Kabanata 8

7 0 0
                                    

JASPER POV.

"Ano? Hindi mo pa rin naaalis ang sinasabi mong balakid?"singhal ng kakambal ko sa kabilang linya.

"-ano ba naman Jasper, akala ko ba tatapusin mo na iyang balakid na sinasabi mo, pinagkatiwalaan kita na magagawa mo ng maayos ang pinapagawa ko pero nagkamali pala ako, dapat hindi ako nagtiwala na mabilis mong magagawa ang plano" puno ng kabiguan niyang wika.

"Jester-"

"-tapusin mo na ang buwsit na balakid na iyan!" Pagpuputol niya sa sasabihin ko. Marahan kong nilayo sa tenga ko ang Cellphone.
Hindi pa ako nakakasagot at binaba na ng kakambal ko ang kaniyang linya.

Ang nangyari sa Elevator ang dahilan kung bakit nagdalawang isip akong sundan sa loob si lia.
Hindi ako makahinga sa mga masisikip na lugar kaya ganun nalang ang takot ko ng makakita ng Elevator.

Sinugal ko ang buhay ko para lang tapusin na ang balakid na iyun ngunit bigo ako.

Naguguluhan na ako.
Sa kabila ng pasakit na binigay ko sa kaniya ay nilagtas niya pa rin ako.

Alam ko mali ang gagawin ko.
Pero nangako ako kapuwa sa kakambal at pagiging Condrado na kadugo muna bago ang ibang tao.

pasalampak akong nahiga sa kama at napapikit.

Simula nang magising ako sa Ospital hindi na maalis sa utak ko ang mukha niya habang hinahalikan niya ako.
Ang pag aalala niya sa akin sa kabila ng muntik ko ng pagpatay sa kaniya.
Hanggang ngayon, sa bawat pagpikit at pag idlip ko ay nakatatak sa utak ko ang detalyadong anyo ng mukha niya habang sinusubukan akong iligtas.

Bakit ba hindi ka nalang mawala sa landas ko, Lia Diaz?

Pumasok kana sa plano ko at naging sagabal sa lahat , bakit andito ka na naman at pumapasok sa sistema ko?

**********

LIA POV.

*SCHOOL*

Akala ko papasok ngayon si Jasper.
Concern lang ako kung kamusta na siya pagkatapos ng nangyari sa kaniya sa Elevator.

No.

Kapag naiisip ko talaga ang Elevator ay nakikita ko ang mukha niya.
Napahawak ako sa labi ko.
Yung malambot niyang labi ay ginugulo ako sa bawat pagtulog ko.
He took my first kiss.

"Lia!" Halos mapalundag ako sa gulat ng may tumawag sa akin.

"A-ace? A-nong ginagawa mo rito?"luminga linga pa ako sa likuran niya.

"Sinusundo ka." Nakangiti nitong wika at ngumiti ng malapad.

"Ha?" Napatigalgal ako ng bigyan niya ako ng bulaklak.

"Yieeee! Sino siya lia?" Malisyosong tanong ng kaklase ko at umangkla pa sa braso ko na tili inaasinan sa kilig.

"A-ah si-si Ace! Kaibigan ko?" Nauutal kong sagot.

"Hi- ace" bati ng kaklase ko sabay lagay ng buhok sa likod ng tenga niya gamit ang daliri niya.

"Hello." Nakangiting bati rin ni Ace.

"May girlfriend kana ba?" Pabebeng tanong ng kaklase ko.
Ngumiti lang ako ng matipid dahil hindi ko inaasahan ang pagpunta ni Ace rito.
At isa pa ikakasal na siya 'diba?

Napabaling siya ng tingin akin dahil sa tanong ng kaklase ko.
Ah ano ? Magpapakita siya ng motibo ngayon? Tapos ako? Magiging kabit niya?

"Ace , thank you sa flowers, kailangan ko ng umalis" tipid akong ngumiti.

Mr. SadistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon