Chapter 10

397 7 1
                                    

Oh eto daw dedicate sa aking kafatiir.. nahili kahapon. Haha! Whatever sorelli! XD

Enjoy reading!

Votes&Comments

Become fan na din :p

~~~*******~~~

-AUSTIN'S POV-

Pagkatapos ng pagtatapat ko kay Mae noon, malimit na 'kong nasa PUB nina James. Minsan nakakasama ko si Andrei. Halos makipag-make out na ako sa ibang babae para makalimutan ko si Mae pero waepek. Si Mae pa din ang pumapasok sa isip ko. Siya nga halos yung naiisip kong kahalikan ko. Minsan naghahalucinate na ako. Sina Andrei na nga halos ang naghahatid sa akin sa paguwi.

Nakakabaliw!

Ang hirap mag-move on. Alam niyo yung feeling na gusto mo na lang takasan yung sakit na nararamdaman mo pero sa tuwing nakikita mo siya, lalo na pag kasama niya yung taong ngayon ay nagpapasaya na sa kanya, parang kinakain ang puso mo. Parang unti unting dinudurog ang puso ko sa sobrang sakit.

"Isa ngang hard dyan, dre!" order ni Andrei sa bartender.

"Oh pare, andito ka na naman?" tanong ko kay Andrei. Mukhang may problema ata toh ah. Libre lang siya dito ni James. Wala kasing trabaho, hindi din nag-aaral. For short, tambay.

"Nag-away na ule kami ni Khaye pare. Di ko na nga siya maintindihan."

"Haha! Babae din pala. Teka, kelan ba siya uuwi?"

"Hindi ko nga alam. Magdadalwang taon na din nung umalis siya. Ayaw kasi payagan ng magulang."

"Ha? Bakit naman daw?"

"Ayaw sa'kin pare ng buong pamilya niya. Haha! Nakakatawa nga e. Dami daming babae dyan kung tutuusin oh! Pero iba siya pare. Siya lang yung tumanggap sa'kin ng ganto. Tinanggap pa niya ako at buong pagkatao ko."

"Then do everything to prove them wrong. Magtrabaho ka. Hindi naman kasi sa pagtambay mo yayaman ka pare."

"Haha! Tama ka. Pero hindi naman yun ang problema namin pare. Yung effort ko. Ang effortless ko daw."

"Effort? Sa lagay pare wala kang ka-effort effort? Mahalaga yan sa relasyon. Isa sa unang hinahanap ng mga babae sa'tin."

"Paano pa bang effort ang gusto niya? E kung wala akong load minsan sa pagtetext. Nahihiya din naman ako makitext sa iba kasi mga smart sila. Hindi din naman ako makapunta sa shop at wala naman akong pang bayad."

"Alam mo pare, ang masasabi ko lang, wag mo siyang hahayaang mawala sa'yo. Hindi ko pa nararanasan ang relasyon niyo pero ang alam ko sa LDR: love, trust and communication are the most important. Baka mamaya kung kelan wala ka, saka ka pala niya kelangan. Pano kung sa time na yun, sa iba pa niya makita yung mga pagkukulang mo sa kanya? Kung alam mo lang pare, nakakapagsisi ang mawalan. Sobrang nakakapanghinayang talaga."

Hindi na siya nakaimik. Patuloy lang kami sa pagsho-shot hanggang sa nalasing na si Andrei. Nagpaalam na ako kay James at inihatid ko si Andrei sa kanila. Halatang sobrang mahal niya si Khaye. Sana lang makayanan pa ni Khaye. Masakit talagang masaktan, pero mas masakit pag nawala sa'yo ang taong bumuo sayo, ang dahilan kung bakit ikaw ngayon ay ikaw.

-Kinabukasan-

Papunta ako ngayon sa court para magpapawis. Malapit lapit na din ang finals namin tapos graduation na. Ang bilis naman. Ang bilis ng panahon pero hindi pa din ako nakaka-move on. Walanjo! Nakapag bagong taon na't lahat, siya pa din ang tinitibok ng puso ko.

You and I ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon