LIA POV.
*SCHOOL*
'Yung dating kompetisyong nagaganap tuwing nagkikita kami ni Jasper, hindi ko makakalimutan iyon.
Mataas palagi ang marka niya kahit puro absent o kaya madalas ay late.Napadako ang mga mata ko sa upuan niya.
Napangiti ako at nilapitan iyon."I'll kill you ,Lia Diaz." Nakasulat iyon sa Desk niya. Napangiti ako bahagya at naalala ang mga matatalim na tinginan namin.
Pinipigilan ko ang mga luha na pumatak mula sa mga mata ko."Lia."
Napalingon ako sa taong nasa likod ko."Ace—" Hindi na ako nakapagsalita ng marahan niya akong hatakin at yakapin.
"This is just a friendly hug. Sabay na tayo."
Napayuko ako. Hindi ako tumugon sa yakap."Let's go." Mahina ang boses na wika ko.
Pinakawalan niya ako at sabay naming binaybay ang daan palabas ng paaralan.Nakayuko pa rin akong pumasok at nang maupo na rin siya sa upuan niya ay umalis na kami.
Dalawang oras rin ang ginugol namin bago makarating sa bahay ng pamilya nina Jasper, sa Daddy Manuel niya.Sabay kaming pumasok ni Ace at
Dumungaw—Dumungaw sa kabaong ni Jasper.
"Jasper—" pigil ang emosyong hinaplos ko ang glass ng kabaong niya.
Kahit namumutla na siya hindi pa rin maikakaila ang kagwapuhan niya.Pagkatapos ng nangyaring aksidente , halos dalawang araw siyang nakaratay sa Ospital at walang malay. Halos walang sandali na hindi ko dinadalangin sa dalawang araw na iyon na sana gumaling siya—
Ngunit nang bumalik na ako sa ika-tatlong araw sanang iyon, hindi ko na siya naabutan.Sabi ng Doctor hindi na kinaya ng pasyente ang pinsalang dulot ng aksidente.
Dumaranas siya ng iba't ibang komplikasyon sa utak dulot ng nangyari.Halos mapaluhod ako sa harap niya ng mga oras na iyun. Sinisisi ko ang sarili kung bakit wala akong nagawa.
Hindi ko na napigil ang pagligid ng mga luha sa aking mga pisngi at tahimik na umiyak sa harap niya.
Umiiyak ako kasi yung pag asa ko napunta sa wala at ang taong nagturo sa akin maging malakas nawala kasama ng pag asa na iyun.
Sa kabila ng tungkulin niya ay naroon ang puso niya. kung paano niya ako iligtas sa Pool, kung paano niya ako buwisitin. Yung matatalim at matatalas niyang tingin.
Kitang kita ko sa mata niya na hindi siya yun. Alam ko may aasahan ako ngunit hindi ko inaasahang mangyayari ito.Nagtagumpay ka na paiyakin ako ,Jasper.
Ngunit hindi mo makikita ang mga luhang matagal mo ng gustong masilayan dahil nandito kana sa iyong huling hantungan mo.Hindi ko na maririnig ang mabagsik niyang tinig, ang mga banta niya.
Nagulat ako ng may dumungaw rin sa kabaong ni Jasper.
Namilog ang mata ko sa pagkabigla.
"J—jasper?" Usal ko.
Napatingin siya ng matalim."Excuse me?"anito at dumungaw ulit sa kabaong.
"Ah—Oo nga pala, Lia siya si Jester." Sabay hayag ng kamay ni Ace sa tinutukoy niya.Napatda ako sa aking kinatatayuan dahil sa gulat at takot.
"Anong tinitingin tingin mo?"angil ng Jester.Inakay ako ni Ace paalis sa harap niya at naupo sa bangko sa harap ng kabaong ni Jasper.
Siya si Jester na kakambal ni Jasper?
Magkasintangkad sila, mas brusko lang katawan at matikas ang tayo ni jasper.
Bakas sa mukha ni Jester ang matinding paghihirap.Kung ganun, 'yon ang taong dahilan kung bakit namatay si Jasper?
Kanina pa siya nakadungaw sa labi ng kakambal niya ngunit kahit na anong emosyon ay wala akong nakita.
BINABASA MO ANG
Mr. Sadist
RomanceJasper Condrado would do anything just to seek revenge on his cousin in the name of his twin, so he entered his cousin's family and there he met Lia Diaz. At first, he thought Lia Diaz wouldn't be a headache for him, but she endured various hardship...