Sa panahon ngayon uso na ang move-on kahit di naman naging kayo! Edi wow!
Oo cge! Sabihin natin na kaming mga babae ay mga assuming, kaya lang naman kami nag a-assume eh dahil din yan sa inyong mga lalaki na nagpapakita rin samin ng motibo, Kaming mga babae kasi madali kaming nahuhulog sa taong laging nagpapasaya sa amin at nagpapangiti.
Sa panahon din ngayon maraming nagkakalaboan ng relasyon ng dahil sa Third Party, hahaaay kabataan nga naman oh! Ang hilig-hilig sa party.
Minsan na nga lang main-love dun pa sa taong sasaktan ka lang
Lahat tayo ay dumadaan sa stage ng pagmomove-on. Eh nagmahal ka eh! So dapat handa ka ring masaktan, handa ka rin sa kapalit. Di natin masisisi ang ating puso dahil ang puso natin ay nag susuplay lang yan ng dugo! Wag kang madrama!
May nag tanog kasi sakin kahapon Kung paano daw mag move-on
1. Allow yourself to cry and mourn, let it all out.
• Ilabas mo lahat-lahat! Gusto mong umiyak? Umiyak ka ng umiyak hanggang mapagod ka! Ilabas mo lahat ng sakit na nararamdaman mo. Humanap ka ng kaibigan na handang makinig at magpayo sayo, ilabas mo sa kanya kung ang nararamdaman mo.2. Acceptance
• Tanggapin mo na ang taong dating nagpapasaya sayo ay wala na, wag ka ng maghintay sa mga text, chat, and calls nya at lalong lalo na wag ka ng umasang babalik pa siya sayo kung impossible at komplikado na ang lahat, wag kanang umasa ng isa pang chance, kasi kapag lalo kang aasa lalo ka ring masasaktan.3. Surround yourself with people who makes you happy
• Wag ka laging mag mukmok sa kwarto mo, dahil kapag wala kang ginagawa, parati mo syang maaalala, Gumala ka kasama ng mga barkada o kaibigan mo, spend your free time together with your family, Wag ka ng mang stalk sa kanya! Kasi masasaktan ka lang sa mga makikita mo sa mga post nya! Babalik ka na naman sa step 1? Kaya I try mo na wag ng mang stalk4. Forget
• Hindi ibig sabihin nun ay kakalimutan mo na ang tao, yung feelings lang! Wag kang feeling Amnesia. Iwasan mo ang mga bagay na nakapapaalala sayo sa ex mo! Gumawa ka ng mga bagay nagpapasaya sayo at ang mga bagay na di mo pa na gagawa.5. Forgive
• hoy te?! WAG KANG BITTER! Paano ka makakamove on kung may hinanakit kapang nararamdaman jan sa puso mo! Patawarin mo na! pati sarili mo patawarin mo na din.6. Be Happy
• Pag nakamove on kana magiging masaya ka na ulit, wala ng hatred jan sa puso mo, at wag kang matakot na mag mahal ulit! Kapag nasaktan ka uli! Balikan mo tong steps na binigay ko sayo! HahahahaJK.Ganyan talaga ang buhay ng mga teenager, lahat tayo ay dumadaan no, no exemption. Sana nakatulong itong advice ko sa pag momove on mo.
"Thank you for reading"