Chapter 1

66 3 3
  • Dedicated kay Christine Mae Necerio
                                    

Isang Maaliwalas na Umaga.

Masarap na Sariwang Hangin, at Tanging huni lamang ng mga Ibon ang bubungad sayo pagdilat mo sa bagong yugto ng Buhay mo.

 Yan ang Umaga sa Probinsya.

At ibang-iba dito sa umaga sa Metro Manila.

Businahan ng mga sasakyang Nadaan, yabag ng mga Nagmamadaling tao, Sigawan ng mga nanay na "Anak! Dalian mo! Malelate ka na!" at Syempre, Hindi pahuhuli dyan ang...

"Iyaaaaaaaaaa"

Nakabibingi, at malaAlarmclock na Boses ng Nanay ko.

 Isang bagong araw na naman pero parehas na routine pa din. Gigising. Bababa para kumain. Aakyat para maglinis ng bahay Pababa. Tapos kung May natitira pang Oras, Mag-gigitara. Pero Kung may Assignment, Ginagawa ko. Pagsapit ng 10:30 ng umaga, Magsisimula nang Maghanda para sa pagpasok sa eskwela.

"Iya. Baka naman gabi ka na naman umuwi ha? Umuwi ka ng Maaga." Bilin sakin ni Mama

"Opo Ma" Sagot ko. Tapos nagpaalam na.

Umalis na ako sa Bahay namin. Sana hindi Traffic. Baka makatulog ako neto uli. Minsan nagjijeep ako papasok para Makatipid pero pagtinatamad akong Maglakad papuntang sakayan ng Jeep, sasakay na lang ako ng Tricycle tapos Magbubus.

Teka. Nakalimutan ko atang Magpakilala. Ang haba na ng Nadaldal ko pero di nyo pa ako kilala. Ako nga pala si Maria Christine Santos. Isang Grade 9 student. Third Year highschool yun. Pero dahil inabutan akong ng k-12 curriculum, Balik elementary uli. I mean parang pang elementary yung Tawag.

Isa akong babaeng akala mo kung sinong Mahinhin pag mag-isa. pero pag nandyan na yung mga Kaibigan ko, di mo na ako Makikilala. Kalog akong Babae, Maganda, Minsan Maarte, Mataray, Maganda uli. Pero May Puso ako. Haha

Katulad ng ibang Magaganda, Madami din akong Haters. Pero syempre, Mas madami akong Kaibigan. Wala na akong Paki sa mga sinasabi nila. Basta ang alam ko, nandyan ang mga kaibigan ko at Maganda ako. Hahah.

Pero ang pinaka Pinagkakaparehas ko sa mga Magagandang dilag na Katulad ko ? Isa akong SINGLE. As in S.I.N.G.L.E.

May mga dahilan naman ako dun. Hindi dahil sa Choosy ako. Meron namang mga Nanliligaw pero ayoko . Ang Reason ko? Hindi pa ako Handa. Hindi Magmahal. Hindi pa ako handang Masaktan. Oo, Hindi naman lahat ng Lalaki magkakapareho. Di naman Lahat iiwan ka, Papaasahin ka, Lolokohin ka, at Ipagpapalit sa Iba. Pero wala e.. Parang umayaw muna ako. Sinarado ko muna yung Puso ko. Ayoko muna. Siguro mas Mamahalin ko muna yung Sarili ko. At Least, worth it di ba? Walang masasayang na Effort. Hanggang Crush siguro kaya pa. Pero Mahal? Sarili ko muna.


"Hoy Iya.Kanina ka pa Tulala. Gutom ka na ba?" Tanong sa akin ni Aya. Ang Kambal ko. Di naman kami Totally Kambal talaga. May Pagkakahawig lang kami sa Itsura at Ugali. Sya rin yung una kong naging Kaibigan sa Room. At Parehas din kaming Transferee. Galing sya sa Kabilang School. At ako naman Galing sa Main HighSchool. SuperClose kami. As in Close.


"Ito oh Bhest. Hati tayo. Kumain ka muna" Sabi naman ni Ysa. Ang isa kong BestFriend. Nagsimula ang Closeness namin nung panahong adik ako sa Mangga. At Adik din sya. Kaya lagi kaming Magkasama. Kaya yun. Di na rin kami Mapaghiwalay.


"Mga Loka toh. Di ako Gutom. May iniisip lang. Pero Thanks sa Food" Sabi ko sa kanila habang naglalakad kami galing kami sa Tambayan.


"Di ka pala Gutom. Bayaran mo yang Kinakain mo." Sabi sa akin ni Ysa. Alam kong Binibiro nya lang ako kaya Tumawa ako.

The Search for Forever with Mr. SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon