"So, how are you?" Tanong niya. Ngumiti ako at hinawakan ang braso ng anak ko.
"Ito dakilang ina na." Natatawang sambit ko at napatingin sa anak kong nakasalubong ang kilay na nakatingin sa lalaking kaharap namin.
"I see, does he know?" Umiling ako at umiwas ng tingin sa kanya.
"Pwede bang sekreto muna natin to? Pierce?" I whispered, Yes! It's him, peyansey-- I mean Pierce na pala.
"I thought you lived in cebu?" Nagtatakang sabi niya. Umiling ulit ako.
"Sa Sta. Luciana kami dinala ni papa, doon kami umuwi. Akala ko nga sa cebu kami uuwi pero hindi." Seryosong paliwanag ko. Hindi siya sumagot bagkus, napabaling ang tingin niya sa anak ko. Nginitian niya ito at kinawayan.
"Hey little girl, I'm your Tito Peirce your Mom's friend." Natawa ako dahil hahawakan na sana niya ang ulo nito pero umilag ang anak ko. Sinamaan lang siya ng tingin nito kaya sinuway ko.
"Astrea be a good girl, he's my friend mag mano ka. Ninong morin iyan" Suway ko.
"Eh, natapon ang ice cream ko po dahil sa kanya Momma. Binangga niya po ako." Salubong ang kilay niyang nakatingin kay Pierce kalaunan ay nagmano.
"Sorry po." Nakabusangot parin nitong sabi.
"It's okay, by the way what's her name again?" Si Pierce.
"Astrea Denisse Canberra." Sambit ko.
"Astrea? Nice name huh? Kapangalan niya ang dadd--"
"Oo na, ang daming sat-sat." Natawa siya sa sinabi ko at napailing-iling.
"So, ikaw? Kumusta? Kayo ni Merritt?" Nakangiting sabi ko. Nakita ko ang paglawak ng kanyang ngiti at kitang-kita ko kung paano tila lumiwanag ang kanyang mga mata. Hindi halatang in love na in love talaga siya kay Merritt.
Ewan ko ba, sobrang saya ko dahil nakikita ko siyang masaya sa iba na deserve naman talaga niya. Napaisip rin ako. Siguro, kung hindi ko siya niloko, ano kaya ang magiging future namin? Kami parin ba ang magkakatuloyan at magkakaroon ng sarili naming mga anak? Ay nako Sydney! Kung ano-ano na naman ang iniisip mo, kita mo namang may anak kana sa ibang lalaki, napaka ilusyonada mo talaga.
"Nagkaanak kami." Nakangiting sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko? Wait? Nagkaanak?
"At kabwanan niya rin ngayon ulit." Natatawang sani niya kaya napahawak ako sa bibig ko.
"Dalawa na anak niyo?" Gulat na sabi ko, natatawang tumango siya.
"Si Terience Mertin Malcolm, and our coming baby girl Marriane Rian Malcolm." Paliwanag niya.
"Talaga? So kasal na kayo ni Merritt?" Tanong ko, tumango naman siya.
"Masaya ako para sayo." Nakangiting sabi ko. Hinawakan naman niya ang kamay ko.
"Thank you, dahil sayo no, sa inyo hindi ko makikilala si Merritt." Natawa ako sa sinabi niya.
"Ano ba, magseselos ako niyan sige ka." Biro ko dahilan na ikinatawa niya.
"Ayaw mo kasing sabihin sa kanya--"
"Hep-hep, tumahimik ka. Ako na ang bahala dun." Mataray na sabi ko natawa naman siya.
"Fine fine pero pag wala kang plano, ako talaga Ang magsasabi sa kanya." Pinandilitan ko siya ng mga mata. "Joke." Dugtong niya kaagad.
"Momma? Uwi na po tayo. Gusto ko na mag sleep." Yumakap sa akin ang anak ko kaya nahihiya akong napatingin ako kay Pierce.
"Oh, maybe next time. Can I get your number?" Tanong niya. Binigay naman niya sa akin ang cellphone niya kaya tinanggap ko iyon at inayos si Astrea sa pag karga sa bisig ko.
"Ayan. pasensya na, napagod kasi itong anak ko kanina sa park kakalaro siguro." Nakangiting sabi ko.
Well, nandito kasi kami ngayon sa isang restaurant. Inimbitahan niya kami kanina dahil gusto niya akong makausap kahit sandali lang.
"Thank you, ihatid ko nalang kay---" Napatigil siya dahil tumunog ang cellphone niya sa kanyang bulsa at suminyas na sasagotin muna niya ang tawag. Tumango ako bilang pagsagot. Dumistansiya naman siya ng kaunti at nilagay ang cellphone sa tenga niya.
"Pagod kana po anak? Halika ka kay momma uwi na tayo ah?" Malambing na sabi ko at tumayo. Sakto namang humarap si Peirce sa amin.
"I'm sorry, hindi ko na kayo mahahatid but don't--"
"Nako, okay lang nakakahiya na sayo." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Sige na, mauna kana. Baka hinihintay kana ng pamilya mo. Salamat sa libre." Natatawang sabi ko. Nakita ko sa mukha niya ang pag alala pero sineryosohan ko siya ng tingin at kalaunan ay tumango at nauna ng lamabas.
"Let's go na anak?" Tanong ko at napatingin sa anak ko. Ngumiwi ako dahil mahimbing na itong natutulog sa dibdib ko. Napabuntong hininga nalang ako at lumabas ng restaurant sabay para ng jeep.
•••••••••••••••••••
"Ouh anak, nandiyan na pala kayo. Kumain naba kayo?" Bungad sa amin ni mama. Tumango ako at suminyas na huwag mag ingay dahil natutulog sa bisig ko si Astrea. Tumango naman siya kaya dumeritso ako sa kuwarto namin at dahan-dahang inihiga sa kama si Astrea at hinalikan sa kanyang pisnge at noo. Atsaka, ako humarap kay mama na nakasunod pala sakin. Magkasabay kaming lumabas sa kwarto.
"Tapos na kaming kumain Ma." Mahinang sabi ko. Tumango naman siya.
"Matulog kana rin anak maaga kapa bukas diba?" Tumango ako kay mama at napaupo sa sofa.
"Nako ma, si Pierce may asawa na." Natatawang pagkukuwento ko. Napatingin naman siya sa akin.
"Talaga? Sino naman? Kilala ko ba?" Nakangiting tanong niya.
"Hindi ma, pero kilala ko." Napatingin naman ako sa kanga at napakagat ng labi.
"Si Merritt ma, uhm. E-ex ni Darwin." Matapos kong sabihin iyon, nakita kong nanlaki ang mga mata niya.
"Abat--kayong mga bata kayo, nagkabaliktaran pa talaga kayo ano?" Natawa ako sa sinabi ni mama.
"Hay, ewan ko nalang ma, si tadhana kasi." Pagod na sabi ko.
"Sige na anak, matulog kana hihintayin ko pa ang papa mo." Tumango ako sa sinabi niya at dumeritso sa kuwarto namin.
Pagod narin kasi ako tapos kinakabahan pa ako para bukas kainis! Hindi na ako sanay na kasama ko siya. Lalo na ngayon, hindi na kami bata para sa gagawin niya sakin kung sakaling papahirapan niya ako. Kung hindi sana kailangan ko ng trabaho. Kainis!
Tuloyan na akong pumasok llsa loob ng kwarto at nagbihis ganun rin ang ginawa ko kay Astrea. Binihisan ko siya kahit natutulog siya tiyaka ako tumabi at niyakap bago ako pumikit.
"Sana magiging ayos lang ang lahat." Huling sambit ko before everything went black.
BINABASA MO ANG
My Selosong Husband | Hiding My Daughter From The C.E.O (BOOK 2 OF MSSSGP)
Romansa"If you didn't leave me with my daughter, this story might not be that long. My name is Darwin Astrey Adelaide, and this is the continuation of our love story as a living partner until we both commit with my baby wife, Sydney Canberra-Adelaide." WAR...