Thank you for joining Ryu and Jasper until the last chapter of their story. I really appreciate you all guys! I love you!
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter Soundtrack: HOME by: Daughtry
Chapter 40
Welcome home
Hindi ko alam kung paano ko sasalubingin ang paparating na pasko at bagong taon, simula nang araw na umalis si Jasper.
Wala akong ibang nagawa kundi ang tahimik na umiyak sa aking silid maghapon at magdamag matapos ang araw na iyon.
Pakiramdam ko tuluyan na akong tinakasan ng lakas sa aking katawan. May parte sa puso ko na nagsisi sa ginawa kong pagtaboy sa kaniya. May roon din naman na masaya, dahil alam kong iyon ang tamang gawin.
Doon, mas sigurado ang future niya. Ayokong maghirap pa siyang muli gaya noon. Masakit at mahirap sa una, ngunit wala naman akong magagawa kundi ang tiisin ang lahat ng iyon.
Wala rin naman akong ibang magagawa bukod duon. Hindi naman titigil ang pagikot ng mundo ng dahil nga sa akin. Kahit mahirap, sinubukan kong ipagpatuloy na mabuhay ng masaya kapiling ng importanteng taong nasa tabi ko, pagkatapos ng araw na iyon.
Ilanga raw lamang ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Jasper. The moment I heard his voice, tears immediately streamed down my face. Wala akong ibang nagawa ng mga oras na iyon kundi ang umiyak.
God knows how much I miss him. Sinunod ko lahat ng sinabi niya. Sa gabi, lagi kong suot ang mga hoodie or t-shirts niya at kayakap matulog ang stuff toy na iniwan niya.
Lagi ko ring ginagamit iyong pabango niya, dahil sa tuwing naa-amoy ko iyon, pakiramdam ko nasa tabi ko lamang siya.
Siguro mukha na akong tanga sa mga bagay na iyon, pero anong magagawa ko? Sobrang miss na miss ko na siya. Nagtatawagan kami, pero iniiwasan kong makipag video call sa kaniya dahil baka pagnakita ko mukha niya hindi ko mapigilang hilingin sa kaniyang bumalik nalamang rito.
The first few months of our long-distance relationship is quite hard. Magkaiba ang takbo ng oras ng mga lugar namin kaya kung minsan ay nagkakasalisi kami ng tawag.
Idag-dag pa ang kaniya-kaniya naming school commitment. Sobrang hirap pala ng ganitong klase ng set-up ng relationship dahil bawat araw iniisip mo kung ano ang ginagawa niya. Kung sino mga kasama niya, kung ano kinakain niya, kung ayos lang ba siya, kung ano ang nararamdaman niya.
Sobrang hirap.
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit may mga taong mas pinipili nalamang nilang makipaghiwalay kaysa ang pumasok sa ganitong set-up ng relasyon dahil sobrang hirap.
Iba yung anxiety at frustrations sa tuwing hindi siya sumasagot sa tawag o hindi kaya ay hindi kayo nakakapagusap kahit isang beses lamang sa isang araw.
Ngunit pinilit kong huwag magpatalo sa mga bagay na iyon. Kahit nahihiarapan ako ay hinigpitan ko ang kapit ko sa kaniya at nagtiwala ako sa pangako niyang babalik siya.
BINABASA MO ANG
The Sparks of Our Stars (Varsity Boys Series #1)
RomanceVARSITY BOYS SERIES #1: THE SPARKS OF OUR STARS Content Warning: The Varsity Boys Series features a BL (Boys' Love) theme, which includes romantic relationships between male characters. If this genre is not to your preference or you find it uncomfo...