hindi ko magawa. Alam ko naman na ang totoo, matagal na, pero ngayon ko lang nararamdaman yung sakit na dapat noon ko pa dinamdam pero binalewala ko yun dahil mahal ko siya. 

*sniff sniff

Feeling ko para tuloy akong bata na umiiyak ngayon habang pinupunasan ang luha ko. 

Niyakap ko si Babybear na bigay ni Rain nong first monthsary namin at sumandal ako sa couch. Si Rain ay nasa tapat ko lang at nakalevel sa akin habang nakapatong ang isang kamay niya sa tuhod ko.

"Babygirl..." sabi nito sabay pindot sa pisngi ko.

"...Sorry na!"

dagdag nito. Huminga ako ng malalim saka pinunasan ulit ang mga luhang pasaway na ayaw huminto sa pagtulo mula sa magandang mata ko.  Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa tuhod ko.

"Ayoko ng sorry mo!" malungkot na sabi ko. 

Ano ba yan, ang kulit naman niya. Tinanggal ko na nga yung kamay niya, humahawak pa rin siya.

"Why?"  tanong nito.

"Anong why ka diyan? Nagsinungaling ka sa akin, sa lahat ng rules na ginawa ko sinuway mo lahat yun, wala ka man lang itinira. Hindi mo man lang ako in-inform na ipaparehistro mo pala yun edi sana hindi ako nagmumukhang tanga at parang shunga na walang malay na talagang kasal na pala ako sayo! Napakaselfish mo."  Maluha-luhang sabi ko.

Ewan ko ba sa sarili ko. Kung yung ibang babae nagagalit dahil nagsinungaling yung taong mahal nila, yung sa akin iba naman. Oo galit ako pero hindi yung sobrang galit dahil na rin siguro sa mahal ko nga si Rain at hindi lang yun parang feeling ko may konteng saya sa puso ko. 

Nakakatawa pero yun ang totoo. Baliw na nga siguro ako, malaki ang kasalanan ni Rain pero heto ako't umiiyak lang at parang masaya pa sa nangyari.

Nong araw na niyaya ako ni Raniella na umuwi sa bahay para sana isurprise si Rain dahil naging busy ako non ay ako pa ang nasurpresa sa narinig kong pinag-uusapan nila ni Manang sa kusina. Umalis din ako nong marinig ko yung tanong ni Manang at hindi na hinintay pa ang isasagot ni Rain. 

Nong una nagalit ako at hindi alam ang gagawin, umiyak dahil nagmukhang tanga pero naliwanagan ako nong may istrangherong kumausap sa akin sa 7eleven nong araw na din na yun habang umiiyak ako.
  
*Flashback

"Kunin mo na hija, hindi ko pa naman nagagamit yan e."  

Tumabi sa akin ang matandang lalaki na siguro ay nasa edad 50 pataas. nginitian ko siya saka umiling at sinagot siya.

"Wag na po. Nakakahiya naman."

"Tatanggihan mo ba ang alok ko sayo? Maliit na bagay lang 'to para hindian mo." 

Kahit na umiiyak ako ay nginitian ko pa rin siya. Inaalukan kasi niya ako ng panyo kaya kinuha ko na ito at ipinunas sa luha ko. Tahimik lang akong umiiyak at nang mailabas ko na lahat at wala ng luhang lumalabas ay saka lang ulit siya nagsalita.

"Problema sa pag-ibig, sa pamilya, trabaho o kaibigan?"

Suminglot ako at hindi siya sinagot.

"Sorry sa pangingialam hija pero kung ano man ang problema mo ay pwede mo naman ishare sa akin. Ang sabi nga nila mas magandang magkwento ng problema sa mga hindi mo kakilalang tao dahil mas nakakagaan sa kalooban..."  sabi nito. napasigh ako at nilingon ang estranghero. Ngayon ko lang napansin na kahit matanda na ito ay gwapo pa rin siya.

Im Inlove With My Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon