Prologue

4.6K 149 13
                                    

Haru

Busy ako sa pag inom ng aking milktea habang nakatuon ang pansin sa aking phone. May nabasa akong hindi magandang article kaya binagsak ko ang phone ko sa lamesa, kaya halos lahat sila ay nakatingin sakin.

Hindi ko sila binigyang pansin at pinaglaruan ang aking buhok.

"Ano na naman ba, Haru?"

Tinignan ko ang pangit na nasa harapan ko. "Ang pangit mo, nakakasira ng araw."

Yohan frowned. Imbes na patulan ang sinabi ko, napabuntong hininga nalang siya at sumandal sa upuan.

"Nagsasayang lang tayo ng oras dito, Haru. Kung wala na tayong paguusapan, aalis nalang ako dahil may date pa ako." Pinagkrus niya ang kanyang braso.

"Sus, kanino naman? 'Yun bang kasama mo nung nakaraan? E wala 'yung kalaban-laban sa ex mong si Rhy." Panunuya ko rito.

"E ano?! At bakit ba lagi mong binabanggit ang lalaking 'yon?! I told you he's not my ex!"

Tinignan ko lang siya ng buong pang aasar. Inis itong nag iwas ng tingin sakin at inubos ang milktea niya. Yohan is my gay bestfriend. Though hindi siya katulad ko na mas feminine. Actually, in first glance, you would think that Yohan is straight. Medyo masculine kasi ang galawan niya pati narin ang mga outfits niya. But he's handsome. Pwede narin. But we're not talo. Yuck lang 'no. We've been friends since highschool so alam ko na ang totoong ugali ng bruhildang ito.

"Aalis na ako!" He announced. Iniwan nga ako ng gaga mag isa dito. Pinagkibit balikat ko nalang iyon at hindi nalang pinansin.

I'm waiting someone here. Hindi ako pwedeng umalis.

I was in the middle of eating a cake when my phone rang. Yikes, si Kuya pala ang tumatawag. Ayoko sanang sagutin pero baka kunin niya ang cards mula sakin kaya kahit kabado, sinagot ko parin ang tawag.

"Elkyre!" Mabilis kong nilayo ang phone sa aking tenga dahil sa malakas niyang pag sigaw. Highblood na naman siya!

"Ano ba, Kuya. Daig mo pang nakalunok ng megaphone. Bakit ka ba tumawag?"

"You know very well why I called!"

"Uhm... I don't really know, e. Ano nga ba ang dahilan?" I acted innocent.

"You just spent two million in just one week, Elkyre! I won't tolerate this action of yours, I've had enough! I'm cutting your cards!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at mabilis na nataranta.

"T-Teka Kuya-" He dropped the call before I can even reason out. Argh! I hate Kuya!

He spoiled me so much ever since we were kids tapos ngayon, magtataka siya kung bakit ganito ako! It's his fault! Hindi ko naman kasalanan na marami kaming pera para gamitin ko sa mga luho ko. Atsaka I cannot see anything wrong! It's my parents' money! I have the rights to use it! Ugh!

Napabagsak ako sa lamesa. No way this is happening! Bakit ba hindi nalang masanay si Kuya sa mga ginagastos ko? Lolo seemed to be fine with it, siya lang naman 'tong lakas maka-over react! Patay na ako nito. Alam kong seryoso siya sa sinabi niya at hindi ko na magagamit ang mga cards ko.

Paano na ako mabubuhay nito?!

I can't live without my cards! They are my everything! Paano ko na mabibili ang latest release ng sapatos na matagal ko ng inaasam?! Oh gosh. I think I'm dying.

I mean, I have my own money pero si Kuya lang din naman ang nagm-manage noon since my beloved brother couldn't trust me with my own money. Baka raw kung saan ko lang gastusin. And now, tinanggalan niya na ako ng karapatan! I won't let that happen!

Beneath Thin IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon