Azyra Pov's
Hi I'm Azyra Waine Sandoval, Im 20 years old and nandito ako ngayon sa pinag-tratrabahuhan ko na kumpanya na pag mamay-ari ng kaibigan ng dad ko at dahil breaktime ay nandito lang ako sa safe place ko kundi sa coffee shop na katabi lang ng building ng company, nagmumuni-muni ako dito ng biglang may umupo sa tabi ko
"Can i seat?" Tanong nito sakin
"Uhmm ok" sagot ko lang sa kanya kaya naman umupo na sya
"Ah sa marketing dept. ka rin pala" sambit nya kaya nagtaka ako kung paano nya nalaman
"Ha?, Pano mo naman nalaman?" Taka kong tanong sa kanya
"Nakita ko kasi sa I.D mo" sagot nya sabay turo sa id ko
"Ohh ok, bakit dun ka din ba?" Tanong ko naman sa kanya
"Yes" sagot nya naman
"Ah ok" tipid kong sagot
"By the way I'm zenry zach dela fuerte and you?" Pagpapakilala nya sakin
"I'm azyra waine sandoval, nice to meet you zenry" pagpapakilala ko rin at nakipag-shake hands sa kanya
----------------------
After a week naging malapit na kami sa isa't isa at palagi narin kaming nagpupunta sa cafe pero minsan lumalabas kaming dalawa at kumakain sa mga restaurant then one time inaya nya ko sa isang lugar na may fresh air na puro halaman at puno ang makikita at sa tabi nun ay may lawa, nakaupo ako nun sa tabi ng lawa habang nakababad ang paa ko ng bigla syang magsalita
"Azy alam ko ilang linggo palang tayo magkakilala pero ok lang ba sayong ligawan kita?" Tanong nya na nakapag palingon ko sa kanya
"Ha?" Wala sa sarili kong tanong
"I said can i court you?" Ulit nya ng tanong at dun ko na inayos ang sarili ko
"Uhm zen hindi ko alam ang isasagot ko sayo eh kasi since birth wala pa kong naging boyfriend pero may mga nanligaw kaso lang nalaman ko na may iba pala sila kaya natatakot ako na baka maulit nanaman yun sakin at baka ngayon hindi ko na kayanin pa kung sakaling mangyari ulit yun" mahaba kong sagot at tumingala sa langit
"Azy hindi ko gagawin sayo yun kasi ayokong masaktan kita katulad ng ginawa nila sayo at isa pa ayokong sayangin yung panahon na naging magkaibigan tayo" sagot nya naman at hinawakan nya yung kamay ko
"Azy look at me, pinapangako kong hindi kita sasaktan katulad ng ginawa nila sayo kaya wag kang matakot kasi andito lang ako palagi para sayo no matter what happen ok" sambit nya pa at nanatili lang akong nakatitig sa kanya
"Zen do you really promise that you'll never hurt me?" Tanong ko sa kanya
"Yes i promise" sagot nya kaya niyakap ko sya at tinugon naman nya yun
"Dont worry azy i will be here to love you" sambit nya pa
End of chapter 1
BINABASA MO ANG
I'm Just His Second Choice {COMPLETED}
RandomPrologue "Andito lang ako palagi para sayo" sambit ko "Please dont do this to me azy" sambit nya at pinipigilan akong umalis "I have to zen" sagot ko naman at di ko na napigilan ang mga luha ko na pumatak "Please azy" pagmamaka-awa nya pa sakin at n...