Chapter 12 (Kelly's Dark Past)

5 0 0
                                    

Huwag Kang Susuko
Chapter 12
"Kelly's Dark Past"

*CLEDERA MANSION*

MAY MGA PULIS SA LOOB AT KAUSAP SINA JOAQUIN AT DOÑA PILAR.

Chief of police: Babalitaan nalang po namin kayo kung ano ang magiging resulta ng imbestigasyon.

Joaquin: Salamat po chief.

Chief of police: Mauna na po kami.

UMALIS NA ANG MGA PULIS.

Doña Pilar: This is very frightening! Napagnakawan tayo habang wala tayo dito sa bahay ng ganun lang kadali?

Joaquin: Mama, calm down. Mas mabuti na 'yun kesa naman may nasaktan o napahamak sa atin diba?

Doña Pilar: Nandun na ako, but still kailangang malaman natin kung sino ang gumawa nito! We're talking about millions here! Ang mga alahas ko, mga designer bags ko at ang mga pera ko, tinangay ng mga magnanakaw na 'yun!

Joaquin: I know Mama, kaya nga pinapaimbestigahan natin eh. Soon, we'll find out kung sino ang mga magnanakaw na 'yun.

DUMATING SI KELLY.

Kelly: Joaquin, Mama, how's the investigation?

Joaquin: Wala pang resulta. Babalitaan nalang daw tayo ng mga pulis. Nasaan ang mga bata?

Kelly: Nasa kwarto nila, pinagpapahinga ko na muna. Wala ba silang nakita sa CCTV? Paanong ganung kadali lang na nanakawan tayo? Yung mga katulong ba eh natanong nila?

Doña Pilar: Nagawa na nila 'yun at naniniwala ako na wala sa mga katulong natin ang may gawa nun.

Joaquin: Wala ring nakita sa CCTV dahil mukhang napag aralang mabuti ang bahay dahil naka off lahat ng CCTVs natin.

Kelly: How about sa Village? Yung mga guards natin? Anong ginawa nila? Bakit sila napuslitan? My God!

Joaquin: According to our guards, may isang lalake ang nag door bell at nung tinanong niya bigla nalang siyang in-spray-yan ng kung ano sa mukha kaya hindi siya agad nakalaban. Nasuntok siya at nawalan ng malay kaya nakapasok ang mga magnanakaw. Yung isang guard naman natin nawalan din ng malay matapos may humampas sa ulo niya.
Yung mga katulong nasa kusina at tinutukan sila ng baril ng isang lalake kaya wala na silang nagawa. Tatlo ang mga magnanakaw, lahat sila nakasuot ng maskara. Isa ang nagbabantay sa labas, isa ang nagbabantay sa mga maids at isa ang pumasok sa kwarto ni Mama para magnakaw. Ang sabi ng mga village guards may isang van ang pumasok sa village at nagpanggap na kakilala natin, may ibinigay na fake IDs at kinuha din paglabas nila ng village. Hindi namukhaan ng mga guards ang driver dahil naka disguise ito. Halatang plinano talagang mabuti.

Kelly: OMG, nakakatakot naman 'yun! Paano kung balikan nila tayo?

Doña Pilar: I'll make sure na hindi na dahil magpapadagdag ako ng security sa bahay na ito. You're right Joaquin, mas mabuti na walang nasaktan sa atin. Pera lang 'yun and mas importante na ligtas tayo. Pero hindi rin ako papayag na hindi mahuli ang mga salarin. Kailangang makulong sila.

TILA NAMUTLA NAMAN SI KELLY.

Kelly: Uhmm magpapahinga na ako sa kwarto Mama, Joaquin, sumunod ka na lang okay?

Joaquin: Okay.

UMALIS NA SI KELLY.
••••••••••••••••••••••
SA KWARTO NINA KELLY.

MAY KAUSAP SIYA SA CELLPHONE.

Kelly: Success! Magkita nalang tayo bukas para sa parte mo. Mukhang malinis naman ang trabaho ng mga bata mo eh. Pero syempre mag ingat pa rin sila dahil hindi titigil si Mama hangga't hindi sila nahuhuli, paalisin mo na muna sila sa Manila.

Huwag Kang Susuko (Don't You Give Up) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon