Prologue

274 9 6
                                    

“Ano, Pa? May isa pa kaming kapatid?”

Gusto na magwala ni Mavis pero pinigilan niya ang sarili niya. Hindi siya ganoon. Hindi siya magtatanong. Hindi siya mangingialam. Ganoon naman siguro talaga kapag hindi ikaw ang panganay. Tapos malalaman mo pang hindi rin ikaw ang bunso.

Bakit ba pangalawa na naman ako? Ano ba naman 'to life? Ano, forever na lang ba kong second best?

“Darating ang bunso niyong kapatid sa makalawa. Sana matanggap ninyo ang kapatid niyo, Gab. Avi.”

“Wala pong problema, papa.” sagot ng kapatid niyang si Gab. “Maghahanda po ako ng pagkain para sa pagdating ng kapatid namin.”

“Salamat, anak. Alam kong maaasahan talaga kita.” kitang-kita ni Mavis ang pag-aliwalas ng mukha ng Papa niya. Ang mukha na kay tagal na niyang inaasam makita. Ang mukhang kasabay nawala ng Mama niya.

Limang taong gulang lamang siya ng pumanaw ang Mama niya. Marahil iyon din ang dahilan kung bakit hindi masyadong matandaan ni Mavis ang mama niya. Mula pagkabata ay nasanay na si Mavis na ang Papa niya lang at ang kanyang Ate Gab ang kasama niya. Ang ipinagtataka ni Mavis ay ang bunsong kapatid niyang darating sa makalawa. Paano sila nagkaroon ng kapatid kung matagal ng wala ang mama nila? Hindi kaya nagtaksil dito ang Papa niya?

“Avi, anong iniisip mo?” siniko siya ng ate niya kaya bumalik siya sa katinuan. Nakita niyang nakatingin sa kanya ang mga ito. “Kanina pa kita tinatawag. Anong iniisip mo, anak?”

“Pa, graduation ko sa makalawa. Hindi ka pupunta?”

“Aba'y syempre darating ako, anak. Ako ang magsasabit ng medal mo. Alam mo naman na proud na proud sa'yo ang papa.”

“Kahit second honor lang ako?”

“Kahit maging 10th honor ka pa, Mavis Colleen. Kahit 50th honor pa. Palaging magiging proud sa iyo ang papa. Sa inyo ng ate Gabriella mo.”

Naluha na lang si Mavis. Napayakap siya ng mahigpit sa Papa niya. Alam niyang hindi lang dahil sa maagang nawala ang mama niya kaya siya malapit sa Papa niya. Ni minsan ay hindi ipinaramdam ng Papa niya na may mali sa kanya. Kahit minsan ay pakiramdam ni Mavis ay hindi niya na kayang lumaban sa dami ng iniisip niya, nandyan pa rin ang Papa niya na naka-suporta sa kanya.

“Avi, parating na daw si Dianne.” napalingon si Mavis sa kapatid na si Gab. Mula pagkabata ay si Gab na ang nag-alaga sa kanya. Maagang pumanaw ang kanilang ina kaya naman ang panganay na kapatid niya ang tumayong ina niya habang lumalaki siya. Pakiramdam ni Mavis ay buong buhay niyang tatanawing utang na loob sa ate niya ang pagiging mabuti nitong magulang sa kanya.

“Ate, palagay mo tatanggapin tayo ni bunso?”

“Bakit mo naman natanong 'yan?” masungit na sagot nito sa kanya.

“Syempre, labing limang taon natin siyang hindi nakasama. Hindi niya tayo kilala tapos biglang isang araw kailangan niyang kilalanin ang mga ate niya.” sagot niya dito na ikinataas naman ng kilay ng huli. “Aminin mo, kahit ikaw nagulat noong sinabi ni Papa na may kapatid tayong bunso.”

“Avi, kilala ko si Dianne. May sarili na kong isip ng ipinanganak siya. Marunong na akong umintindi ng panahong 'yon. Tingin mo ba malalaman ko kung paano ka palakihin kung magulo sa akin ang mga bagay bagay?”

Naputol ang pag-uusap nila ng makitang papalapit sa kanila ang papa nila at may kasama itong magandang dalaga.

Grabe! Ang ganda ni bunso. Manang-mana sa akin. Parang magkamukha kami?

“Gab, Avi, ito ang kapatid ninyo. Si Dianne.”

Tumango lang ang ate niya. Samantala si Mavis ay buong galak na sinalubong ng mahigpit na yakap ang kapatid.

“Hi, sis. Nice to meet you.” ngiting-ngiti siyang yumakap dito.

“Excuse me. Masyado kang malapit. Please don't touch me.”

Napanganga na lang si Mavis sa narinig dito.

Aba! Si sister, may attitude!


Real Sisters Trilogy: The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon