- - -
"Newsha, kailan ka mag-aasawa?""Pagka-naipanganak na po si dawan."
- - -
"Newsha, may nobyo ka na ba hija?"
"Wala pa ho. Di pa tapos sa module."
- - -
"Newsha, magtatandang dalaga ka na ba?"
"Di ko po alam. Abangan niyo na lang po sa sixtieth birthday ko, he he."
- - -
"Te, kailan ka magkakajowa?"
"Eh, ikaw? Kailan ka babalikan?"
- - -
Iilan lang yan sa daang taong paulit-ulit na nagtatanong sa akin kung kesyo kailan daw ako mag-aasawa? Kailan ako magboboyfriend? Kailan ako magkakapamilya?
Porke't bente-otso na ako ey ganun na lang ang tanong nila sa akin?
Ano? Required ba talaga na mag-asawa na sa ganitong edad?
Paano kung wala? As in walang wala akong lalaki sa buhay? Iyong tipong nawalan ako nang oras na pokusan ang mga ganoong bagay, dahil may mas mahalaga pa kesa sa pag-aasawa?
"Newsha Vidad!"
"Ano?!"masungit kong tugon sa kaibigan habang hindi inaalis ang mata sa computer.
"Ganun ba kapag walang jowa?, nagiging masungit?"tudyo nito
Sarkastiko akong ngumiti, "Ganun ba kapag iniwan?, nakikialam?"
Pabiro niyang hinawakan ang dibdib na parang nasaktan siya sa sinabi ko, "Grabe, Sha. Walang personalan, please!"
Inilingan ko na lang ang pagiging madaldal ni Edna at hindi na pinansin. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa kong presentation para bukas.
"Anyway, uuwi na ako ha! I need to feed my babies pa! Ikaw na magsara sa resaurant."Edna said and kissed me on the cheek.
"Okay. Take care." I waved her goodbye until she's gone.
Nang matapos ako sa ginawa kong financial statements ay saka ko lang tinignan ang cellphone ko.
"Shoot! Alas-sais na!"gulat kong sigaw at nagmamadali kong ini-off ang computer.
I cannot be late! Today's Nanay and Tatay's wedding anniversary. Gosh! Bakit ko nakalimutan?
Mabilis ang naging kilos ko papalabas nang restaurant hanggang sa tuluyan itong maisara. Pagkatapos niyon ay naglakad na ako patungo sa sasakyan.
Nang hindi ko mahanap ang susi sa bulsa ay tumigil muna ako sa paglalakad at hinanap ito sa bag ko. Subalit sa aking paghahanap ay isang lagabog na tunog ang umalingawngaw sa may kadilimang eskena na hindi kalayuan sa kinparkingan nang sasakyan ko.
Hindi ko na sana papansinin dahil baka ligaw na pusa o anong hayop lang na pagala-gala, ngunit sa sumunod na kalabog ay nakarinig na ako nang boses nang tao.
"Sa susunod bata, wag kang mayabang. Lalo na kung wala ka naman sa teritoryo mo!"
Agad akong kinabahan sa narinig na boses, parang gangster ata! OMg! Kailangan ko nang umalis dito!
"Bugbugin niyo yan!"
Akma na sana akong tatakbo nang marinig muli ang umuungol na boses nang taong binubugbug nila.
Paano kung may mangyari masama? Worst is mamatay? Kakayanin ba nang konsensya kong iwan na lang, kahit alam kong kailangan niya nang tulong?
Imbes na dumiretso sa sasakyan at umuwi ay dahan-dahan akong humakbang palapit sa eskinita. Sinikap kong hindi makagawa nang ingay dahil baka pati ako ay matodas!
BINABASA MO ANG
My Young Boyfriend
General FictionWhat if you fall inlove to a boy who's 8 years younger than you? Will it goes to the saying 'age doesn't matter'? When in the first place, the question we should ask is, does age only the matters? Or there is so much more, more bigger than that. [Ph...