The Meeting

35 0 0
                                    

Sumakay na sila sa sasakyan para tumungo sa reception. Ito ay gaganapin sa isang hotel sa Tagaytay. Ito ang unang beses niyang makakapunta sa Hotel na ito.

Pumasok na sila sa loob ng hotel. Doon nakita ng kaibigan niyang pari ang mga kakilala nito. Ipinakilala siya nito isa-isa. Hindi niya natatandaan ang mga pangalan nito. Sila daw ay mga galing din sa De La Salle University kung saan ito nag-highschool. Kaya siya ang nagkasal sa kinasal dahil ka-kilala din ni Fr. John ang bride at kaibigan naman ng mga kasama sa entourage ang mga kausap nila ngayon.

Nag-uusap lamang ang mga ito at tahimik na nakikinig si Athena sa kanila. Puro mga throwback ang mga pinag-uusapan nila at hindi siya makarelate. Iniisip niya kung buhay na ba siya ng mga panahong iyon o kaya kung anong grade na niya sa elementary. Natatawa-tawa siya sa naiisip dahil alam niyang makukutusan siya ng kaibigang pari kapag narinig niya ang mga naiisip niya ngayon.

Umiinom na lamang siya ng tubig at paminsan-minsan kumukuha ng wafers na nakahain sa mataas na lamesa. Hindi pa kasi sila pinapapasok sa venue mismo, sa isang banquet hall. Nagugutom na kasi siya dahil hindi siya nakapag-agahan kanina dahil sa pagmamadali.

Nagulat na lang sila na may lumapit sa kanilang isang binata. Matangkad ito at maganda ang pangangatawan. Hindi niya ito binigyang pansin dahil ang akala niya ay isa sa mga kausap ni Fr. John ang pakay nito or si Fr. John mismo. Hindi na siya magtataka kung si Fr. John ang kakausapin nito o ang kakilala nito dahil likas na pala kaibigan ang pari.

"Hi!" Bati nito sa kanila at bigla itong bumaling sa kanya sabay lahad nito ng kamay sabay sabing "Hi! I'm Claud." Todo ang ngiti nito at kitang kita ang pantay-pantay at mapuputi nitong mga ngipin. Taka naman siyang napalingon sa mga kasama niya. Nagtatanong ang mga mata nito tila iniisip kung bakit siya ang kinakausap ng binata. Hindi maikakaila na gwapo ang binatang kaharap niya, bagay dito ang suot na light pink na polo at coat. Maganda ang pangangatawan nito.

Hmmmm.. Gwapo. Matangkad. Mukhang mabango pero mukha din mayabang. Isip-isip niya. Tinanggap nito ang kamay at sinabe ang pangalan niya.

"Hi, Athena." pakilala niya sa sarili at tipid itong ngumiti at dali-dali siyang bumitaw sa pakikipag-shake hands nito.

"Ahhhmmm...Pwede ka bang makausap? Kung okay lang sayo?" sabi ng binata sabay kamot sa may batok. Lihim namang napangiti si Athena sa inasal ng binata. she finds it cute. She finds him cute.

Lumingon siya kay Fr. John, hindi malaman ni Athena kung hihingi ba siya ng tulong o hihingi ng permiso dahil hindi niya alam ang gagawin niya.

"Gusto ka daw maka-usap." nabigla siya sa sinabi ng pari dahil alam niyang masyado itong strikto. Ang gusto nito kung magbo-boyfriend siya or silang magkakaibigan, dapat ay may trabaho na ang lalaki pati na rin siya. Naalala niya noong nagpunta siya sa Wensha, isang spa place sa may Macapagal. May mga binatilyong tumitingin at pinagbubulungan silang dalawa ni Hera at natuwa silang dalawa ng sabihin ng pari ang mga katagang, "You need to strive hard to get these girls." Nakakataba ng puso dahil alam niyang proud sa kanila ang kaibigan nitong pari. Para na silang itinuturing na mga kapatid.

Tumango na lamang siya bilang tugon niya. Bumaling naman siya kay Claud na matiyagang naghihintay sa sagot nito.

"Tara?" yaya nito sa lalaki. Lumabas sila ng hotel patungo sa garden nito. Nagtuloy-tuloy lamang siya sa paglalakad dahil hindi naman niya alam ang gagawin. Hindi umiimik ang kasama nitong lalaki. Napatigil na siya sa paglalakad ng makita niya ang tanawin. Ang magandang view ng Taal Lake at Taal Volcano. Kitang-kita nito ang crater. Proud Taalena siya.

"Wow! Ang ganda!" Dali-dali niyang inilabas ang iTouch niya at kinuhanan niya ng litrato ang Taal Volcano. Nakalimutan na niya ang kasama niya dahil sa pagkamangha niya sa tanawin. Tumikhim si Claud para naman mapansin siya ng babae. Ngayon niya lang naramdaman na hindi siya nagustuhan ng babae dahil alam niya sa sarili niya na gwapo siya. Kung hindi nga lamang sa dare nilang magba-barkada ay hindi niya lalapitan si Athena.

Maganda ito at sexy aminado siya doon pero parang may kulang. Napatingin siya sa mga kabarkada niyang kanina pang nakasunod sa kanila ni Athena. Hindi niya alam na nakatingin na pala sa kanya ang dalaga at tinignan din ni Athena ang tinitignan niya. Pagtingin niya ulit kay Athena ay nagulat siya ng makitang nakatingin na ito sa mga kabarkada niya. Ang mga kabarkda naman ni Claud ay biglang nagsi-alisan ang tingin sa kanila.

"So?" nakataas na ang kilay ni Athena noong bumaling siya kay Claud. Noong nakita niya ang mga lalaking napagtanto niyang mga kaibigan ng kasama niya ay naisip niyang hindi lamang basta usap ang pakay sa kanya ng binata na ikinainit naman ng ulo niya.

"Hmmmm???"

"What do you want?" mataray nitong tanong kay Claud. Nakukutuban na din kasi siya ng hindi maganda at kailangan na niyang ilabas ang pangil niya para matakot sa kanya si Claud. Siya ang tipo na hindi nagpapa-api.

"I need you to kiss me." Pag aamin niya kay Athena. Alam kasi ni Claud na hindi head-over-heels sa kanya ang dalaga tulad ng ibang babae which irritates him. Natatapakan ang napakagwapo niyang pride.

"As if I'll do that!" Athena snapped at him.

"Tsk! Kala mo naman kung sinong kagandahan!" Bulong ni Claud sa sarili niya.

Nagpantig ang tainga ni Athena sa narinig niya. Kahit pa bulong ito ay narinig pa rin siya. Napalingon siya sa mga kabarkada ni Claud. Iniintay kung ano ang mangyayari sa kanilang dalawa. Doon siya nakaisip ng plano. Lumalabas na naman ang pagiging bitch niya.

"Dahil ba sa kanila? How much?" tanong ni Athena kay Claud.

"What?"

"I said, how much? Magkano ang pustahan niyo? Yun naman 'yon hindi ba? Kaya ka lumapit kase you need to do a dare."

"How-"

"I'm not that stupid para 'di mafigure out ang mga nangyayari. So, How much was it?" hindi na niya pinatapos si Claud sa sasabihin nito. Bastos na kung bastos wala siyang pakialam. May naglalaro na sa isip niya para mapaglaruan ang binata at ang mga kabarkada nito.

"5 thousand." Sagot na lang sa kanya ng binata.

"Okay. I'll kiss you." sabi ni Athena kay Claud habang lumalapit ito. Hinawakan ang bandang dibdib nito animoy inaakit ang lalaki. Inaayos niya ang coat nito. "In one condition.." Bulong ni Athena kay Claud na hinila pa niya ang coat nito para lang mapababa dahil hindi niya ito abot. Masyadong matangkad ang lalaking ito. Her breath fanned his face. Amoy na amoy ni Claud ang hininga nito. Mabango. Vanilla Mint.

This is fun. At nag evil laugh na lang si Athena sa isip niya.

"And the condition is?" tanong naman sa kanya ni Claud.

"You'll pay me double! I'll kiss you if you give me 10 thousand. Simple as that!"

"What?! As if I'll do that!" Sigaw ni Claud kay Athena. Nag-shrug na lang si Athena akmang aalis na ng magsalita ulit ito.

"No biggies! Hindi naman ako ang matatalo sa pustahan at hindi rin naman ako ang maapakan ng pride. Your choice. Your loss!" Tumalikod na siya at maglalakad na paalis. Men and their pride

Kumagat ka! Kumagat ka! Kumagat ka! Athena chants in her head.

"Wait! Okay! I'll pay you! Pero mamaya ko na ibibigay! But you have to kiss me now!" Pagsuko ni Claud kay Athena.

"Okay!" sabay ngiting tagumpay ni Athena! Humarap siya kay Claud, hinawakan at hinila nito ang coat pababa para mahalikan si Claud.

This woman is impossible! yan ang nasa isip ni Claud ngayon. Nagulat siya sa ginawa ni Athena at noong nakabawi siya ay hinawakan nito ang batok ni Athena at diniinan pa ang paghalik. Lumalim ang halikan nila at bumitaw na lang ng hindi na sila parehong makahinga. Athena just smirked at him at pinunasan ang gilid ng labi ni Claud na may stain ng lipstick.

"Laters, baby." Pang aasar pa ni Athena kay Claud at ginamit pa ang linya sa Fifty Shades of Grey.

Di pala kagandahan ah. Pweee. Sabi niya sa sarili niya, sabay alis niya. Naiwan namang nakatulala lang si Claud doon.

that gate crasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon