Ang Pagbabalik
---MacriSizzy
Simula ng malayo ako sayo lahat ay nagbago. Parang buong mundo ko ay nauwi sa kadiliman. Sabi nila balikan na kita. Pero hindi ko kaya. Oo gusto ko pero paano nga ba?
Hindi ko alam kung bakit tayo nauwi sa ganito. Sino ba ang nagkamali... Ikaw o Ako? Naguguluhan na ako sa bawat oras na naaalala ko ang nangyari. Parang gusto kong bumalik at baguhin ang desisyong ginawa ko pero ikaw ang nagsimula. Sinaktan mo ako at aaminin ko hanggang ngayon malapit ka pa rin sa puso ko. Bakit ganun? Pinarurusahan mo ba ako?
Sabi mo samin pantay ang mundo. Lahat may pantay pantay na katangian, talagang nababago lang ito. Pero bakit ganun? Ikaw masaya pero ako eto, nananatiling naguguluhan.
Sino ba ang may sala? Ako na nasaktan lang kaya nagawa ang bagay na yun o ikaw na hindi ko maintindihan kung bakit ginawa ang bagay na yun? Ang gulo. Napakagulo.
May rason. 'Yan ang mga katagang sinasabi nila, sinasabi mo. May rason lahat ng bagay. May rason ang paghinga natin. May rason kung bakit tayo nasasaktan. May rason kung bakit tayo nahihirapan. Lahat may rason, eh ang nangyari ba satin may rason din?
Kailangan ko ng sagot. Matapos ang pangyayaring yun naguluhan na ako. Nag iba ang mundong tinirahan ko. Ang dating masaya at masarap na buhay ay nauwi sa pagkapuot at walang patutunguhan.
Sayang. Kung hindi sana nangyari yun edi sana nakapagtapos na ako ng pag aaral. Sayang lahat ng pinagpaguran ko noong high school ako. Nang dahil lang sa ginawa mo eto ako, nakaupo at luhaan.
Pero ikaw ba talaga ang dapat sisihin? Sabi nila ginawa mo lang yun para sa ikakabuti ko. Sa ikakabuti ko ba talaga? Kung totoo yan bakit pinabayaan mo ako maging ganito at mapawira? Iniwan mo ako. Sinaktan. May eksplenasyon ka ba para sa sakit na nararamdaman ko? Wala.
Simula ng magbago ako lahat ng kaibigan ko lumayo. Iniwan mo na nga ako pati ang mga taong nakapaligid sakin ay nawala rin. Nakakainis ka. Alam mo ba kung gaano ako nahirapan sa pitong taon na nawala ang lahat sakin? Hindi mo alam kasi sa simula palang sinaktan mo na ako. Ikaw ang nauna at hindi ako. Pero bakit ganun? Bakit ako pa rin ang masama sa mata ng iba? Ganun ka ba kabuti para ako ang maging masama sating dalawa?
Balikan na daw kita. Oo, gusto kitang balikan pero ayaw ko. Sa tuwing pupunta ako sa tahanan mo para makipag usap sayo ay naiisip ko lang ang sakit na iniwan mo sakin ng pitong taon.
Lagi kong iniisip na paano kaya kapag binalikan kita? Babalik din ba sa dati ang lahat? Sa tingin ko ay hindi. Hindi na maibabalik ang dati kasi nasa nakaraan na yun. Isa na lamang lamat ng pagsasama natin.
Ang sakit isipin na sa tuwing nababanggit ka ng iba ay may kakaibang galak ang namumuo sa kanilang mga labi. Ganun ba sila kasaya sayo? Bakit ako hindi?
Sa ginagawa kong to marami na ang nagagalit at nanghuhusga sakin.
Hindi nila alam ang nararanasan ko. Sa tuwing may nakakakita sakin lagi nilang sinasabi na 'balikan mo na kasi'
Ang dali nilang sabihin yan pero kung sila ang nasa pwesto ko sigurado akong mahihirapan din sila. Mahirap balikan ang taong nanakit at patuloy na sinasaktan ka.
Ilang beses akong nasaktan. Ilang beses akong umuwing luhaan at sa mga oras na yun wala akong takbuhan.
Oo namimiss ko na ang mga panahong masaya tayong nag uusap. Lagi akong dumadalaw sayo at noon kapag kasama kita para bang lahat ay nasa maayos. Lahat tama at lahat ng gagawin ko ay mabuti. Namimiss ko na ang pakiramdam na yun. Yung masaya ako sa piling mo at ng pamilya ko. Pero anong nangyari? Iniwan ako ng mga magulang ko dahil sa lintek na aksidente na yun at pati ikaw...iniwan mo rin ako. Walang naiwan sakin kaya paano nga ba kita mababalikan kung hanggang ngayon natatandaan ko pa ang paghihirap na dinanas ko? Hindi ka ba naaawa sakin?
Sabi nila mahal mo ako pero bakit? Bakit ako lang ang nasasaktan? Masaya ka bang ganito ako? Dalawampo't lima na ako pero hindi kita mainitindihan. Ano ba ang gusto mong mangyari? Gusto mo akong saktan? O ayan, nasasaktan na ako. Masaya ka na ba? Pitong taon na akong ganito pero hinding hindi ko nakakalimutan ang ginawa mo.
Siguro may mali rin ako. Mabilis akong nawalan ng pag asa at hindi ka agad pinaniwalaan. Siguro nagkamali ako kaya ginawa mo to. Siguro nga... siguro.
Patawad kung ganun. Patawad kung nagkasala ako. Patawad sa lahat. Patawad kung sinisisi kita. Patawad kung nangyari to at patawad dahil naging ganito ako.
Noong una pa lang alam ko ng may sala rin ako pero ayaw kong umamin. Ayaw kong masisi at kaawaan. Patawad sa lahat ng ginawa ko. Sana ako'y tanggapin mo pa MULI.
Ngayong napagtaanto ko na lahat lahat at akin ng naiiintindihan ang kagustuhan mo ay di na ako magdadalawang isip na balikan ka. Sa katunayan dapat dati ko pa tong ginawa.
Babalikan na kita. Sana maligaya ka.
Ewan ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ang ibon ay nagkakantahan. Lahat nagagalak sa pagbabalik ko. Lahat nagpapalakpakan. Bawat kanto ay may mga nakangiti sakin na tila ba'y matagal na akong hinihintay. Natutuwa ako. Napakasaya ng mga oras na to.
Sa paglalakad ko nakita kita. Nasa may di ka kalayuan, nakangiti at ako'y kinakawayan. Napaluha ako. Sa mahabang panahon na ako'y nakaramdam ng sakit ay tila ba parang nawala lahat ng yun nang makita kita. Ang saya sa pakiramadam. Napakasayang makita ka na naghihintay sakin. Matagal ka na bang naghihintay?
Habang palapit ako ng palapit sayo ay pagaan ng pagaan naman ang damdamin ko. Napangiti ako ng makita ko ang mukha mong sabik na sabik sa pagbabalik ko. Bakit nga ba ngayon ko lang ginawa to?
Hindi ko na maantay ang ilang metrong pagitan natin. Tumakbo na ako papalapit sayo at niyakap kang mahigpit. Salamat naman at niyakap mo rin ako pabalik.
Napakasay ko ngayon. Ikaw at ako lamang ang nakakaalam kung gaano ako kasaya.
Sana mapatawad mo ako sa pagkakamali ko.
Sana hindi na tayo magkahiwalay pang muli.
Sana masaya ka rin kagaya ko.
Patawad kung ngayon lang ako ha. Ngayon ko lang napagtanto ang tunay mong hangarin. Kung hindi pa ako naaksidente ay hindi ko pa naunawaan ang lahat. Ginawa mo ang mga bagay na yun para sakin, para sa ikabubuti ko. Salamat sa lahat.
Salamat sa paghihintay, Panginoon.