Memorya

578 34 1
                                    

MASAYA si Armina, dahil makikita niyang muli si Madee. Lahat ng pinsan ni Kevin ay nakilala na niya. Pero tanging si Madee lang ang nakakakausap niya.

Madalas siya nitong bisitahin sa bahay nila ni Kevin sa Laguna. Kahit ang layo ng Davao, bumabyahe ito makita lang siya. Napakabait nito, malambing at maganda pa.

Magiliw din ito at laging masigla. Hindi nauubusan ng kwento para sa kanya.

Dahil kay Madee, saglit na napapawi ang pangamba sa puso ni Mina. Madalas kasing tumibok ang puso niya ng mabilis, dahil sa prisensya ni Kevin.

Hindi niya alam kung bakit lagi siyang kinakabahan kapag nasa malapit ang binata.

Ni hindi nga niya ito matingnan man lang ng diretso sa mga mata. Marahil sa mga sandaling iniiwasan niya ito. Iniisip na nito na lagi siyang nangangamba habang nasa malapit ito. Kaya mas gusto nito ang maglagi sa opisina.

Napangiti siya ng marinig ang pagdating ni Madee. Nasa labas palamang ito ng bahay, panay na ang tawag nito sa pangalan niya.

"Ate Armina! Ate Armina! Nandito na ako! May pasalubong ako sayo!" Agad niyang nilapitan si Madee saka ito magiliw na nginitian.

Niyakap siya ng dalaga saka iniabot sa kanya ang pasalubong na dala nito. Hindi siya nagpatumpik pa at agad tiningnan ang laman ng iniabot nitong paper bag.

Lumiwanag ang mga mata niya ng makita kung ano ang laman niyon.

"Rambutan!" Masaya siyang tumingin kay Madee para magpasalamat.

"Maraming salamat dito Madee."

"Wala 'yon Ate, masaya ako at nagustuhan mo. Marami pa kami nyan. Kung gusto mo dadalhan ulit kita sa susunod na pagbisita ko." Sunod-sunod siyang tumango bilang pag sang ayon sa sinabi nito.

"Tara na sa loob." Inakay na niya si Madee at habang nagmimeryenda. Nagsimula na silang magkwentuhan.

Hindi na nila namalayan ang oras. Gabi na ng mapuna nila iyon.

"Naku ginabi na naman pala ako, tiyak na hahanapin na naman ako ni Kuya Yugo." Sinabayan niyang tumayo si Madee.

Parang nais pa niya itong pigilan sa pag alis. Nagsisimula na naman kasi siyang kabahan. Kapag kasama niya si Madee hindi naman niya iyon nararamdaman. Nangyayari lang iyon kapag alam niyang sumasapit na ang oras ng pagdating ni Kevin.

"Mag iingat ka biyahe Madee."

Niyakap niya ang dalaga na tumugon din sa yakap niya. Hinatid pa niya ito sa gate kung saan may isang puting kotse ang nakahinto.

"Andyan na ang sundo ko Ate. Sa makalawa bago kami bumalik sa Davao bibisitahin ulita kita." Anito bago siya ulit niyakap.

"Sige, ingat." Nang mawala sa paningin niya ang dalaga. Nagsimula ulit kumabog ang puso niya.

Pauwi na si Kevin.

Mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay at nagtungo sa silid niya. Ilang minuto lang, dumating na rin si Kevin.

Dumagundong sa kaba ang puso niya habang naririnig niya ang mga yabag nito habang umaakyat sa hagdan.

Nakagat niya ng mariin ang ibabang labi. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili, ngunit hindi man lang nabawasan ang kaba sa puso niya. Sa halip nadagdagan pa iyon ng marinig niya ang maawrtoridad ngunit baritonong boses ni Kevin.

TSM-1 Kevin Santillan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon