Haru
Excited akong bumangon kinabukasan. Sa sobrang excited ko, I woke up earlier than usual. Nagtaka ang mga maids na super energetic ko today pero dedma nalang talaga sa bashers. Ngayon nalang ako ginanahan gumising sa panibagong araw. Siguro kasi may bagong crush na naman akong sisilayan at popormahan? Baka nga. I chuckled.
I have high standards. Sa panahon ngayon na puro cheater at nagkalat ang mga lalaking pakwan, talagang tataasan ko ang standards ko. Duh, I'm Haru Paralejo. I'm pretty na nga tapos I'm rich pa. Saan ka pa, 'di ba?
I called Yohan but I think he's still asleep. Maaga pa naman kaya naisipan kong mag coffee nalang muna sa gilid ng pool habang nagbabasa ng isang novel. Mahilig akong magbasa ng mga novels at ito ang palagi kong libangan kapag bored na bored ako.
When it's already eight o'clock, naisipan kong maligo na para makapag-skincare routine pa ako. At para mabilis narin kapag aalis na mamaya. Yohan texted me na magkita nalang kami sa mall mamayang 10 AM.
Pagkatapos ko magbihis at gawin ang mga kaartehan ko sa buhay, umalis narin ako sa bahay. I drove my pink Kia Picanto. I hummed as the song plays in the radio. Hindi ako familiar but it has good tune in it.
Bago bumaba sa kotse, nag selfie na muna ako para mai-post ko sa Instagram ko. I smiled when I'm satistifed with the results.
"Ang tagal mo," reklamo ni Yohan ang bumungad sakin nang makarating ako sa meeting place naming dalawa. Nakasimangot siya. Simple lang ang outfit niya today. Just a simple white shirt and pants. Simple lang pero ang gwapo tignan. Kung hindi lang talaga kami mag bestfriend nito, baka nag forda go na ako sa handsomeness niya.
"Calm down, baby. Miss mo naman ako agad. I'm here na nga, oh?" Asar ko rito. Umupo na ako at nagpaganda.
He rolled his eyes. "Sino na naman ba ang popormahan mo at kailangan mo pang bumili ng panibagong mga damit?"
"Oh, Yohan. You know me too well," I gave him a wink. "Sino pa ba? Edi ang future husband ko. Si Rix."
"Rix?" Kumunot ang noo niya.
"Rix. Si Xairhiel."
"Ay wow. Are you two close for you to give him a nickname?" He laughed.
"Dedma sayo," inirapan ko siya. "Xairhiel is a mouthful, okay? Kaya I decided to make a nickname for him. Hindi naman pangit, ah?"
"Oo nga, wala naman akong sinabi na pangit. Ang feeling close mo lang kasi. Kahapon mo lang siya nakilala pero may nickname agad. And what? Your future husband?" Muli akong napairap. I hate him talaga. He just doesn't get it. Hindi ko alam kung paano pa ba siya nabubuhay sa mundong ibabaw. I mean, kahit naman yata sino, naranasan na maging delulu sa isang tao kahit isang beses. Hindi niya rin ako sinusuportahan!
"Dedma talaga sayo, Yohan Almendra. Kapag talaga makita natin si Rhy, aasarin talaga kita." I sneered at him.
He scoffed. "That man doesn't exist. Don't mention him ever again nga. Nakakairita."
Natawa nalang ako. Nag order nalang kami ng pagkain for lunch para mamaya ay dire-diretso na kami sa pags-shopping. Ayaw talaga ni Yohan ang mga ganitong bagay at naisasama ko lang siya kapag may suhol o kaya libre. Yohan is earning a huge amount of money just by writing pero matipid lang talaga siya lalo na sa sarili niya kaya madalas ko siyang bilhan ng kung ano-ano lalo na kapag nag-out of town ako or out of the country.
"Argh, I don't really want to go," ungot ni Yohan at humiga sa kama ko. Nilapag ko ang mga paper bags sa may gilid. Inabot na kami ng hapon sa mall dahil narin sa pagiinarte ko.
"You already said yes, Yohan. Magtatampo talaga akong malala kapag hindi ka sumama." Pananakot ko rito.
"Tinamad ako bigla. And I don't feel like going to the bar. Feeling ko may mangyayaring hindi maganda. Hindi mo ba naf-feel iyon?"
BINABASA MO ANG
Beneath Thin Ice
General FictionHaru Paralejo is unruly. Wild. Uncontrollable. Crazy. He always get what he wants. When I say always, I meant always. But there's just one things he couldn't get... the heart of the stone-cold Xairhiel Crenshaw. He was obsessed to get him. To hold h...