Kabanata 3

1 0 0
                                    

Ara’s PoV

Hoy could that possible? Bakit ganito? Ano bang nagawa ko noong past life ko dahil ganito kasakit ang nang-yayari sa ‘kin ngayon. I cried. Buong mag-damag. Bakit ganito? Nakaka-gago. Bakit ngayon ko lang nalaman na s’ya pala si Troy. Ngayong, dumating si Yeso.

It’s Sunday. 3 Days na noong huling nag-usap kami ni Yeso at Troy or should I say, Steve.

Naka-higa lang ako dito sa kuwarto ko. Nag-mumukmok. Hindi ko alam ‘tong nararamdaman ko. Alam kong mahal parin ako ni Troy pero mahal ko si Yeso. Mahal ako ni Yeso, pero alam kong hindi s’ya sigurado. Katulad ko rin s’yang nagugulohan. Pareparehas lang kami.

Ganito pala ang hagupit ni Tadhana.

Naka-tingin lang ako sa kisame. Pagod na akong umiyak. Napagod na ‘ko. Habang naka-tulala, may kumatok.

Hindi ako bumangon, nag-salita lang ako. “Kung sino ka man, umalis ka na. Tarantada. Layas,” Ganito talaga ako kapag wala sa mood. Hindi ko pinapansin ‘yong kumakatok. Pero, nagulat na lang ako dahil pinag-hahampas na niya ‘yong pinto.

“Putangina mo, Ara! Ano bang nang-yayari sa ‘yo? Si Roxie ‘to. Buksan mo ‘yong pinto o sisirain ko ‘to?!” Gago, nakakahiya sa mga kapwa ko istudyante kung mag-iingay s’ya. Napabuntong hinga ako’t bumangon.

“Hi Bff!” Bungad n’ya sa ‘kin. May ini-angat s’yang plastik ng Beer at mga chichirya. “Tara inom,” Kinindatan pa ‘ko ni gaga.

Napansin ko sa likod ni Roxie ay may dumaang lalaki. Napatingin ako ro’n habang naka-kunot ang aking noo.
Si Yeso pala.

Nilingon n’ya ako’t sinalubong ng tingin. Pero, agad din s’yang nag-iwas.

“Hoy,” Bulong ni Roxie. Napabaling ang tingin ko sa kaniya.

“Ano na naman?” Nasa loob na pala s’ya. Hindi ko napansin. Pumasok na rin ako sa loob at isinara na ang pinto.

Nakapamewang si Roxie at naka-taas ang kilay. Mataray n’yang itinuro ang mata ko. “Bakit gan’yan mata mo? Mukha kang Zombie,” Inirapan pa ‘ko amp.

Napa-iling na lang ako. Roxie is Roxie. Kahit mataray ‘yan, softhearted ‘yan.

Inilapag n’ya ang Plastik ng Beer at Plastik ng chichirya sa lamesa at komportableng naupo sa couch. Ganiyan s’ya ka-feel at home.

Kinuha ko ang loptop ko sa bag ko’t umupo sa tabi n’ya. Alam ko na ang sasabihin nito kaya’t inunahan ko na s’ya.

“Yes, manonood us sa netflix.”

“Uhmm.. Naunahan mo ‘ko ro’n ah?”

Napangiti nalang ako’t nag-hanap ng movie sa Netflix.

“Marecakes, bakit ganiyan mata mo?”

Lumingon ako kay Roxie at pilit na ngumiti.

“Kilala mo si Yeso Alejo at Troy Neurexio ‘di ba?”

“Yes? Nakwento mo sila sa ‘kin.”

“Brent Yeso at Steve,” Huling sabi ko at nanood na lang.

“Wait? What? U mean, Brent at Yeso Alejo ay iisa? At Steve at Troy Neaurexio ay iisa rin? Hala!” Tumili pa si Rox. Parang tanga.

“Real Talk ha. Hm, Alam kong mahal ako ni Yeso pero alam kong hindi rin s’ya sigurado,” I smiled bitterly. “Mahal pa rin ako ni Troy, pero hindi ko s’ya kayang mahalin sa ngayon dahil si Yeso parin ang mahal ko.”

“Owshit, mahirap ‘yan ah?” Sabi ni Roxie at lumagok ng Beer.

Hindi na ‘ko nag salita. Pero s’ya, daldal nang daldal.

“Hahaha, sizzy. If you’re gonna choose a person, piliin mo ang taong mahal mo. Piliin mo ang taong gusto mong maka-sama habang buhay. Kung nalilito ka sa kanilang dalawa, dumistansya ka muna. Mag-isip isip ka, kasi hindi pwedeng hindi ka pumili sa kanilang dalawa. This is the Tragedy Of Destiny, walang pwedeng hindi masaktan. Nasa reyalidad tayo. Kahit anong gawin mo, gugulohin ng tadhana ang love story mo.”

Her words. Ang mga salita n’ya ang inisip ko hanggang sa pag-tulog. Roxie is mature. Alam na niya lahat.

Pero ano nga ba ang dapat kong piliin?

Ang taong mahal ako kahit hindi s’ya sigurado o,
Ang taong mahal ako kahit hindi ko kayang suklian ang pag-mamahal na ibinibigay n’ya?

Tragedy of DestinyWhere stories live. Discover now